Sid Lucero, tatlong beses nagpasilip ng frontal nudity sa Virgin Forest

by PEP Troika
Jun 23, 2022
Sid Lucero, Virgin Forest
Cast ng Virgin Forest (main photo from left to right): Rob Guinto, Angeli Khang, Sid Lucero, Kat Dovey and Micaella Raz. Sabi ni Sid tungkol sa kanyang frontal nudity, "I wanted to be as natural as possible lang talaga, as in you know... It’s actually a normal thing, come on, guys!"
PHOTO/S: Jerry Olea / Virgin Forest

JERRY OLEA

Not once, not twice, but three times nag-cameo ang private part ni Sid Lucero sa pelikulang Virgin Forest.

Walang proteksyon? Hindi siya nag-request ng plaster? "No. Wala," pag-amin ni Sid sa open forum matapos ang screening ng pelikula nitong Hunyo 22, 2022, Miyerkules ng gabi sa isang sinehan sa Quezon City.

Napangiting pagpapatuloy ni Sid, "Actually, gusto ko sana, prosthetic. Kaso, hindi naman siya impressive.

"So… that’s all me. Ha! Ha! Ha! Ha! No, I don’t… I didn’t really mind. Yeah, I just took it off, yeah. It’s a Brillante film."

Ang tinutukoy ni Sid na Brillante ay si Brillante Mendoza na direktor ng pelikula.

Patuloy ni Sid: "And I mean, what would you do if you saw waterfalls in the middle of a forest that you’re not supposed to be there?

"Definitely I’d do the same thing he did. I don’t know kung ganun kalapit ako kay Vince [Rillon].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Feeling ko, lalayo ako. Dun lang ako sa malalim. Di ko siya i-invite. Dito ako, malalim. Dito ka! Ha! Ha! Ha! Ha!"

Hindi ba masyadong matapang ang eksena?

"No, I really didn’t mind it! I really don’t mind," pagdidiin ng premyadong aktor.

"Plus, I’ve worked with other people before and they confirmed that even sa love scenes, if people have plaster kasi, there’s a bulge.

"And depending on the position, either the girl can feel that bulge, or let’s say if I’m under, I feel her.

"So, I’d rather just like… let it… go some other places… outside of just there.

"Yeah, tapos for the scenes naman where I just took off my clothes… I don’t like the idea of having to hide it. It feels, like, unnatural.

"In fact when I didn’t turn to the camera dun sa waterfalls, feeling ko, parang, 'Pffft, he’s just hiding it.' Parang ganun, e, yung dating sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para kay Sid ay walang malisya ang ginawang frontal nudity.

Paliwanag niya: "I wanted to be as natural as possible lang talaga, as in you know. I mean, I think, it’s about time na, e. And Vivamax being an online thing is a good avenue for us to actually start opening ourselves up to the sexuality of things.

"It’s actually a normal thing, come on, guys! Ang dami-dami natin sa Pilipinas!

"Fourteen-year old mothers, is censorship working?! Excuse me! Di ba?! So, tama na iyan! "Let’s just make a film and then capture life as it is! Di ba?

"What’d you gonna do? Baby gets birthed and blurs pototoy, why? Di ba? It doesn’t make sense.

"Nothing’s changed. The only thing that changed is size and hair.

"But, like, I mentioned a while ago, when all of us were all naked in the waterfall, we just felt like kids again.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I didn’t even feel like I had a penis. It didn’t feel like it, yeah."

Ang Virgin Forest ay idinirek ni Brillante Mendoza. Maliban kina Sid at Vince, nasa cast nito sina Angeli Khang, Rob Guinto, Alma Moreno, Alan Paule, Jao Mapa, at Julio Diaz.

Kasali rin dito sina Kat Dovey, Markki Stroem, Ivan Padilla, Greg Hawkins, Micaella Raz, Erlinda Villalobos, Chad Solano, Belle the Burmese python, at Zoe the reticulated python.

Streaming ang Virgin Forest umpisa Hunyo 24, Biyernes sa Vivamax.

READ: Dennis Padilla laments not getting Father’s Day greeting from children Julia, Claudia, Leon

NOEL FERRER:

Merong remake or reimagined version ng Scorpio Nights (1985) ni Peque Gallaga by Law Fajardo. Mapapatanong ka kung ito bang Virgin Forest ay bagong version din ng Virgin Forest (1985) ni Peque Gallaga.

