Pola Mayor Ina Alegre, handog ang makulay na tulay para sa LGBTQIA

Mayor Ina, isinusulong na maging Party Capital of Oriental Mindoro ang Pola.
by PEP Troika
Jun 20, 2022
ina alegre pola bridge
Pola Mayor Ina Alegre: "Very colorful na tulay… ginawa ko yun… naging inspirasyon ko yung mga gay friends ko. Ang kulay nun sa LGBTQ…. sila yung naging reason bakit ko pinapinturahan ng iba’t ibang kulay, yung aming tulay."
PHOTO/S: Courtesy of Mayor Ina Alegre

GORGY RULA

Isa sa kinatutuwaang tanawin ngayon sa bayan ng Pola, Oriental Mindoro ay ang mahabang tulay na pininturahan, at may ilaw na iba’t ibang kulay.

Handog daw ito ng alkalde ng Pola na si Ina Alegre sa lahat na miyembro ng LGBTQIA+ ngayong Pride month.

“Very colorful na tulay… ginawa ko yun… naging inspirasyon ko yung mga gay friends ko. Ang kulay nun sa LGBTQ…. sila yung naging reason bakit ko pinapinturahan ng iba’t ibang kulay yung aming tulay.

“Isa yun sa pinu-promote ko. Pagpupugay ko sa mga LGBTQIA.

“Makikita niyo, very Instagramable ang tulay namin,” masayang kuwento sa amin ni Mayor Ina nang nakatsikahan namin sa DZRH kamakailan.

Sa darating na June 24, Biyernes, ay ipagdiriwang ng mga taga-Pola ang kanilang Sab-Uyan Festival, at inaasahan ni Mayor Ina na mai-enjoy ng mga turista ang makulay nilang tulay, pati ang kanilang beach at iba’t ibang tourist spots ng Pola.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanilang Sab-Uyan Festival, magkakaroon daw sila ng iba’t ibang activities sa dalampasigan.

“Magiging second class na ang Pola, at magiging ‘Party Capital of Oriental Mindoro.’ Kasi, napakaganda ng beachfront namin.

“Talagang matutuwa ang gustong pumunta dun, lalagyan namin ng bars sa tabing dagat. Isa yun sa… magkakaroon ng Mardi Gras,” saad ng actress-politician na nasa second term na bilang mayor ng naturang bayan.

Nung nakaraang taon ay maraming nai-shoot na pelikula sa Pola dahil balak niyang gawing "Film Capital of Oriental Mindoro" ang nasabing bayan. Naipasa na raw niya ang resolution nito.

“Kasi pinapagawa ko ng resolution na maging ‘Film Capital of Oriental Mindoro’ is Pola… on my second term, magpapagawa ulit ako ng resolution na maging ‘Party Capital of Oriental Mindoro’ is Pola,” dagdag niyang pahayag.

Proud siya sa magandang beach ng Pola, na hindi man daw kasimputi ng buhangin ng Boracay, napakapino raw nito at safe maligo roon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ang aming sand sa Pola, very fine. Sobrang pinung-pino na mas maganda pa sa buhangin sa Boracay. Wala kang maaapakan na bato, lahat yun mapinong buhangin. Iba ang sand namin, wala kang maaapakan na bato-bato.

“Saka very friendly siya sa mga bata, dahil malayo na ang mararating mo, hanggang beywang pa rin ang tubig. Very safe siya.

"Yun ang kakaiba sa Pola, na wala sa ibang bayan.

“Hindi kantilado ang dagat namin. Parang may sukat siya. Kakaiba ang black sand, parang may crystal siya na parang kumikintab-kintab,” pagmamalaki ni Mayor Ina sa mga magagandang tanawin ng Pola, Oriental Mindoro.

NOEL FERRER

Ano ang kantilado? Para ba iyang film career ni Mayor Ina na may pakintab-kintab pero natigil muna?

Buti na lang, nagpo-produce na siya ng content/pelikula ngayon. O tuluy-tuloy na ba siya sa serbisyo publiko, at tigil-showbiz muna kaya support na lang siya sa showbiz happenings?

Miss Produ na muna siya habang pinu-promote ang turismo sa lugar niya!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy sana niyang itaguyod ang bandera ng mga artista sa larangan ng pulitika at serbisyo publiko, na laging kinukwestyon sa panahon ngayon.

Ang lagi kong sagot diyan, your best weapon is always a good work!

JERRY OLEA

Inaasam nating makarating sa Pola, kung saan syinuting ni Direk Brillante Mendoza ang mga pelikula niyang Sisid, Palitan, at Bahay na Pula.

Taga-Pola rin ang kaibigan nating si Ejay Falcon, ang incoming vice governor ng Oriental Mindoro.

Mabituin ang pagdiriwang ng Pola sa kanilang Sab-Uyan Festival mula pa noong Hunyo 16, Huwebes, kung saan panauhin sina Aubrey Miles at Jay Manalo sa Gandang Ina event.

Nakisaya sina Jojo Abellana at Marissa Sanchez sa Bb. Ikatlong Lahi 2022 noong Hunyo 17, Biyernes.

Panauhin si Daiana Menezes sa Barangay Night sa Hunyo 22, Miyerkules.

Tampok sa SK Night sa Hunyo 23, Huwebes sina Ynez Veneracion, Cesar Montano, at ang bandang Jeremiah.

pola town firsta

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pola Mayor Ina Alegre: "Very colorful na tulay… ginawa ko yun… naging inspirasyon ko yung mga gay friends ko. Ang kulay nun sa LGBTQ…. sila yung naging reason bakit ko pinapinturahan ng iba’t ibang kulay, yung aming tulay."
PHOTO/S: Courtesy of Mayor Ina Alegre
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results