Ken Chan, "binati" ng fans sa pagbubuntis ni Rita Daniela

by PEP Troika
Jun 26, 2022
ken chan rita daniela pregnancy
May ilang fans ang nag-aakalang si Ken Chan ang ama ng ipinagbubuntis ng ka-love team niyang si Rita Daniela kaya binati nila ito. Pero para sa kaalaman ng lahat, hindi si Boyet, este, Ken ang ama ng dinadala ni Aubrey, este, Rita.
PHOTO/S: @akosikenchan / @missritadaniela on Instagram

GORGY RULA

Kitang-kita ang sobrang saya ni Rita Daniela na ipinost na sa kanyang Instagram account ang pictorial kung saan halata na ang malaking tiyan.

Read: Rita Daniela confirms pregnancy

Kasama sa kanyang IG post ang sonogram ng baby sa kanyang sinapupunan. Hindi lang sure ang aming source kung mahigit two months na ang ipinagbubuntis ni Rita.

Continue reading below ↓

Pero ang curious kami ay kung ano ang reaksiyon ni Ken Chan sa malaking pagbabago sa buhay ni Rita.

Sabi ng ilang napagtanungan namin na nasa studio ng All-Out Sundays, nakita nilang nagkausap sina Rita at Ken pagkatapos i-announce ng singer-actress ang kanyang pagbubuntis.

Maaaring binati raw ng Kapuso actor si Rita, kahit may naririnig pa rin kaming may tampuhan silang dalawa.

Hindi raw totoo ang nakakarating na balitang hindi sila okay. Sinabi ni Ken sa nakaraang mediacon ng single niyang "Quaranfling" na okay na okay sila ni Rita.

Read: Ken Chan, itinangging si Rita Daniela ang pinatamaan sa isyu ng backstabbing

Pero ang isang nakakatawang kuwentong narinig namin sa studio ng AOS, si Ken daw ang binati ng ilang fans sa pagbubuntis ni Rita.

Baka iniisip nilang si Ken ang ama ng ipinagbubuntis ng dating ka-love team kaya ito ang kinu-congratulate.

Hindi pa ipinakikilala ni Rita kung sino ang kanyang longtime boyfriend na nakabuntis diumano sa kanya. Kahit ang ilang napagtanungan namin ay hindi sinabi kung nandoon din ba ang boyfriend sa studio para samahan si Rita.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

A child is always a blessing. Pero sana, ilagay sa tamang konteksto ang pag-handle ng ganitong katotohanan.

Sabi ni Julie Anne San Jose, “Rita, we are proud of you.”

Proud na hindi niya itinago? OK.

Proud for keeping the baby? OK.

Pero I don’t suppose Rita thought otherwise. Ingat lang talaga sa mensaheng ibinibigay natin sa mga manonood.

To Rita, we pray for your safe delivery.

JERRY OLEA

Instagram message ni Bb. Rita para sa supling sa kanyang sinapupunan, “You came just in time. You are God’s greatest gift to me.

“You give me hope to make more dreams COME true. I shall do anything and everything that’s best for you. Always.

“Nanay will always make sure that you have a heart for people and joy in the world.

“I can’t wait to meet you, anak. Ngayon pa lang, mahal na mahal na kita.”

Abangan natin kung kukunin ni Rita si Ken na ninong ng kanyang panganay!

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May ilang fans ang nag-aakalang si Ken Chan ang ama ng ipinagbubuntis ng ka-love team niyang si Rita Daniela kaya binati nila ito. Pero para sa kaalaman ng lahat, hindi si Boyet, este, Ken ang ama ng dinadala ni Aubrey, este, Rita.
PHOTO/S: @akosikenchan / @missritadaniela on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results