Rita Daniela, may "life-changing revelation" sa All-Out Sundays

by PEP Troika
Jun 25, 2022
rita daniela revelation
Bukas, June 26, ay nakatakdang ianunsiyo ng singer-actress na si Rita Daniela sa All-Out Sundays ang isang "life-changing" revelation tungkol sa kanyang buhay.
PHOTO/S: @missritadaniela on Instagram

GORGY RULA

Isa sa pina-plug na dapat abangan sa All-Out Sundays sa Linggo, June 26, 2022, ay ang "all-out life-changing reveal" ni Rita Daniela.

Abangan daw ito sa segment na "Queendom" kasama sina Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, Jessica Villarubin, Marianne Osabel, Hannah Precillas, Thea Astley, at Jennie Gabriel.

Itong "life-changing" revelation kaya ang pinag-uusapan nung nakaraang linggo na isang singer-actress na nagdadalantao?

Read: Singer-actress, buntis sa baby nila ng kanyang non-showbiz boyfriend?

Wala pa kaming nakukuhang sagot mula sa kampo ni Rita nang tinanong namin tungkol sa kanyang kalagayan. Sinasabi lang ng iba na sakaling totoo man, alam nilang hindi ito itatago ni Rita.

Kaya maaaring ito na nga ang aabangan natin bukas.

Curious kami kung ipakikilala rin ba niya ang naririnig naming non-showbiz longtime boyfriend niya. Pero ayon sa ilang napagtanungan namin, baka hindi raw.

Live ang AOS bukas, at nandun din ang dating ka-love team ni Rita na si Ken Chan na maghu-host ng segment nilang "Sing-Kilig" kasama si Barbie Forteza.

Continue reading below ↓

Si Sanya Lopez ang kanilang ‘kilig-babe’ sa segment na ito.

JERRY OLEA

Sa pralala ng GMA-7 para sa fifth season ng The Clash, inihayag na magbabalik sina Lani Misalucha, Christian Bautista at Ai-Ai de las Alas bilang The Clash Panel, at sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz bilang Clash Masters.

Hindi binanggit kung kasali pa rin sa paligsahan sina Ken Chan at Rita Daniela.

Read: GMA-7 to launch The Clash season 5 and newly acquired talent show

Special guest si Rita sa concert ni Marco Sison noong Hunyo 11 sa Teatrino, Greenhills, San Juan City. Mukhang buntis si Rita sa nasabing palabas.

Mid-20s na si Rita, at sa pagkakaalam natin ay matagal-tagal na silang nagsasama ng kanyang non-showbiz boyfriend. Pakiwari ko’y hindi makakasira kay Rita ang pagiging ina.

Sakaling preggy nga si Rita at aaminin niya ito bukas sa All-Out Sundays, congrats!

At any rate, dagdag ang mga bagong pasabog at ilang best-of-the-best performances mula sa Kapamilya stars bukas, Hunyo 26, Linggo, sa ASAP Natin 'To.

Continue reading below ↓

May bagong back-to-back biritan sina Vina Morales at Regine Velasquez kasama si Kyla at ang bandang Six Part Invention.

Balikan ang pop group hits kantahan at sayawan nina Darren, Andrea Brillantes, Francine Diaz, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Karina Bautista, Krystal Brimner, Jeremy G, Nyoy Volante, Elha Nympha, Yeng Constantino, at ALAMAT.

Makihataw muli sa Rolling Stones sayawan nina Belle Mariano, Kyle Echarri, AC Bonifacio, Joao Constancia, Vivoree Esclito, Maris Racal, Enchong Dee, at Kim Chiu.

Tunghayan muli ang OPM love hits showdown nina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Jed Madela, Kyla, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez sa "The Greatest Showdown."

Pakatutukan ang ASAP Natin 'To bukas, 12:00 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

NOEL FERRER

Ow Rita Iringan (aka Rita de Guzman, Rita Daniela), our best wishes. Next.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukas, June 26, ay nakatakdang ianunsiyo ng singer-actress na si Rita Daniela sa All-Out Sundays ang isang "life-changing" revelation tungkol sa kanyang buhay.
PHOTO/S: @missritadaniela on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results