Marian Rivera, Bea Alonzo at Heart Evangelista, patalbugan sa GMA-7 Thanksgiving Gala

by PEP Troika
Jun 12, 2022
Marian Rivera
Bea Alonzo
Heart Evangelista
Sina (L-R) Bea Alonzo, Marian Rivera at Heart Evangelista ang ilan lang sa mga Kapuso artists na inaasahang dadalo sa GMA-7 Thanksgiving Gala na gaganapin sa Shangri-La The Fort sa July 30.

GORGY RULA

Ngayon pa lang, nagkumpirma na ang ilang Kapuso stars na dadalo sa Thanksgiving Gala ng GMA-7 na gaganapin sa Shangri-La The Fort sa July 30.

Malaking selebrasyon ito ng Kapuso network para sa kanilang 72nd anniversary.

Ilan sa mga nag-post sa kanilang social media account ay sina Heart Evangelista, Ashley Ortega, Rodjun Cruz at Zephanie.

Formal black-and-white old Hollywood ang theme, kaya kaabang-abang ang mga bonggang outfit na rarampa sa red carpet.

Ang isa pang aabangan natin ay ang mga artistang napapabalitang lilipat ng GMA-7.

Ipapakilala kaya sila sa selebrasyong ito?

Merong nagbabalik-Kapuso, at meron ding matagal nang pinasikat sa Kapamilya network.

Ngayon pa lang ay may kumakalat na artcards na nagpapahiwatig na ipakikilala dito sa Thanksgiving Gala itong mga bagong Kapuso.

Merong parang kilalang Kapamilya star ang tinutukoy, pero itinangging taga-GMA-7 ang nag-post nito.

GMA-7 teaser art card

Continue reading below ↓

Mukhang mga fans lang ang may gawa nung ikinakalat na artcards, para mapag-usapan na.

Pero kahit wala mang bagong Kapuso artists na ipakikilala sa bonggang event na ito ng Kapuso network, mukhang pag-uusapan pa rin ito dahil may naririnig kaming ilang Kapuso stars na nagkumpirmang dadalo bitbit ang ilang kontrobersyal na celebrity. Kaya tiyak na lilikha ng ingay itong Thanksgiving Gala ng GMA-7.

NOEL FERRER

Si Sarah Geronimo nga ba ito?

Yung kamukha niya ang teaser ang naaaninagan.

Tapos, kasama na ba si Matteo Guidicelli sa magbabalik-Kapuso? At siya na rin ang nagsabi na may kinakausap na siya.

At isa pang Hari na malapit sa ating puso, ipapakilala na ba, Tito Gorgy at Tito Jerry?

Happy 72nd Anniversary, Kapuso!!!

JERRY OLEA

Andami nating aabangan sa Thanksgiving Gala na ito!

Inaasahan natin ang pagdalo ng Kapuso Primetime King & Queen, ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Andiyan din dapat ang mga bida ng Start-Up Philippines, sina Bea Alonzo at Alden Richards.

Continue reading below ↓

Magdudulot din ng ibayong ningning kung dadalo riyan ang National Artists na sina Nora Aunor at Ricky Lee!

Hopia, asado at expectorant din tayo na present sa event na iyan ang bida sa Happy ToGetHer na si John Lloyd Cruz!

Magkikita kaya riyan sina Carla Abellana at Tom Rodriguez? Sabay kayang darating sina Max Collins at Pancho Magno? Hiwalay kaya ang magkaibigang Rita Daniela at Ken Chan?

Looking forward din tayo sa pagdalo ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ang magkasintahang Rabiya Mateo at Jeric Gonzales, at ang nagkakamabutihan na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

Sa Hulyo 31 ang 58th Bb. Pilipinas kaya hindi na natin hahanapin sa GMA Thanksgiving Gala si Herlene Budol aka Hipon Girl.

Ang alam natin ay sa Hunyo 26 tutulak pa-South Korea ang grupo ng Running Man Philippines, at two months doon sina Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Mikael Daez, Buboy Villar, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales at Angel Guardian. So, malabong maka-attend sila sa payanig na Kapuso event sa Hulyo 30.

Continue reading below ↓

If ever, dadalo kaya si Maine Mendoza kasama si Congressman Arjo Atayde? Abangan!!!

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sina (L-R) Bea Alonzo, Marian Rivera at Heart Evangelista ang ilan lang sa mga Kapuso artists na inaasahang dadalo sa GMA-7 Thanksgiving Gala na gaganapin sa Shangri-La The Fort sa July 30.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results