Watch Now

Max Collins, sasabak sa action sa pelikula niya para sa AQ Prime

by PEP Troika
Jun 5, 2022
max collins aq prime
Max Collins on her upcoming action movie: "Ngayon pa lang, nagte-training na ako. Fight training, gymnastics, ahhm, shooting, firing, ayan. Nag-start akong mag-fight training last month pa. Pero ngayon, mas intense na. Araw-araw ko na siyang ginagawa."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Mag-aaksyon si Max Collins sa pelikulang pagbibidahan niya para sa AQ Prime Stream, kung saan gaganap siya bilang isang madre na assassin.

“Aksyon na aksyon ito — tuma-tumbling, bumabaril, lahat!” bulalas ni Max sa grand launch ng AQ Prime Stream nitong Hunyo 4, Sabado, sa Conrad Hotel, Pasay City.

“Kaya ngayon pa lang, nagte-training na ako. Fight training, gymnastics, ahhm, shooting, firing, ayan.

“Nag-start akong mag-fight training last month pa. Pero ngayon, mas intense na. Araw-araw ko na siyang ginagawa.”

Si Aljur Abrenica ba ang leading man niya sa maaksyong pelikula na ang tentative title ay Blood & Love?

“Supposedly. Hindi pa tayo sure diyan,” tugon ni Max.

Pam-PG or GP itong project ni Max, kagaya ng iba pang pelikula sa slate ng AQ Prime na Nelia, Pula Ang Kulay Ng Gabi, Anatomiya, Huling Lamay, Ligaw, Abandoned, Z Love, Losers-1, Suckers Zero, at Peyri Teyl.

Pang-mature audience naman iyong mga pelikula sa ilalim ng banner ng Director’s Cut by AQ, kabilang ang Adonis X, Upuan, Bingwit, Mang Kanor, Cuatro, Amazona, Sosyal Medya, Baka Sakali, at La Traidora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Punong-abala sa launch ng AQ Prime at Director’s Cut by AQ sina CEO Atty. Aldwin Alegre at COO Atty. Honey Quiño.

Maliban kay Max, dumalo sa launch sina Raymond Bagatsing, Rez Cortez, Mon Confiado, Buboy Villar, Ricardo Cepeda, Juan Carlos Galano, Soliman Cruz, Krista Miller, at Choi Moo-sung ng K-drama na Reply 1988.

Namataan din namin sina Shido Roxas, Elijah Filamor, Kristof Garcia, Marcus Madrigal, Ali Forbes, Rob Sy, Sabrina M, Yana Fuentes, Rico Barrera, Enzo Santiago, Cataleya Surio, at South Korean beauty queens na sina Mina Sue Choi at Do Hee Jung.

Present din sina RS Francisco, Drei Arias, Conan King, Seon Quintos, Juan Calma, Kurt Kendrick, Mark McMahon, Joni McNab, Nika Madrid, Marie Priezcer, Lloyd Agustin, Domingo Almoete, Carlo Mendoza, Andrew Gan, at Joyce Javier.

Andoon din ang mga direktor na sina Joel Lamangan, Louie Ignacio, Neal “Buboy” Joven Tan, Alejandro “Bong” Ramos, Afi Africa, Rosswil Hilario, Sergio “Boy” Pilapil, at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang pa sa mga dumalo sina Michael Ver Comaling, Sachzna Laparan (na sinundo ni Jerome Ponce), Emelyn Cruz, Zia Zamora, John Flores, ang line producer na si Dennis Evangelista, production designer na si Jay Custodio, talent manager na si Lito de Guzman, at acting coach na si Blueseal Vandervilt.

Nag-performer sa event ang Calista, Witchers, at KAIA.

Ang nag-host ay sina Sam Oh at Mark Rivera.

GORGY RULA

Mabuti, dumating si Max Collins na napakaganda sa kanyang black gown. Isa siya sa mga kilalang artistang dumalo sa grand launch ng AQ Prime Stream kahapon.

Ang maganda sa ginawa ng AQ Prime, ang daming baguhang artistang mabibigyan ng break. Sana, sa first anniversary nila next year, meron nang napasikat sa kanila.

Ikinatuwa rin ito ni Direk Joel Lamangan, dahil kahit wala pang katiyakan ang local films natin sa sinehan, heto ang AQ Prime na tuluy-tuloy ang paggawa ng mga pelikula.

“Nakakatuwa. Marami silang mabibigyan ng trabaho. At least, meron pang gumagawa ng mga pelikula, kahit wala pa tayo sa mga sinehan,” pakli ni Direk Joel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Malaki po yung maitutulong natin, kasi maraming matutulungang directors, filmmakers… so, let’s expect po at idasal natin na mas marami pang kaabang-abang,” sabi naman ni Atty. Aldwin Alegre.

Akala ko, may gagawin ding pelikula roon si Jerome Ponce na napakaguwapo rin kahapon. Sinundo lang pala niya roon ang kasalukuyang girlfriend niyang vlogger na si Sachzna Laparan.

jerome ponce sachzna laparan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Welcome news ang pagpasok ng isang streaming platform like AQ Prime para sa ating mga manggagawa sa pelikula.

Inihayag ni Atty. Aldwin Alegre sa grand launch na mahigit isang daang (100) ang nabigyan ng trabaho dahil sa AQ Prime, na nag-umpisang mag-shoot ng mga pelikula noong Marso, at nag-ribbon-cutting ng opisina noong unang linggo ng Abril sa Roces Avenue, Quezon City.

P99 ang monthly subscription fee sa AQ Prime, mas mura kesa sa Vivamax na P149 ang bayad kada buwan.

Maganda at maipakikita nito ang sigla ng industriya sa gitna ng pandemya at nag-iiba ng mode of consumption ng mga tao sa media. Sana lang, mapanatili ng AQ ang interes at kalidad ng mga content na ipalalabas nito.

Mabuti at nakuha nila si Direk Joel Lamangan na magdidirek ng Peyri Teyl, kung saan naka-cast sina EA Guzman, Yana Fuentes, at Lou Veloso.

Excited ako sa paglabas pa ng ganitong mga alternative streaming networks dahil ang panalo rito ay ang consumers — ang audience mismo!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Max Collins on her upcoming action movie: "Ngayon pa lang, nagte-training na ako. Fight training, gymnastics, ahhm, shooting, firing, ayan. Nag-start akong mag-fight training last month pa. Pero ngayon, mas intense na. Araw-araw ko na siyang ginagawa."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results