Paolo Contis, inunahan ang bashers ng nilutong adobo ni Yen Santos para sa kanya

by PEP Troika
Jun 27, 2022
paolo contis yen santos adobo
Ipinagmalaki ni Paolo Contis sa Facebook ang baon niyang lunch sa studio ng All-Out Sundays -- kanin at adobo na niluto ng kanyang rumored girlfriend na si Yen Santos.
PHOTO/S: Facebook / Instagram

GORGY RULA

Inaasahan ni Paolo Contis na maba-bash na naman siya, pati ang rumored girlfriend niyang si Yen Santos, dahil sa Facebook post niya noong Linggo, June 26, 2022.

Ipinost ni Paolo ang baon niyang lunch sa studio ng All-Out Sundays — kanin at adobo na luto ni Yen.

Sabi ng aktor sa caption: “Ang sarap ng aking baong adobo! May libreng bashing pa yan mamaya! (laugh emoji) #Adobash (laugh emoji) thank yooouu babikwooh…”

Hindi nag-respond si Yen sa post ni Paolo, pero obvious namang ang aktres ang tinutukoy na "babikwooh" ng aktor.

paolo contis adobo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

So far, wala pa namang nag-share sa FB friends ni Paolo ng post niyang ito kaya hindi pa ito kumakalat at hindi pa naba-bash o nabibigyan ng negative comments.

Inunahan na kasi ni Paolo kaya maaring natameme na lang sila.

Sinasabi naman ni Paolo na masarap talagang magluto si Yen. Iba raw ang luto ng adobo ng aktres na nung tinitingnan ko sa FB post ni Paolo ay mukhang tinola.

Tila pinag-aralan talaga ni Yen ang pagluluto at nag-iimbento ito ng iba’t ibang klase ng dish, kaya sarap na sarap si Paolo sa caldereta niya, lalo na raw itong adobo.

Hindi pa bumabalik si Yen sa trabaho, at hindi naman masasabi kung babalik na siya sa pag-aartista. Kaya siguro sa pagluluto muna siya nagpu-focus na nae-enjoy naman ni Paolo ang mga natitikman niyang luto ng rumored girlfriend.

JERRY OLEA

Naku, hindi pa natin natitikman ang caldereta ni Yen, tinatakam na tayo ni Paolo sa “adobash”?! Nakaka-Tom Jones!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano pa kayang malinamnam na pagkain ang ihahatag ni Paolo mula sa kanyang babikwoooh?!

NOEL FERRER

Puwedeng dalhin ni Paolo ang caldereta at adobo sa shooting nila ni Joross Gamboa ng pelikulang Pangarap Kong Oscars.

Mukhang riot ang pelikula at exciting talaga ang dalawang magaling na artistang ito na magkatrabaho silang dalawa.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinagmalaki ni Paolo Contis sa Facebook ang baon niyang lunch sa studio ng All-Out Sundays -- kanin at adobo na niluto ng kanyang rumored girlfriend na si Yen Santos.
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results