Watch Now

Peyri Teyl ni Direk Joel Lamangan maisasakatuparan na!

by PEP Troika
Jun 19, 2022
Joel Lamangan director of Peyri Teyl
Ang pangatlo sa tatlong istorya na naisip ni Direk Joel Lamangan ngayong pandemic ay isasapelikula na rin. Pinamgatan itong Peyri Teyl.
PHOTO/S: PR

JERRY OLEA

Inspired ang multi-awarded director na si Joel Lamangan sa shooting ng unang pelikula niya para sa AQ Prime Stream, ang Peyri Teyl.

Pinaghalong Cinderella, Blusang Itim (1986) at Hiram Na Mukha (1992) ang premise ng fantasy comedy na ito na sinulat ni Eric Ramos.

Pumirma na sina Direk Joel, Eric, at mga artista ng kontrata sa opisina ng AQ Prime Stream nitong Sabado, Hunyo 18, 2022. Mag-uumpisa ang shooting nila sa Miyerkules, Hunyo 22, sa Apalit, Pampanga.

Sa istorya, ang bading na si Dencio (Edgar Allan Guzman) ay nagiging magandang dalaga na si Denise (Yana Fuentes) sa tulong ng kanyang fairy godmother (Ate Gay).

Edgar Allan Guzman

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Yana Fuentes star in Peyri Teyl

Ate Gay stars in Peyri Teyl

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaso, ang pagiging dilag ni Denise ay may oras—mula alas sais ng hapon hanggang alas dose ng hating-gabi.

Pagsapit ng midnight ay bumabalik siya sa pagiging Dencio. Dahil sa alindog ni Denise ay naharuyo sa kanya ang mga lalaki (Albie Casiño, Drei Arias, at Iñaki Torres).

Nalukring sa kaharutan ni Denise ang confidante niyang si Bruno (Lou Veloso).

Bakit kamo inspired si Direk Joel na magsyuting na ng Peyri Teyl para sa AQ Prime Stream nina Atty. Aldwin Alegre at Atty. Honey Quiño?

Aba! Ayon sa reliable source ng PEP Troika, hindi pa man nasisimulan ang shooting ng Peyri Teyl ay ikinakasa na ang next film ni Direk Joel for AQ Prime Stream na isang OFW movie, na kung hindi magkakaaberya ay magsusyuting sa South Korea.

As we write this ay labinlimang (15) bagong pelikula na ang natapos ng AQ Prime mula noong Marso.

Ang tatlong bagong gagawin ay ito ngang Peyri Teyl ni Direk Joel, ang isa pang BL movie ni Direk Neal “Buboy” Tan, at ang isa pang horror movie ni Direk Joven Tan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyanga pala, sa Hulyo 1 na mag-i-streaming sa Vivamax ang pelikulang Biyak ni Direk Joel, kung saan bida sina Angelica Cervantes, Quinn Carillo, Albie Casiño at Vance Larena.

Kabilang pa sa mga pelikulang natapos ni Direk Joel na hindi pa naipapalabas ay ang Madawag Ang Landas Patungong Pag-asa, kung saan tampok sina Rita Daniela, Albie Casiño, at Jak Roberto.

Andiyan din ang Ang Huling Baklang Birhen Sa Balat-Lupa starring Teejay Marquez, Sean de Guzman, Edgar Allan Guzman, and Lou Veloso.

Natapos din ni Direk Joel ang Fall Guy nina Sean de Guzman, Vance Larena, Marco Gomez, Cloe Baretto, Glydel Mercado, Quinn Carillo, Tina Paner, at Shamaine Buencamino.

GORGY RULA

Noong lumaganap ang pandemic, kaagad na nakaramdam na ng bagot at inip si Direk Joel Lamangan.

Sa halip na magmukmok at magpaka-depress, nag-isip siya ng mga magagandang istorya at sinulat niya ito.

Ilan sa mga naibahagi niya sa aming kuwento na gustung-gusto niyang isapelikula ay ang Silab, Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa, at itong Peyri Teyl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi tumigil si Direk Joel, may mga nakakausap siyang producer at kaagad na naisapelikula na ang dalawa.

At malapit na rin itong Peyri Teyl, kaya ratsada talaga siya!

Siya ang "pandemic director," si "Curacha," ang direktor na walang pahinga.

Hindi raw niya iniisip sa ngayon kung meron pa ba siyang project na gustung-gusto niyang gawin.

Lahat daw kasi ng pelikulang natapos niya ay gusto niya talagang gawin.

Pero nandiyan pa rin sa isip niya ang mga projects na sana makakatrabaho niya uli ang mga paborito niyang artistang sina Nora Aunor, Vilma Santos, Christopher de Leon, Dawn Zulueta, Richard Gomez, Amy Austria, Maricel Soriano, at marami pa.

Sana nga, mapanood natin ang mga susunod niyang project kasama ang ilan sa mga respetadong artistang ito.

NOEL FERRER

Ang maganda lang kay Direk Joel, hindi siya nawawalan ng materyal at nakakapag-adjust siya base sa hinihingi ng mga producer.

Balita ko ay may standard na price range o budget ang AQ Prime Stream, pero medyo na-assert daw ni Direk Joel kahit papaano ang budget na kailangan niya para sa proyekto niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa tingin ba ninyo, kakayanin ng AQ Prime ang budget sa TF ng mga nabanggit mong stars, Tito Gorgs? Malay mo naman. Sana!!! Looking forward to that talaga!!!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang pangatlo sa tatlong istorya na naisip ni Direk Joel Lamangan ngayong pandemic ay isasapelikula na rin. Pinamgatan itong Peyri Teyl.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results