Watch Now

Mister International Philippines 2022 candidate Andre Cue, ayaw pagboksingin ng mga magulang

by PEP Troika
Jun 24, 2022
andre cue mister international philippines 2022
Mister International Philippines 2022 candidate and aspiring actor Andre Cue on possible roles he wants to portray in movies: “Gusto ko sana na role, yung inspiring. Yung maka-change ng life ng viewers. Gusto ko rin kasi ng movies na ganyan, e, yung inspiring movies.”
PHOTO/S: Mister International Philippines 2022 Facebook

GORGY RULA

Napiling #PressFavorite ang 19-year-old athlete na si Andre Cue ng Cagayan de Oro sa press presentation ng inaugural Mister International Philippines 2022.

Gaganapin ang grand finals ng timpalak sa grand ballroom ng Okada Manila sa June 27, kung saan 33 ang official candidates.

Halatang mahiyain pa si Andre kaya tipid na tipid ang sagot nang nakatsikahan namin sa Club Filipino nung Martes, June 21, kasama ang iba pang talents ng Creative Talent Management ni Bb. Therese Ramos.

Gusto ni Andre na mag-artista, at okay raw siyang magpa-sexy pero may limitations daw muna.

Walang halong showbiz ang sagot niya sa tanong ng PEP Troika kung okay ba sa kanya ang BL projects at may ipapagawa sa kanyang medyo daring na eksena.

“Ayoko. Hindi ko siya gusto. Pero pag meron, okay lang din,” medyo natataranta niyang sagot sa amin.

Ang gusto raw niya kasi sanang gawin, yung mga inspiring na material na may matututunan ang mga manonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Gusto ko sana na role, yung inspiring. Yung maka-change ng life ng viewers. Gusto ko rin kasi ng movies na ganyan, e, yung inspiring movies,” dagdag niyang pahayag.

Boxing ang sports ni Andre at gusto rin daw sana niyang lumaban sa ring, pero ayaw ng kanyang mga magulang.

Naririnig ko ang voiceover ng mommy niya na ayaw raw nilang ipabugbog ang magandang mukha ng kanilang anak. Pero gusto pa ring subukan ni Andre ang lumaban, kahit sa isang exhibition match para ma-experience niya ang totoong boxing.

“Before, ipinaglaban ko talaga yung boxing. Yun kasi ang passion ko. Parang yun ang happiness ko. That’s what I love.

“Pero nandito na ako, umiba na. Pero soon, gusto ko mga exhibition lang siguro. I’m passionate about my advocacy, which is good health and well-being through sports.

“Gusto ko ring mag-inspire other people through boxing because I know how it changed my life for the better,” saad ni Andre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mananalo sa Mister International Philippines 2022 ay lalaban sa Mister International 2022 na gaganapin dito sa Pilipinas.

May isa pang title silang pinaglalabanan, ang Mister Global na gaganapin naman sa Thailand.

JERRY OLEA

More and more ang mga panlalaking timpalak, — sa hotel man, mall, gay bar o kalye sa barangay.

Ang kinatawan ng India na si Aditya Khurana ang nagwagi sa 4th Man of the World noong Hunyo 18 sa Baguio Convention Center ng Baguio City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Takaw-pansin din sa Mister International Philippines 2022 si Michael Ver Comaling na mula sa PBB Kumunity Season 10. Tinagurian si Michael Ver bilang "Mr. Pentastic ng Leyte."

Namataan natin si Michael Ver sa grand launch ng AQ Prime Stream kamakailan sa Conrad Hotel, kaya pakiwari natin ay may project ito roon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang coronation night naman ng Man of the Philippines 2022 ay nakatakda sa Hunyo 26 sa KCC Convention Center sa General Santos City.

Kabilang sa 24 candidates ng timpalak ang baguhang aktor na si Juan Calma, na nag-frontal sa forthcoming films na Ang Bangkay at La Traidora.

juan calma

Juan Calma

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mga bida ng BL movie na sina Drei Arias at Conan King ay winners ng Mr. Intercontinental Philippines 2019 na nag-finals sa Dagupan City.

Pareho silang nag-frontal sa erotic BL movie na Bingwit, na mag-i-streaming sa Director’s Cut By AQ. May follow-up projects na sila.

Kasama si Conan sa Scorpio Nights 3 ng Vivamax, samantalang ang dalawa pang AQ projects ni Drei ay Baka Sakali at Peyri Teyl.

conan king drei arias

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Conan King & Drei Arias

Na-discontinue na ang Ginoong Filipinas pageant founded by Dr. Lito de la Merced. Mula nang mag-umpisa ang Ginoo noong 1990 ay marami sa mga kandidato rito ang nag-artista.

Kabilang diyan ang multi-awarded na si Allen Dizon, at ang Seiko studs na sina Leonardo Litton, Franco Zobel, at Fernando Montenegro.

Kuwento ni Dok Lito, “Galing din sa G. Filipinas sina Gandong Cervantes, Luis Cortez, at Danny Ramos na lumabas sa Sibak: Midnight Dancers [1994[. Si Martin Gonzalo na nag-frontal sa Live Show [2000].

“Si Ken Escudero na inilunsad sa Sikil (2008). Sina Harold Pineda at Blue Bugayong. Ang magkapatid na Ryan Dungo at Randolf Dungo aka Ran Domingo. Sina Dexter Castro at Victor Vargas.

“Ang print, ramp and commercial model na si Kirst Viray na kasama sa Sparkle GMA Artist Center. Ang 2005 JCC Calendar Model na si Arjay John Mones na lumabas sa Daisy Siete, at marami pang iba!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Ano ang saysay ng pagkakaroon ng Mister International Philippines at iba pang male pageants sa panahong ito?

Sana, mahanap natin ang sagot sa mga concerns natin bilang magkakababayan dito! Sana, maaliw rin tayo at ma-inspire sa pagdaraos ng timpalak na ito.

Good luck!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mister International Philippines 2022 candidate and aspiring actor Andre Cue on possible roles he wants to portray in movies: “Gusto ko sana na role, yung inspiring. Yung maka-change ng life ng viewers. Gusto ko rin kasi ng movies na ganyan, e, yung inspiring movies.”
PHOTO/S: Mister International Philippines 2022 Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results