Nikki Co, game sa butt exposure at frontal nudity kapag pinayagan ng Sparkle

by PEP Troika
Jun 16, 2022
nikki co
Nikki Co on his idols in showbiz: "Gusto ko po yung tumatagal. Partly po, siyempre yung mga leading man natin, gusto nating masundan. Si Kuya Dong [Dingdong Dantes], kasi ang tagal na po niya sa showbiz. Plus gusto ko rin po kasing maging character actor. So, siguro si Sir Mon Confiado saka si John Arcilla."
PHOTO/S: Jerry Olea / @nikkico_ on Instagram

JERRY OLEA

Takaw-pansin ang recent photos ni Nikki Co sa Instagram kung saan topless siya. Nakakauhaw!

“Para may pasabog sa birthday,” sambit ng Kapuso actor nang makatsikahan ko noong Hunyo 14, 2022, Martes, sa SuperSam restaurant, Sct. Tobias St., Quezon City.

Noong Hunyo 1 ang ika-26 kaarawan ni Nikki.

Read: What stardom means to Sparkle artist Nikki Co

Pinaghandaan niya ang pagpapa-sexy sa photo shoot.

“Hindi na tayo bumabata kaya kailangan, laging healthy. Gusto ko rin pong magkaroon ng endorsement showing skin,” napangiting sambit ni Nikki.

“Two to three times a week po kung mag-workout ako sa gym. Sa food, dahil mabilis po akong pumayat, talagang lamon. Saka whey protein po ang iniinom ko.”

Kabilang si Nikki sa GMA Sparkle, kaya may limitasyon ang pagpapa-sexy ng kanilang artists.

“Gusto yata nila ng certain image na ipakita ng Kapuso actors. Dahil po dun, kaya nali-limit,” saad ni Nikko.

Maraming nagagandahan sa puwet ni Nikki. Asset niya iyon! Payag na ba siya sa butt exposure sa movie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natawa ang chinitong aktor, “Talaga ba? Ha! Ha! Ha! Ha! Kaya ko naman yun! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Ready rin si Nikki na sumabak sa intimate scenes sa pelikula. E, ang frontal nudity, kakayanin na rin ba niya?

“Depende po sa story, kung importante po yun. Saka magtatanong pa rin po ako sa management,” pagngiti muli ni Nikko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natuwa si Nikki sa mga feedback sa pagganap niya bilang Jameson Chan sa Kapuso primetime series na Mano Po Legacy: The Family Fortune.

“Masarap po sa puso, kasi na-appreciate po nila yung pinaghirapan ko saka nakita ko pong nag-improve ang craft ko!” bulalas ni Nikki.

“Sa lahat po ng nagawa kong projects, sa Mano Po ako mas nakilala. Sa pagiging kontrabida.”

Marami nang pinaghuhugutan ng emosyon si Nikko, yung mga makikirot na karanasan sa buhay.

“Oo naman po. Kasi, sa family po… hindi naman din po perfect yung family namin,” pagbuntong-hininga ni Nikki.

“Kasi, yung dad ko…. Wala siya sa family namin ngayon. So, isa na yun, may father issues.

“Tapos, hindi rin po kami mayaman. So, marami po kaming pinagdadaanan financially. Saka yung mga heartbreaks natin.”

Matagal nang walang communication si Nikki sa kanyang dad. May message ba siya sa kanyang ama kaugnay sa pagdiriwang ng Father’s Day sa Hunyo 19, Linggo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ipagdarasal na lang natin na OK siya,” malumanay na tugon ni Nikki.

GORGY RULA

Okay lang kay Nikki Co magpakita ng skin, at proud naman siya sa kanyang katawan.

Kung okay lang daw sa Sparkle GMA Artist Center, at kung swak sa role at maganda ang script, papayag siya sa eksenang butt exposure o kahit frontal nudity.

“Okay naman po sa akin, if pasok naman po sa kuwento at saka talaga sa eksena, importante, why not? Okay lang po.

“Kung makakatulong po sa career. Pero kung makakasira lang, hindi ko po gagawin.

“Saka kung ano ang payagan sa akin ng Sparkle, kasi meron po silang image para sa akin,” pahayag ni Nikki.

Pinaghirapan naman ni Nikki ang ganda ng katawan. At kahit si Manay Lolit Solis ay bilib sa kanya, dahil hindi raw showbiz kung sumagot at ramdam mong totoo siya sa mga sinasabi niya.

Nagustuhan daw ni Manay Lolit ang attitude ng Kapuso hunk. Kaya sana raw ay mabigyan ito ng magandang break ng GMA 7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Tatlong local actors ang gusto ni Nikki na sundan ang mga yapak.

Aniya, “Gusto ko po yung tumatagal. Partly po, siyempre yung mga leading man natin, gusto nating masundan.

“Si Kuya Dong [Dingdong Dantes], kasi ang tagal na po niya sa showbiz. Plus gusto ko rin po kasing maging character actor.

“So, siguro si Sir Mon Confiado saka si John Arcilla. Mga ganun pong roles. Kasi, gusto ko po yung mga challenging saka kakaibang role.”

Good luck, Nikki!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nikki Co on his idols in showbiz: "Gusto ko po yung tumatagal. Partly po, siyempre yung mga leading man natin, gusto nating masundan. Si Kuya Dong [Dingdong Dantes], kasi ang tagal na po niya sa showbiz. Plus gusto ko rin po kasing maging character actor. So, siguro si Sir Mon Confiado saka si John Arcilla."
PHOTO/S: Jerry Olea / @nikkico_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results