Watch Now

Joaquin Domagoso, matagal nang gustong umamin tungkol sa pagkakaroon ng anak

by PEP Troika
Jun 27, 2022
joaquin domagoso baby
Hinihintay ngayon ng publiko ang magiging pahayag ni Joaquin Domagoso pagkatapos makumpirmang mayroon na siyang anak.
PHOTO/S: @jdomagoso on Instagram

JERRY OLEA

Inilunsad ng Sparkle (GMA Artist Center) noong Enero ang Sparkle’s Next Brightest Stars for 2022. Walo ang mga ito — sina Bianca Umali, Ysabel Ortega, Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Miguel Tanfelix, Khalil Ramos, Derrick Monasterio, at Ruru Madrid.

Read: Johnny "Mr. M" Manahan explains how Sparkle banner artists were chosen

Noong Pebrero, ipinagmalaki naman ng Sparkle ang limang love teams na tinaguriang Sparkle Sweethearts.

Ang mga ito ay sina Kyline Alcantara & Mavy Legaspi, Sofia Pablo & Allen Ansay, Althea Ablan & Bruce Roeland, Shayne Sava & Abdul Raman, at Zonia Mejia & Jamir Zabarte.

Hindi kasali sina Cassy Legaspi at Joaquin Domagoso!

E, nakilala ang tandem nila sa First Yaya (Marso-Hulyo 2021)! Dahil ba mas kinikilig ang fans sa pagkaka-link ni Cassy sa Kapamilyang si Darren Espanto?

Siyempre, kasali pa rin sina Cassy at Joaquin sa First Lady na nag-pilot noong Pebrero 14, 2022.

Pero bakit parang binuwag noong Love Month ang kanilang tambalan?! Hindi ipinu-promote… Ayun na!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nabalitaan namin noong Pebrero na malapit nang maging ama si Joaquin. At noong kampanya ay hindi itinanggi ni Isko Moreno na magkakaapo na siya sa Kapuso young actor.

Mabait at mahusay makisama ang mag-amang Isko at Joaquin kaya hindi agad iyon inilantad ng mga nakakaalam.

Maski ang manager ni Joaquin na si Daddy Wowie Roxas, matapos ang eleksyon, ay nagsabing handa na ang 20-anyos na si Joaquin na umamin at hindi ikinahihiya ang supling. Naghihintay lang ng tamang timing, 'ika nga.

Bago sumapit ang Hunyo 19, Linggo ay naglaro sa aming diwa… May babati kaya kay Joaquin ng “Happy Father’s Day”?!

Read: Joaquin Domagoso, may two-month-old son na sa kapatid ni Claire Castro

GORGY RULA

Noon pa man ay gusto ko ang pagiging totoo ni Joaquin.

May nagparating sa PEP Troika na noon pa man ay gusto nang aminin ng binata ni Yorme Isko Moreno ang pagkakaroon ng anak, pero panahon ng kampanya kaya pinatahimik muna siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami rin ang nagpayo na huwag na lang muna siyang magsalita. Pero ngayong lumabas na, tingnan natin kung ano ang susunod na hakbang ng management team ni Joaquin.

Inaasahang hindi na masyadong ipu-push ang love team nina Joaquin at Cassy. Kaya curious ako kung ano ang mangyayari sa tandem nilang dalawa sa First Lady.

Ngayon na ang huling linggo ng First Lady kaya abangan natin kung may moment pa rin ba sila sa kuwento.

Ito rin ang gusto kong malaman sa isang teleserye na nakatakda na ring matapos. Basta mawawala na lang ba sa kuwento ang leading lady nito na napapabalitang nasa interesting stage na rin? Iyan ang kinakalkal pa ngayon ng PEP Troika.

Samantala, pursigido ang GMA-7 sa pag-push ng iba pa nilang nai-launch na love team. Isa na rito ang kina Sofia Pablo at Allen Ansay.

Pagkatapos ng Raya Sirena ay meron uli sila sa Wattpad WEBTOON Studios na Luv Is: Caught in His Arms kung saan kasali rin ang iba pang Sparkle GMA Artist Center’s Sparkada na sina Vince Maristela, Raheel Bhyria, Michael Sager, Sean Lucas, Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales, at Tanya Ramos, ang anak ni Wendell Ramos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

luv is poster

NOEL FERRER

So, this is the season for productivity nga yata.

I’m sure with Mayor Isko and Daddie Wowie’s guidance, magagabayan itong si Joaquin sa pagiging batang ama na hindi madali lalo na ngayong panahong ito, ha!

How will this affect his supposedly budding showbiz career remains to be seen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sana, manatili ang magandang disposition ni Joaquin sa kanyang buhay. Kailangan niya iyan ngayon more than ever.

At doble sikap, dahil tatay na si Totoy!!!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hinihintay ngayon ng publiko ang magiging pahayag ni Joaquin Domagoso pagkatapos makumpirmang mayroon na siyang anak.
PHOTO/S: @jdomagoso on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results