Vic Sotto at Pauleen Luna, sulit ang pagod sa first out-of-the country trip kasama si Tali

by PEP Troika
Jun 28, 2022
vic pauleen tali singapore
Pagod man dahil sa kakaikot at pagsunod kay Tali, masaya naman ang mag-asawang Pauleen Luna at Vic Sotto sa first out-of-the-country travel nila kasama ang kanilang anak.
PHOTO/S: @pauleenlunasotto on Instagram

GORGY RULA

Na-enjoy nang husto ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna ang kanilang bakasyon sa Singapore kasama ang nag-iisang anak nilang si Talitha.

Dumating sila nung Linggo, June 26, 2022.

Ito bale ang first travel nila abroad magmula nang lumaganap ang pandemya nung 2020.

Ngayong medyo maluwag na at okay nang maglibot, itinuloy nila ang matagal na nilang balak na bakasyon para ma-enjoy ni Tali ang Universal Studios.

Napagod sila sa pag-iikot doon na gustung-gusto ng kanilang anak.

Binanggit ko kay Pauleen na parang bumagets lalo si Bossing Vic dahil nakikita ang sobrang tuwa kapag karay-karay nito si Tali.

“Super happy siya na happy si Tali!” text sa akin ni Pauleen.

Kaya may post si Pauleen na parang mas nag-e-enjoy pa silang mag-asawa kesa kay Tali na nakasama sa video ang Minions.

Paborito kasi ni Tali ang Minions, kaya paulit-ulit daw silang pumipila roon para nakasayaw ito ni Tali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinadala ni Pauleen sa PEP Troika ang video ni Tali na sobrang nae-enjoy na nakakasayaw ang Minions.

Nakakapagod daw ang limang araw na paglilibot, pero hindi na nila ito ininda dahil nakikita nilang sobrang na-enjoy ng kanilang anak.

“Grabe talaga, sulit ang pagod!” text uli ni Pauleen sa akin.

Samantala, meron palang inaayos si Bossing Vic at Pauleen na magandang project. Nabuo nila itong mag-asawa kasama raw si Tali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi lang daw muna nila maibigay ang buong detalye dahil inaayos pa ng M-Zet Productions.

NOEL FERRER

Masaya tayong nakakakita ng buo at masayang pamilya katulad ng kina Vic and Pauleen with Tali.

Iba rin ang saya ng pagta-travel lalo pa’t ang tagal natengga sa bahay ng mga pamilya, kaya their Singapore trip is a welcome respite.

We are looking forward to this project with the whole family. I’m sure, riot ito!

JERRY OLEA

Sitcom ba iyon kaya riot?

Lumalabas-labas si Tali pag on cam si Bossing Vic sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga.

Cute ang mga paandar niya, huh?! Kung may bagong sitcom si Bossing Vic, mag-e-ending na ba ang Daddy’s Gurl nila ni Maine Mendoza?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagod man dahil sa kakaikot at pagsunod kay Tali, masaya naman ang mag-asawang Pauleen Luna at Vic Sotto sa first out-of-the-country travel nila kasama ang kanilang anak.
PHOTO/S: @pauleenlunasotto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results