Paolo Contis, dismayado sa pagkalat ng balita tungkol sa nilutong caldereta ni Yen Santos para sa kanya

by PEP Troika
Jun 17, 2022
paolo contis yen santos
Hindi nagustuhan ni Paolo Contis na lumabas sa publiko na pinadalhan siya ng caldereta ng nali-link sa kanyang si Yen Santos, dahilan upang maging tampulan muli sila ng pamba-bash. Himutok ng Kapuso actor, “Bakit hindi nila problemahin ang pagtaas ng gas at mga bilihin? Huwag kami.”
PHOTO/S: @paolo_contis on Instagram

GORGY RULA

Halatang galit si Paolo Contis nang nakausap ng PEP Troika sa telepono nung Huwebes, June 16, 2022.

Alam niyang tungkol sa caldereta ni Yen Santos ang itatanong ko.

Read: Paolo Contis, Yen Santos exchange sweet banter after she cooked kaldereta for him

Nagulat siya sa dami ng pumik-ap sa post niyang yun sa Facebook. Naka-private daw kasi ang kanyang FB account at iilan lamang ang friends niya, na maaring isa sa mga ito ang naglabas sa naturang post.

Ramdam kong nagpipigil lang si Paolo sa gusto niyang sabihin. Pero dismayado siya sa kung sino man sa FB friend niya ang naglabas nito para lang magka-scoop.

“Masyado nang pakikialam sa buhay ng may buhay,” himutok ng Kapuso actor.

Ang punto ni Paolo, nagmagandang-loob lang nga si Yen na padalhan siya ng caldereta kung anu-ano pa ang sinasabi ng ilang bashers.

“Bakit hindi nila problemahin ang pagtaas ng gas at mga bilihin? Huwag kami,” himutok ni Paolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag niya, “Bash sila nang bash, busog naman ako!”

Kinulit ko na lang si Paolo kung puwede ba kaming makatikim ng caldereta ni Yen. Masarap daw kasng magluto ang aktres, kaya napapadami siya ng kanin kapag luto ni Yen ang ulam niya.

Sinundan ko siya ng tanong kung nailuto na ba ang request niyang adobo. Wala pa raw.

Abangan na lang natin kung ipu-post niya ito at kung sino na namang Marites na FB friend niyang magkalat nito.

Ayaw na sana ni Paolo na pag-usapan pa kung ano ang ulam niya. Natuwa siyang ibahagi kung ano ang susunod niyang gagawin.

Naaaliw siya sa regular taping nila sa Bubble Gang dahil mas nagustuhan ng mga manonood ang na-reformat na gag show.

Nasa All-Out Sundays din siya, at hopefully raw ay matuloy na ang pelikulang pagsasamahan nila ni Joross Gamboa. Magaling daw na aktor si Joross at natsa-challenge siyang makasama ito sa isang project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Sobrang nilu-look forward ng talent kong si Joross Gamboa na makasama si Paolo Contis sa isang project.

Kaya in between taping ng Flower Of Evil, My Papa Pi, at Hoyyyy Love You, talagang ipina-clear ni Joross ang sked niya para ma-accommodate ang shooting ng pelikula nila na kukunan sa probinsiya.

I am sure nakakaaliw ito.

At tama ka, Tito Gorgy, OK sina Paolo at Joross mapadrama man o camedy kaya alam nating maganda ang kalalabasan nito.

Wait na lang tayo, look test na nila bukas!!!

JERRY OLEA

Ako rin, hopia at asado na matikman ang caldereta ni Yen. Nakaka-Tom Jones!

Pansin ko lang, pumapayat at gumaganda lalo si Yen sa Facebook posts niya recently.

Hmmn, may pinaghahandaan kaya siyang event o project? Abangan!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi nagustuhan ni Paolo Contis na lumabas sa publiko na pinadalhan siya ng caldereta ng nali-link sa kanyang si Yen Santos, dahilan upang maging tampulan muli sila ng pamba-bash. Himutok ng Kapuso actor, “Bakit hindi nila problemahin ang pagtaas ng gas at mga bilihin? Huwag kami.”
PHOTO/S: @paolo_contis on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results