Singer-actress, buntis sa baby nila ng kanyang non-showbiz boyfriend?

by PEP Troika
Jun 5, 2022
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

GORGY RULA

Ayaw pang kumpirmahin ng reliable source ng PEP Troika kung totoo ang kumakalat na kuwentong nagdadalantao itong magaling na singer-actress.

Ayon sa ilang napagtanungan namin, mukhang totoo. Pero tahimik lang muna sila ngayon dahil masyado pang maaga.

Baka kapag nasa first trimester o pagpasok sa second trimester ay doon na nila ito ia-announce kapag okay na okay na ang dinadala niyang baby.

Nagulat kami nang nasagap namin ito dahil ang buong akala namin ay single si singer-actress. Friends lang kasi talaga sila ng guwapo at mabait na aktor na dati niyang ka-love team.

Nabalitaan naming nag-break si singer-actress at ang kanyang non-showbiz boyfriend.

Pero baka raw nagkabalikan, dahil natsismis pa ngang nagli-live in na raw sila noon. Matagal na rin kasi ang kanilang relasyon.

Abangan na lang natin ang announcement kung aaminin, at kung itong longtime non-showbiz boyfriend ba ang ama ng diumano’y ipinagbubuntis ni singer-actress.

NOEL FERRER

Continue reading below ↓

Teka, let’s be fair naman, buntis ba talaga o mukhang buntis lang ang singer-actress? Let’s give her the benefit of the doubt.

Kung anuman ang kalagayan niya, sana ma-visualize siya ni Nay Lolit Solis na isang maganda at karapat-dapat na movie star at talagang mag-bloom pa siya. Sana.

JERRY OLEA

Pakiwari ko’y hindi makakasira sa image at career ng twentysomething singer-actress sakaling mabuntis siya.

Mahusay siyang umawit at may lalim ang kanyang pag-arte. Mas may paghuhugutan siya kapag naging ganap na siyang ina.

Hindi siya kagaya ng dalawang sexy actress na inilihim ang kani-kanyang pandemic baby.

Iyong isang sexy actress kasi ay last year lang inilunsad sa mapangahas na pelikula. Iyong isa pa ay magbibida sa isang kapana-panabik na teleserye.

Meron ding isang sexy actress na natsitsismis na nanganak na noon pa bago mag-artista, at ngayon ay buntis na naman daw courtesy ng boyfriend niyang hunk actor.

Iyong isang young actor naman, inililihim pa rin ang pagiging ganap na ama.

Continue reading below ↓

Binuwag na ang love team nila ng gandarang young actress, at gusto na sanang umamin ng young actor pagkatapos ng eleksyon.

OK rin sa ama ng young actor na aminin ang totoo, pero may mga humaharang para magsalita ang young actor. At least, hindi niya iyon idine-deny.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results