Top Gun: Maverick, $1B na ang worldwide gross; Ngayon Kaya, halos naka-P1M sa first day

by PEP Troika
Jun 27, 2022
top gun ngayon kaya box office
Tom Cruise's Top Gun: Maverick is now the highest-grossing film of 2022 with over $1 billion worldwide gross. Paulo Avelino and Janine Gutierrez's Ngayon Kaya fared better than exoected with almost P1 million opening.

JERRY OLEA

Kinabog na ng Top Gun: Maverick ang Doctor Strange in the Multiverse of Madness bilang pinaka-sakalam na pelikula globally ngayong 2022.

Ayon sa Box Office Mojo, lumampas na sa $1B ang worldwide gross ng latest movie ni Tom Cruise.

Ika-49 na ito sa talaan ng all-time highest-grossing movies worldwide, kung saan ang Top 5 ay pawang mahigit $2B ang hinamig sa buong mundo.

So far, ang worldwide gross ng Doctor Strange in the Multiverse of Madness ay $947M.

Ang iba pang malalakas na pelikula worldwide this year ay The Batman ($770M), Jurassic World Dominion ($747M), Water Gate Bridge ($627M), Uncharted ($401.6M), Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore ($401.1M), Sonic the Hedgehog 2 ($400.9M), The Bad Guys ($237M), at Too Cool To Kill ($217).

Noong Hunyo 22, Miyerkules, ay nagbukas sa local cinemas ang pelikulang Ngayon Kaya nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez, kasabay ang Elvis, Jujutsu Kaisen 0, at The Roundup.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malakas pa rin sa takilya ang Jurassic World Dominion at Top Gun: Maverick. May mga sinehan pa rin ang Doctor Strange in the Multiverse of Madness at Lightyear.

Sa Hunyo 29, Miyerkules, ay showing na sa mga sinehan ng lupang hinirang ang Minions: The Rise of Gru at Everything Everywhere All At Once.

Pero ang pinananabikan nang lubos ng Pinoy moviegoers ay ang marvelous Thor: Love and Thunder sa Hulyo.

Kaabang-abang ang pagsasanib-puwersa nina Thor (Chris Hemsworth), Valkyrie (Tessa Thompson), Korg (Taika Waititi), at Mighty Thor (Natalie Portman) para makipagbakbakan kay Gorr the God Butcher (Christian Bale).

Sa teaser ng Thor: Love and Thunder, sinabihan ni Thor ang iba pang gods, “There’s a maniac who seeks to end us all. We must do something!”

chris hemsworth thor lover and thunder

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tampok din sa pelikula sina Zeus (Russell Crowe), Sif (Jaimie Alexander), at Bast (Akosia Sabet).

Dialogue ni Gorr, “You are not like the other gods I’ve killed.”

Nakangising reaksiyon ni Thor, “Pfff! Ha. Blerg.”

At any rate, sa Hulyo 20 nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ang bagong pelikula ni Darryl Yap na Maid in Malacañang, na tungkol sa huling 72 oras ng mga Marcos sa Malacañang noong Pebrero 1986.

Nasa cast nito sina Cesar Montano (bilang Ferdinand Marcos), Ruffa Gutierrez (Imelda Marcos), Cristine Reyes (Imee Marcos), Kiko Estrada (Tommy Manotoc), Diego Loyzaga (Bongbong Marcos), Ella Cruz (Irene Marcos) at Kyle Velino (Greggy Araneta). Tampok din dito sina Karla Estrada (Yaya Santa), Elizabeth Oropesa (Manang Lucy), at Beverly Salviejo (Biday).

GORGY RULA

Halos naka-isang milyon ang first-day gross ng pelikulang Ngayon Kaya nung nakaraang Miyerkules, June 22.

Sa totoo lang, mas mababa pa rito ang inaasahan ko kaya parang okay na rin. Ewan ko lang kung pumik-up ito nung nakaraang weekend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Very positive akong magpalabas lang tayo ng pelikula nating pagbibidahan ng box-office stars, posibleng maibalik nito ang lakas ng mga pelikula natin sa takilya.

Sana nga, tuluy-tuloy na ito, at mawala na ang takot ng mga kababayan nating manood sa sinehan, dahil nagagawa naman nila sa blockbuster foreign films.

Sana, hanggang Metro Manila Film Festival na ito sa darating na December, na narinig naming balak nang sumali ng mga artista nating malalakas sa takilya.

Totoo bang may pinaghahandaan ng pang-MMFF si Vice Ganda?

Balak na rin ni Senator Bong Revilla na gumawa ng pelikula na pang-MMFF, pero hindi pa raw niya masasabi sa ngayon kung kakayanin na ng schedule niya.

Si Bossing Vic Sotto ay meron na ring pinaghahandaang bagong project pero hindi pa niya masabi kung pelikula ba o bagong TV show.

Sana, unti-unti nang makakabawi ang ating entertainment industry, lalo na sa pelikula.

NOEL FERRER

Dito sa Pilipinas, wagi ang Jurrasic World Dominion, kasi pampamilya ang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malakas pa rin at may legs ang pelikulang Top Gun: Maverick ni Tom Cruise sa Pinoy moviegoers.

Todo-suporta ang mga theater owners sa Filipino film pero wanting pa rin sila sa mga local films para ipalabas na sa mga sinehan after Ngayon Kaya na OK-OK naman ang box-office results.

Sana talaga, muli nang sumigla ang pagpanood ng pelikula sa mga sinehan. Sana.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tom Cruise's Top Gun: Maverick is now the highest-grossing film of 2022 with over $1 billion worldwide gross. Paulo Avelino and Janine Gutierrez's Ngayon Kaya fared better than exoected with almost P1 million opening.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results