Watch Now

Richard Reynoso, naghimutok sa sunud-sunod na concerts ng foreign artists sa Pilipinas

by PEP Troika
Jun 15, 2022
richard reynoso
Richard Reynoso: “Mabuti pa ang mga ‘foreign acts’, kaliwa’t kanan ang pagtatanghal dito sa atin at sa mga naglalakihang venues pa. Samantalang ang karamihan sa ating mga kababayan, swerte nang makahanap ng ’gig’ para may maipakain sa kanilang pamilya…”
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA

Naghimutok si Richard Reynoso kaugnay sa sunud-sunod na concerts ng mga banyagang mang-aawit sa malalaking venues sa Pilipinas.

“Halehalehoy mga kabayan!” emote ni Richard nitong Hunyo 14, 2022, Martes ng gabi, sa Facebook.

“Mabuti pa ang mga ‘foreign acts’, kaliwa’t kanan ang pagtatanghal dito sa atin at sa mga naglalakihang venues pa.

“Samantalang ang karamihan sa ating mga kababayan, swerte nang makahanap ng ’gig’ para may maipakain sa kanilang pamilya…”

Kabilang sa foreign artists na magpapasiklab sa lupang hinirang ang Red Velvet (Hulyo 22 sa SM MoA Arena), All Time Low (Agosto 15 sa SM MoA Arena), at The Script (Setyembre 23 sa SM MoA Arena).

the script manila concert

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa natin matiyak kung tuloy o kanselado ang October 29 concert ni Justin Bieber sa CCP Open Grounds. Pero kasado na rin ang payanig nina Avril Lavigne (Nobyembre 3 sa Araneta Coliseum), Russ (Nobyembre 5 sa SM MoA Arena), LANY (Nobyembre 11, 12, at 13 sa SM MoA Arena), at Alanis Morissette (Nobyembre 18 at 19 sa SM MoA Arena).

lany manila concert

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sold out agad ang February 20, 2023 concert ng Westlife sa Araneta Coliseum kaya nagdagdag ng isa pang araw (Pebrero 21). Meron ding mga dayuhang magpapakitang-gilas sa New Frontier Theater, Skydome ng SM North EDSA, at iba pang venues.

westlife manila concert

Sabi pa ni Richard Reynoso, “Paano nga naman hindi magpupuntahan dito ang mga dayuhang ‘performers’, napakalaki ng kinikita nila dito sa atin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Samantalang kung tayo ang magpeperform dun, kailangang magbayad ng sangkatutak na requirements ang producer kasama na dun ang Artists Equity.

“Dito, ang babayaran lang nila sa Artist Equity ay ?5,000 per foreign artist.

“Kahit na 20 miyembro pa nila ang dumating dito, sa mahal ng benta ng ticket nila, marahil 3-4 na tickets lang ang mabenta nila, bawi na nila yun dahil talagang napakababa lang.

“Kung magagawa lang na kahit 1% lang ng gross profit nila ang makuha para sa equity, malaki na ang maitutulong nun sa benepisyo (health at funeral) ng mga Artists natin sa dami ng mga dumarating.

“Maganda din sanang magkaisa ang mga kasamahan sa industriya para mabago itong maling sistema.”

NOEL FERRER

Valid ang concern ni Richard Reynoso, pero meron pa rin namang nagko-concert na local artists, like yung katatapos lang na LuvAnne ni Anne Curtis sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila, ang Iconic nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez, atbp.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Baka puwedeng i-bring up ni Richard ang concern na ito sa bagong presidente, at aside sa pagkubra ng taxes sa foreign acts ay bigyan talaga ng ayuda ang mga mang-aawit at manlilikhang Filipino.

Sana, tanungin din kung saan napunta ang dapat ayuda sa mga tao na ipinangutang pa.

Sa pagtaas na naman ng kaso ng COVID, sana’y matulungan talaga ng gobyerno ang mga artist na itinuturing na non-essential. We’ll see!!!

GORGY RULA

Bago pa magkapandemya ay ganito na ang hinaing ng karamihan sa ating local artists. Ewan ko kung ginagawa pa rin ang dating patakaran na kailangang kumuha ng local artists natin ang bawat foreign performers na nakatakdang mag-concert dito sa atin.

Sa ngayon ay magpasalamat na lang muna tayo na unti-unti nang bumabalik sa normal, at halos nasu-sold out na ang tickets ng foreign acts na naka-schedule ang concert dito sa atin.

Sa tingin ko, mabibigyan naman ng chance ang local artists natin ma-promote lang nang maayos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aba! Sold-out ang concert ni Marco Sison last Saturday night sa Teatrino (Promenade, Greenhills), na kasabay ng comeback concert ni Anne Curtis.

Siguro, panahon na ring ibalik ang Pinoy Playlist music festival sa BGC Arts Center, Taguig City.

Sa totoo lang, may ilang mga kilala nating local performers na rumaratsada na ring mag-show sa ibang bansa.

Bukod sa Iconic America nina Sharon at Regine na magsisimula na sa July 9 hanggang sa 24, umiikot na rin sa California, USA sina Imelda Papin, Eva Eugenio, at Pilita Coralles.

Kahit ang komedyanteng si Atak Arana ay nabanggit sa aming may nakatakda na rin siyang shows sa Singapore at sa Amerika.

Siguro, galingan ng agent at manager ni Richard kasama ang iba pa niyang OPM Hitmen na sina Chard Borja, Rannie Raymundo, at Renz Verano sa paghahanap ng gigs at producer para magkaroon din sila ng shows dito sa atin pati sa ibang bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Richard Reynoso: “Mabuti pa ang mga ‘foreign acts’, kaliwa’t kanan ang pagtatanghal dito sa atin at sa mga naglalakihang venues pa. Samantalang ang karamihan sa ating mga kababayan, swerte nang makahanap ng ’gig’ para may maipakain sa kanilang pamilya…”
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results