Paulo Avelino at Janine Gutierrez, todo-promote ng pelikulang Ngayon Kaya

by PEP Troika
Jun 20, 2022
ngayon kaya lightyear posters
Janine Gutierrez and Paulo Avelino's movie Ngayon Kaya will finally be shown on June 22, while the animated movie Lightyear opened in North America last week.

JERRY OLEA

Wagi pa rin sa takilya ng North America nitong nakaraang weekend (Hunyo 17-19) ang Jurassic World: Dominion.

Naka-$58.7M on its second weekend sa U.S. at Canada ang ikaanim na Jurassic movie, kung nagsama-sama sina Chris Pratt, Bryce Dallas Howard, Laura Dern, Jeff Goldblum, at Sam Neill.

Samantala, $51M ang domestic gross ng bagong bukas na animated film na Lightyear, kung saan si Chris Evans ang voice actor para sa Space Ranger na si Buzz Lightyear.

buzz lightyear poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pangatlo sa takilya ng North America last weekend ang Tom Cruise film na Top Gun: Maverick, na naka-$44M pa on its fourth weekend.

At pang-apat ang Doctor Strange in the Multiverse of Madness, na naka-$4.2M sa ikapitong weekend nito.

Umaarangkada rin ang mga pelikulang ito globally.

So far, ang worldwide gross ng Doctor Strange in the Multiverse of Madness ay $942.5M na.

Ang siyam pang nasa Top 10 na pinaka-sakalam ang worldwide gross this year ay Top Gun: Maverick ($885.2M), The Batman ($770.3M), ang Chinese film na Water Gate Bridge ($626.6M), Jurassic World: Dominion ($622.2M); Uncharted ($401.5M), Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore ($401.1M), Sonic the Hedgehog 2 ($399.8M), The Bad Guys ($236.2M), at Too Cool To Kill ($217.3M).

Ang worldwide gross ng Lightyear ay $85.6M pa lang, at talaan ng worldwide grosses ay pumuwesto ito sa ikadalawampu.

Mababago pa ang mga ranking na ito, lalo pa’t inaabangan ng moviegoers ang Thor: Love and Thunder na ipapalabas sa Hulyo. Bida siyempre sa Thor: Love and Thunder si Chris Hemsworth bilang Thor, ang Avenger na dating hari ng Asgard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

thor love and thunder poster

Pinagdaraanan ni Thor ang midlife crisis sa 29th film ng Marvel Cinematic Universe (MCU). Tampok din dito sina Christian Bale bilang Gorr the God Butcher, Tessa Thompson bilang Valkyrie, Russell Crowe bilang Zeus, at Natalie Portman bilang Jane Foster/Mighty Thor.

Bahagi rin ng pelikula ang Guardians of the Galaxy — Chris Pratt bilang Peter Quill/Star-Lord, Dave Bautista bilang Drax the Destroyer, Vin Diesel bilang boses ni Groot, at Bradley Cooper bilang boses ni Rocket.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Last weekend, humigit-kumulang 240 pa ang mga sinehan ng Jurassic World: Dominion sa Pilipinas.

Umaariba pa rin sa mga sinehan ng Pilipinas ang Doctor Strange in the Multiverse of Madness na noong Mayo 4 pa nag-open, pati na siyempre ang Top Gun: Maverick.

Sa Hunyo 22, Miyerkules, ay showing na sa local cinemas ang biographical musical drama na Elvis, kung saan bida si Austin Butler bilang Elvis Presley.

elvis poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Showing din sa Wednesday sa mga sinehan ng Pilipinas ang Ngayon Kaya nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez, at ang prequel na Jujutsu Kaisen 0.

Sa Hunyo 29 naman ang showing sa Pilipinas ng Minions: The Rise of Gru.

GORGY RULA

Kaabang-abang nga itong June 22 kung saan maraming pelikulang magsu-showing sa araw na yun. Sana, bumaba na ang COVID cases kasi medyo tumataas nitong mga nagdaang araw.

Pero sana, tangkilikin naman ang pelikula nating Ngayon Kaya, ang first local film na may relatively wide release sa mga sinehan ngayong taon pagkatapos ng Metro Manila Film Festival nung 2021.

Todo ang promote ng dalawang bidang sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino, na pati sa Enchanted Kingdom nung Linggo, June 19, ay nagpa-fans day sila. Mainit ang pagtanggap sa kanila ng mga fans na sana ay ipakita nila ang suporta sa kanilang dalawa.

Pakiusap ni Paulo, “Sana, bigyan niyo ng pagkakataon ang mga local films na lumabas at mapanood natin lahat, dahil mahirap gumawa ng pelikula lalo locally.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“With all these foreign blockbusters coming in, medyo mahirap din makipag-compete ang isang local na pelikula.

“Pero kung mapagbibigyan po ito na maging simula at maging okay ang pagpapalabas nitong Ngayon Kaya sa Pilipinas, maeenganyo po nito ang iba’t ibang filmmakers and producers na gumawa muli ng pelikula at ipalabas muli sa mga sinehan.

“Sana po suportahan po pelikulang Pilipino para mas marami pa po tayong magagawa na de kalidad na pelikula para po sa inyo.”

Samantala, suportado naman sa South Korea ang action-comedy movie na The Roundup na pinagbidahan nina Don Lee ng Train to Busan at Eternals, at si Son Sukku ng sikat na series na Liberation Notes.

the roundup poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magmula nang pumutok ang pandemya, itong The Roundup ang unang South Korean movie na umabot ng 10 million moviegoers mula nang nag-showing ito nung Mayo ng taong ito.

Patuloy pa rin daw itong naghi-hit kaya ito na ang No. 1 Korean film ng taong ito.

Kaagad namang nakarating dito sa atin na idi-distribute ito ng Glimmer Inc. ni Grace Lee. Magsu-showing na rin ito sa ating mga sinehan sa June 22.

NOEL FERRER

Nakita ko noong Sabado si Janine Gutierrez, na talagang proud sa Ngayon Kaya movie nila ni Paulo Avelino na showing nga sa mga sinehan by the 22nd.

If you remember, isa ito sa official entries ng kauna-unahan sanang Summer MMFF (Abril 11-21, 2020) na hindi natuloy dahil sa COVID. Kaya sana, masuportahan ito ng mga kababayan natin.

At sa social media, nakakatuwa rin ang ipinost ni Ice Diño-Seguerra. Nakatapos din pala siya ng pelikula.

Ang sabi niya, “Hello everyone! “I want to share something special with all of you. You see, it's always been my dream to become a film director. Matagal ko nang pangarap 'to but life got in the way.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa totoo lang, akala ko hindi na magkakatotoo. But life gives us many surprises and sabi nga nila, if you manifest your aspirations and continue to work on it, it will happen.

“So here we go, I want you all to meet my new baby. Dito Ka Lang, a short documusic about my mental health journey.

“Film will be shown via Zoom on June 26, 5pm, and we will have a panel discussion right after.

“I hope you can all support my new endeavor. This is really important to me and I want to share it with all of you. Please share with your friends din…”

Ayan, marami nang puwede suportahan na mga panooring Pinoy ngayong June. Tara na!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janine Gutierrez and Paulo Avelino's movie Ngayon Kaya will finally be shown on June 22, while the animated movie Lightyear opened in North America last week.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results