2 Good 2 Be True ng KathNiel, naungusan ang Stranger Things 4 sa Netflix PH

by PEP Troika
Jun 9, 2022
kathniel 2 good 2 be true
2 Good 2 Be True, starring real-life couple Kathryn Bernardo and Daniel Padilla, is currently the No. 1 TV show on Netflix Philippines, beating the international series Stranger Things 4.
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment

JERRY OLEA

Ang bad news — ligwak na sa Top 10 Movies ng Netflix Philippines ang More Than Blue nina Yassi Pressman at JC Santos. At wala ni isang Pinoy movie sa Top 10!

Ang mga kasama sa talaan ay Interceptor (2022), The Accountant (2016), The Losers (2010), Stepmom (1998), Black Hawk Dawn (2001), The Art of War (2000), Mystic River (2003), The Curious Case of Benjamin Button (2008), The Angry Birds Movie 2 (2019), at The Big Hit (1998).

Ang good news — nanguna muli sa Top 10 TV shows in the Philippines ang KathNiel series na 2 Good 2 Be True. Kinabog nito ang Stranger Things 4 na napunta sa pangalawang puwesto.

Ang nakakatuwa pa, may tatlo pang Pinoy TV shows sa Top 10!

Pangatlo sa listahan ang Niña Niño, pangwalo ang Legal Wives, at pangsiyam ang The Promise (Pangako Sa ‘Yo) na bida rin sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Continue reading below ↓

Apat din ang South Korean series sa Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines.

Ang mga ito ay ang Pinocchio na pang-apat, Our Blues na panlima, Tomorrow na pampito, at Business Proposal na pansampu.

netflix philippines

Sa Hunyo 17, Biyernes, ay ipapalabas na sa Netflix ang Kapuso series nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith. Aabangan siyempre natin ang ranking nito sa Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines.

Continue reading below ↓

At any rate, ipinapalabas din in advance ang episodes ng 2 Good 2 Be True sa iWantTFC. Ariba rin ang combined ratings nito sa A2Z, TV5, Kapamilya Chanel, at Jeepney TV.

Ayon sa AGB-Nielsen NUTAM Ratings, nagtala ang 2 Good 2 Be True ng 6.9% noong Mayo 30 (Lunes), 6.7% noong Mayo 31 (Martes), 7.4% noong Hunyo 1 (Miyerkules), 7% noong Hunyo 2 (Huwebes), at 7.4% noong Hunyo 3 (Biyernes).

Siyanga pala, swak sa pagiging health advocate ni Kathryn ang papel niya bilang Ali na nars ni Lolo Hugo (Ronaldo Valdez) sa 2 Good 2 Be True. Importante kay Kathryn na maiparamdam niya sa kanyang pamilya at mga kaibigan ang kahalagahan nila.

“I have a very small circle of friends, but that's my core. I make time for them kasi busy din ako kaya nasa akin talaga kung paano ko ime-maintain ‘yung friendship,” sabi ni Kathryn na bagong ambassador ng Biogesic.

Continue reading below ↓

“So during my free time, I make sure na maramdaman nila that I am there for them.

“Ako yung type of friend na mahilig mag-video call instead of text. Gusto ko kasi nakikita ko yung kausap ko para feeling ko magkaharap lang tayo na nagchichikahan.”

Ganoon din si Kathryn sa kanyang pamilya.

“Sometimes it’s the little things, like kung kailangan mo ako, or kahit ayaw mo pero feeling ko kailangan mo ako, I would go to you, ganoon ako,” ani Kathryn.

NOEL FERRER

Owwww, kailangan talaga tumagal ang interes ng mga tao sa content mo so that it stays there sa Top 10. I’m sure there’ll be local movies na pasok diyan sooner or later.

Teka, kapag movies ba na straight to streaming sites ay eligible pa rin sa local film awards natin? Interesting ang magiging sagot ng awards organizations diyan.

GORGY RULA

Magaling ang writers ng 2 Good 2 Be True, dahil kahit may mga eksenang kakornihan at predictable, may nagagawa sila sa kuwento na kailangan mo talagang subaybayan. Hindi mo siya bibitawan.

Continue reading below ↓

Gusto mo kasing malaman ang kuwento ni Eloy (Daniel Padilla) na nagtrabaho na kay Lolo Hugo (Ronaldo Valdez) bilang mekaniko dahil gusto nitong madiskubre ang koneksiyon nito sa pagpapakulong sa kanyang amang si Fred Borja (Romnick Sarmenta).

May pagka-K drama ang dating, pero Pinoy na Pinoy pa rin naman, at ang kakornihan nila ni Kathryn Bernardo ay obvious na dagdag kilig sa KathNiel fans.

Sa totoo lang, ang ganda na ng quality ng mga drama series natin ngayon na pasok agad sa Netflix. Pinataas ng naturang platform ang kalidad ng ating mga TV series at pati na rin ang mga pelikula.

Parang mas naa-appreciate nga ng Netflix viewers ang Legal Wives kesa sa free TV. Iba rin kasi ang kuwento nito na naglalarawan ng buhay ng mga Muslim.

Marami pang drama series ngayon na mukhang swak na swak din sa Netflix.

Nagsimula sa Afternoon Prime ng GMA 7 nung Lunes, June 6, ang The Fake Life nina Ariel Rivera at Beauty Gonzalez.

Continue reading below ↓

Okay ang rating ng pilot episode nitong 6%, at naging 5.4% nung Martes, June 7. Nakakatanggap kami ng komento mula sa aming listeners sa radio program namin na nagandahan sila sa pagsisimula ng naturang afternoon drama.

Ganundin ang nasa GMA Telebabad na Love You Stranger nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos na ibang-iba ang pagkakagawa ng direktor nilang si King Baco.

Sabi niya, pang-Netflix daw talaga ang habol nilang quality.

“We have to keep up,” pakli niya sa nakaraang mediacon ng Love You Stranger. “Siyempre, we don’t give materials na pocho-pocho lang, di ba? Ang hirap, e… lalo na ngayon na binabantayan ng mga audience na napakametikuloso.

“Binabantayan nila ang bawat detalye ng ginagawang material natin. So, I think, we have to level up.

“Yun ang challenge… it’s not only me but for other programs, dapat ganun, kasi matalino na ang audience natin e,” dagdag niyang pahayag.

Sabi naman ni FDCP Chairperson Liza Diño, para makapasok ang pelikula sa Netflix at iba pang platform, dapat talagang mag-meet sa standard nila ang ginagawa mo.

Continue reading below ↓

Aniya, “Netflix, Amazon, may sariling technical requirement 'yan. Pag hindi ka pumasa… camera pa lang namimili na sila.

“Pag hindi mo ginamit ang kamerang accredited sa kanila na brand, hindi papasok yung pelikula mo. Meron silang standard.

“May listahan sila ng acceptable na camera na ginagamit, kasi industry standard talaga… international standard talaga yung sinusunod ngayon ng mga pelikula, para pantay-pantay at sa technical man lang, pantay-pantay at magandang kalidad ang paggawa ng pelikula na nabebenta sa merkado.

"At yun din kasi ang ina-accept ngayon sa mga platforms."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
2 Good 2 Be True, starring real-life couple Kathryn Bernardo and Daniel Padilla, is currently the No. 1 TV show on Netflix Philippines, beating the international series Stranger Things 4.
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results