"Ako yung art director ng original Virgin Forest ni Peque Gallaga kaya ibang-iba ito," sabi ni Direk Brillante.

Ang setting ng original na Virgin Forest ay noong 1990s during the First Philippine Republic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa istorya, tinutugis si Emilio Aguinaldo ng mga sundalong Macabebe. Symbolical ang love triangle ng dalagang taga-nayon na si Chayong (Sarsi Emmanuelle), ilustradong si Alfonsito (Miguel Rodriguez),at binatang Pinoy na si Alipio (Abel Jurado).

Itong bagong Virgin Forest ay tungkol sa illegal logging at mga prosti na akyat-bundok.

Photographer si Francis (Sid Lucero) na naatasan ng mayor (Julio Diaz) na litratuhan ang malaking bulaklak ng Rafflesia sa kabundukan. Nagsilbing guide ni Francis si Roger (Vince Rillon).

GORGY RULA:

Ibinase ni Direk Brillante ang bagong Virgin Forest sa tunay na kuwento na inilahad ng isang photojournalist na nasaksihan ang illegal logging, prostitution, at iba pang kabuktutan ng gobyerno.

Pero nakita kung gaano kahirap ang ginawa roon ng mga artista. Hindi lang ang paghuhubad nila, kundi ang paglalakad ng nakapaa sa gubat, ang pag-akyat sa bundok, pati ang mga eksena nila kasama napakalaking ahas.

Siyempre, mas pag-uusapan ang mapangahas na eksena ni Sid kasama ang anim na diwata (Aica Veloso, Aivy Rodriguez, Allison Smith, Joan Gallesa, Steph Deñoso, at Jessa Mae Conson) na nagpiyesta sa kanyang katawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakikita namang nahirapan sila sa eksenang iyun, at hindi na nila concern kung ma-expose ang kabuuan nila o hindi, kundi magawa nila nang tama ang eksena sa napakahirap na lugar at sitwasyon.

"That was difficult!" bulalas ni Sid. "I think after a certain number of girls in a group, if it outnumbers the guy, they just become infinitely more powerful and they just eat you up, and they just... Oh my gosh! Really… Honestly, it was not easy. Sobrang hirap!

"It was painful. The audio was hard kasi may waterfalls, tapos binibigyan kami ng directions pero hindi namin marinig. Si Aivy, pag magkamali siya, hulog! Patay! Hindi naman puwede.

"And then under the water, three of us are balancing on one rock. Isa sa paa ko, and then ang paa ng susunod, tapos paa nung isa. Nagka-cramps yata ako, e.

"It’s not easy. But, if you’re gonna think about putting myself in the situation like that, actually I think it’s not hard as you would imagine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Because these are my friends and I care about, their feelings and I care about their limitations, and I care about how they see themselves in the industry as actors. So, automatic that is removed.

"It’s easy around to fantasize about it. But the truth is, when all of you are wearing nothing, there is nothing to hide," dagdag niyang pahayag.

Pero sa totoo lang, nabitin pa sa Direk Brillante sa mga hubaran na mapapanood sa naturang pelikula.

Paliwanag ni Direk Brillant: "Kasi siyempre, may limitations tayo. But if I had my way talaga, siguro I will show more nudity. Parang kulang pa yung nudity. May pinuprotektahan kasi, e.

"Merong kailangang huwag mong ipakita, huwag gawin. Kasi, iyun talaga yung intent, e. Parang you can see flesh, you can see women…alam mo yun.

"Siguro, yung scene ni Rob, kung siguro, kung hindi ko kailangang intindihin yung limitations, mas malala yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kalkalin pa natin si Direk Brillante, at baka marami pa siyang mga eksenang itinapon na puwede niyang ilagay sa kanyang director’s cut.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cast ng Virgin Forest (main photo from left to right): Rob Guinto, Angeli Khang, Sid Lucero, Kat Dovey and Micaella Raz. Sabi ni Sid tungkol sa kanyang frontal nudity, "I wanted to be as natural as possible lang talaga, as in you know... It’s actually a normal thing, come on, guys!"
PHOTO/S: Jerry Olea / Virgin Forest
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results