Watch Now

Neophyte politician, ipinaglaban sa pamilya ang relasyon sa sexy actress

by PEP Troika
Jun 17, 2022
pep blind item couple
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Isa sa most eligible bachelors ng bansa ang neophyte politician na mula sa isang kilalang angkan.

Sa vlog ng isang young actress ay ipinagmalaki niyang close friends sila ng neophyte politician. Ewan kung may mahiwagang pahiwatig ang young actress, pero malamang na hanggang friend zone lang siya rito.

Girlfriend na kasi ng neophyte politician ang mahusay at mabait na sexy actress, na may talent din sa pag-awit.

Noong panahon ng kampanya ay nakasuporta ang sexy actress sa neophyte politician, pero hindi siya epal. OK lang kay sexy actress na hindi hayagan ang kanilang pagmamahalan.

Nagsasakripisyo ang sexy actress, dahil ipinaglaban siya ng neophyte politician. Marami kasi sa kampo ng neophyte politician na tutol sa kanilang pag-iibigan.

Panahon ang makapagsasabi kung saan hahantong ang kanilang relasyon. Kung sadyang ukol, bubukol talaga. Kung iginuhit ng tadhana, sinuman ay walang magagawa.

GORGY RULA

Kinumpirma ng kampo ni sexy actress na sila na ng neophyte politician.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na sila nagbigay ng detalye, dahil mas gusto nilang tahimik lang ang kanilang relasyon, at hindi ito ipinangalandakan ni sexy actress kaya wala itong post sa Instagram na kasama ang boyfriend.

Sexy actress nga siya, pero disente ang babaeng ito, talented, at may pinag-aralan. Sabi ng kampo ni sexy actress, matagal-tagal na rin ang kanilang relasyon.

NOEL FERRER

Water will always find its level.

Wala pa man sa poder si neophyte politician, marami nang naa-attract sa kanya, ano pa kaya kung nasa power na siya at ang pamilya niya?
Talagang gumaguwapo at tumataas ang tingin sa kanya.

Sana lang, magtagal ang mga relasyon niya.

[ArticleReco:{"articles":["166381","166352","166376","166370"], "widget":"Hot Stories"}]

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results