Watch Now

Vince Rillon, bilib sa 'lakas ng loob' ni Sid Lucero: "Hindi sa kanya isyu yung frontal..."

by PEP Troika
Jun 26, 2022
vince rillon sid lucero virgin forest
Vince Rillon (left) on Virgin Forest co-star Sid Lucero's daring act: “Napapatingin na lang din ako sa kanya. Pero pag lumulusong sa tubig, umuurong. Anlamig, e! Sobrang lamig po talaga nun! Sobrang lamig ng falls.”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Magkakasunod na nagsyuting si Vince Rillon ng mga pelikulang Pusoy with Baron Geisler, Virgin Forest with Sid Lucero, at Kaliwaan with Mark Anthony Fernandez sa Bauan, Batangas.

“Si Sir Baron, mainstream acting yun pero may puso rin!” bulalas ni Vince nang makatsikahan namin noong Hunyo 22, 2022, Miyerkules, sa Wing Zone-Araneta Coliseum, Quezon City.

“Si Sid Lucero, lakas ng loob! Malakas ang loob po talaga niyan. Hindi sa kanya isyu yung frontal, yung makita ang ano.

“Yun din ang gusto kong ma-pick up sana sa susunod kong projects.”

Hindi niya natapatan ang kapangahasan ni Sid sa Virgin Forest! Hindi siya nakapagpasilip ng ibong mandaragit!

Natatawang sabi ni Vince, “Napapatingin na lang din ako sa kanya. Pero pag lumulusong sa tubig, umuurong. Anlamig, e!

“Sobrang lamig po talaga nun! Sobrang lamig ng falls.”

Ready si Vince na mag-frontal sa forthcoming projects, halimbawa’y sa second season ng Vivamax series na L.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakakatuwa naman po na may peg na ako. Ayan, si Sid Lucero! Kung kaya niya, kaya ko rin yun!” sambit ni Vince.

“Hindi na big deal yun. Part of the job ko bilang artista.”

Dahil Virgin Forest ang latest movie ni Vince, inurirat siya ng isang katoto kung paano niya ire-relate personally ang virginity.

“Ang lalim po ng tanong! Nag-isip po talaga ako kung paano ihahalintulad ang Virgin Forest sa aking personality,” pagkunot-noo ng premyadong aktor.

“Wala naman sa akin yung ganun, kung virgin man o hindi. Kasi, lahat tayo, namamatay na hindi virgin.”

Mabilis na kinontra namin si Vince dahil may mga kilala kami sa showbiz na hindi pa “nakakatikim.”

“Meron ba?! Kahit na sabihin mong matandang dalaga?! Hindi ako naniniwala!” pagdidiin ni Vince.

Dagdag ng aktor, “Nung high school sila, kahit siguro sa ilalim ng ano, kahit paano, may nangyari sa kanila…

“Hindi naman porke natikman ka, hindi ka na virgin. Meron dun, nahalikan ka. Di ba? Sigurado, nakatikim yun ng wet dreams!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siya ba, nagwe-wet dreams pa rin?

Mabilis na sagot ni Vince, “Opo! Dahil sa pandemic. Kasi, hindi naman ako nagma-masturbate.

“Paggising ko, akala ko, nakipag-ano ako. Pagtingin ko sa underwear ko, yun na. Totoo! Totoo! Anghang!”

Kailan at paano ba siya na-devirginize?

“Nung first year high school. Pagtuli ko pa lang, sinubukan ko na,” kaswal na pagbabalik-tanaw ni Vince.

“Ka-schoolmate lang. Puppy-puppy love. Papasok siya ng school noon. Sabi ko, ‘Bago ka pumasok, dumaan ka sa bahay ng ate ko.’

“Virgin siya, virgin din ako.”

Sa Virgin Forest, pinagpasasaan si Francis (karakter ni Sid) ng mga diwata sa panaginip. Si Vince ba, naniniwala sa mga diwata sa gubat?”

“Hindi ako laking-gubat, e. Laking-city ako.”

Sa kinalakhan niyang lungsod, walang diwata?

“Ibang diwata yun! Sa umaga, iba. Pag gabi, diwata!” pagbibiro ni Vince.

“Marami po akong kaibigan na pag tatakas kung gabi, nakadoble-short. Tinatanggal yung isang short. Isinusuot na lang uli pag-uwi.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Streaming ang Virgin Forest umpisa Hunyo 24, Biyernes, sa Vivamax.

GORGY RULA

So far, itong Virgin Forest ang pinakagusto ko kay Vince. Ang galing niya rito kumpara sa iba niyang nagawa sa Vivamax.

Ang normal ng batuhan ng dialogue nila ni Sid Lucero. Parang hindi naman daw talaga siya umarte rito.

Kumportable raw siya sa role bilang guide at bodyguard ni Sid na umakyat ng bundok para hanapin ang napaka-rare na bulaklak na Rafflesia.

Sabi pa ni Vince, “Parang nag-throwback sa akin yung ginawa namin ni Direk Dante sa Captive na nasa forest din kami.”

Bukod pa riyan, si Sid ang madalas niyang kaeksena sa Virgin Forest kaya gamay na gamay na raw nila ang isa’t isa.

“Parang akong-ako yun, e. Yung batuhan namin ni Kuya Sid…. ako yung bodyguard niya dun... alam ko na nililigaw-ligaw ko lang siya sa gubat na hindi niya dapat makita yung itinatago namin dun,” saad ni Vince.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Maganda naman at may napulot na acting tips si Vince Rillon sa mga premyadong aktor na sina Baron Geisler at Sid Lucero.

I’m sure with the guidance of Direk Brillante Mendoza and all the award-winning actors na nakasama ni Vince, at siya nga mismo ay nagka-award na rin, hindi na kataka-taka na makilala siya bilang magaling na aktor talaga.

Magiging kasimpopular din kaya siya? Sana…

Pero ang popularity ay function ng maraming bagay. Hindi ko sure kung iyan din ang goal ni Vince.

In the meantime, sana magtatak at gumawa pa ng ingay ang Virgin Forest na project niyang ito.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vince Rillon (left) on Virgin Forest co-star Sid Lucero's daring act: “Napapatingin na lang din ako sa kanya. Pero pag lumulusong sa tubig, umuurong. Anlamig, e! Sobrang lamig po talaga nun! Sobrang lamig ng falls.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results