Olive May, sinuportahan ba ng Calista sa pagsabak niya sa pag-arte?

by PEP Troika
A day ago
Olive May of Calista joins GTV's Tols
Olive May (left) on fellow members of P-pop group Calista (right): "Ang mga co-members ko, very supportive sila. Kahit hindi training time, nandun sila para i-explain sa akin kung ano ang nangyayari para makahabol ako."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA:

Isa sa ipapakilala sa bagong sitcom ng GTV na Tols ay ang member ng P-Pop group na Calista na si Olive May.

READ: Is GMA-7 sitcom Tols the millennial version of Palibhasa Lalake?

READ: Pinoy P-pop group Calista, na-feature sa popular South Korean sites

Mapapanood na ito sa Sabado, June 25, 2022, sa ganap na 7:05 p.m. Pagbibidahan ito nina Kelvin Miranda, Shaun Salvador, at Abdul Raman. Kasama rin sina Rufa Mae Quinto at Betong Sumaya.

Sa mediacon ng sitcom ay sinamahan pa si Olive ng kasamahan niya sa Calista na sina Dain, Laiza, Elle, Anne, at Denise.

Thankful si Olive sa suporta ng mga kagrupo niya, na kahit nakaka-absent siya sa mga training nila, tinutulungan siyang maka-catch up.

"Ang mga co-members ko, very supportive sila. Kahit hindi training time, nandun sila para i-explain sa akin kung ano ang nangyayari para makahabol ako," pahayag ni Olive.

Nagkasama sila uli nung nakaraang Martes, June 21, 2022, sa contract-signing nila sa Kumu na ginanap sa OddSpace Studio sa Makati.

Continue reading below ↓

Isa ang Calista sa P-Pop group na magpi-perform sa social media platform na ito. Kasama ang grupong KAIA, G22, Dione, Vxon, Press Hit Play, at 1st.One.

Magiging virtual home ng Calista itong Kumu at nakapagsimula na raw silang makipag-interact doon sa fans nila sa kanilang Kumustahan. Kaya lalo raw silang naging close sa kanilang mga fans.

"Pagdating sa fans, we don’t treat them as fans lang, parang friends na rin, family,” pahayag ni Olive.

Sabi naman ni Anne, "Ang mga A-listas, very respectful naman sila sa amin, e. Okay po ang relationship namin. Grabe po yung suporta nila, parang family talaga. Hindi sila nago-over… hindi sila nakikialam.”

Kaya abangan daw sila sa Kumu dahil lalo pa raw nilang makaka-bonding ang kanilang mga fans.

"More content, and more interaction pa po sa mga fans. May mga games, and they will get to know us more," sabi naman ni Dain.

JERRY OLEA:

Continue reading below ↓

Vroom! Vroom! Nag-perform ang Calista sa grand launch ng AQ Prime Stream noong Hunyo 4 sa Conrad Hotel, Pasay City.

Sosy, huh?! Remember, ang grand launch noon ng grupo ay sa Novotel Hotel, Cubao, Quezon City. At ang first major concert nilang Vaxx to Normal ay sa Araneta Coliseum!

At any rate, ang kaibahan ng Calista sa ibang P-Pop groups, nandiyan pa rin ang pagka-Pinay nila kahit impluwensya sila ng K-Pop groups.

They see to it na may pagka-ethnic ang iba nilang costume.

"Yung culture nga po natin. Yung costume nga po namin na ethnic po. Talent and creativity din po kasi, kakaiba talaga ang mga Pilipino," hirit ni Olive.

Abangan daw ang susunod nilang single na ibang-iba sa first single nilang Race Car.

NOEL FERRER:

What’s with Calista? Bakit paborito sila ng ibang kaibigan nating press?

To see is to believe!!!

Sana, talent and goodwill ang mag-carry through sa kanila!

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Olive May (left) on fellow members of P-pop group Calista (right): "Ang mga co-members ko, very supportive sila. Kahit hindi training time, nandun sila para i-explain sa akin kung ano ang nangyayari para makahabol ako."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results