Billy Crawford at Matteo Guidicelli, babalik sa GMA-7?

by PEP Troika
Jul 1, 2022
Billy Crawford, Matteo Guidicelli
Billy Crawford at Matteo Guidicelli, may mga nakalinyang proyekto sa Kapuso Network?
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Wala pang kinukumpirma ang GMA-7, pero may naririnig kaming magbabalik-Kapuso si Billy Crawford.

Mukhang matutuloy ang pagsasanib ng Viva Communications, Inc. at ng GMA-7 sa mga programang The Wall Philippines at Masked Singer Pilipinas, na napapanood sa TV5.

Wala pa kaming naririnig kung sisimulan na ang Masked Singer Pilipinas, pero ang nakakasa na raw ay ang game show na The Wall Philippines na ihu-host din umano ni Billy Crawford.

Hindi pa sure kung Sunday ng gabi ang timeslot nito. Pero pag matutuloy ito, buong linggo nang mapapanood si Billy sa TV.

From Monday to Saturday siya sa Lunch Out Loud sa TV5, at sa Linggo naman sa GMA-7.

Pero mas mabuting hintayin na lang ang official announcement ng GMA-7 kung tuloy na tuloy na talaga ang bagong season ng The Wall Philippines na ihu-host ni Billy Crawford.

Samantala, may nakapagsab rin sa PEP Troika na tuloy na tuloy na talaga si Matteo Guidicelli sa GMA-7 dahil nasa Viva rin ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang unang nasagap namin, si Matteo raw ang magho-host ng Battle of the Judges na makakasabay ang fifth season ng The Clash.

Pero may nagsasabi ring may gagawing drama series ang mister ni Sarah Geronimo.

Sa dami ng mga programang naka-lineup para sa GMA-7, tiyak na meron diyan para kay Matteo at sa iba pang lilipat sa Kapuso network

JERRY OLEA

Magkakasunod na lumipat sa ABS-CBN sina Lovi Poe, Sunshine Dizon, at Janine Gutierrez.

Noong Enero pa nagtapos ang Kapamilya teleseryeng Marry Me, Marry You kung saan isa si Sunshine sa mga suporta kina Janine at Paulo Avelino.

Nabalitaan nating posibleng magtambal muli sina Janine at Paulo sa isang TV series na joint venture ng ABS-CBN at isang international production.

Si Lovi, merong seryeng katambal si Piolo Pascual. What’s next for Sunshine Dizon?

Nakakatuwa ang paghu-host ni Billy Crawford sa "Maritest" segment ng Lunch Out Loud. For sure, mas magre-rate ang The Wall Philippines na ihu-host niya kung sa GMA-7 na ito mapapanood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The same is true with Masked Singer Pilipinas hosted by Matteo Guidicelli.
If ever, ganun pa rin kaya ang titles ng mga programang iyon, o gagawing The Wall Pilipinas at Masked Singer Philippines?

E, ang Rolling In It Philippines hosted by Yassi Pressman sa TV5, posible kayang lumipat din sa Kapuso Nework?

Take note na ang Pinoy version ng Family Feud ay unang hinost ni Ogie Alcasid para sa ABC (TV5 na ngayon) noong Nobyembre 2001-Disyembre 2002.

Ang second Pinoy version nito ay sa GMA noong Oktubre 2008-Hulyo 2011 kung saan nag-host sina Richard Gomez, Dingdong Dantes, at Edu Manzano.

Ang ikatlong Pinoy adaptation ay sa ABS-CBN noong Abril 2016-Mayo 2017, with Luis Manzano as host.

Ang ikaapat at kasalukuyang Pinoy version ng Family Feud ay nag-umpisa noong Marso sa GMA-7, kung saan si Dingdong muli ang host. Inokupa nito ang dating timeslot ng Wowowin: Tutok Para Manalo ni Willie Revillame.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mahigit sa doble ng ratings ng Wowowin ang itinatala ng kasakuluyang Family Feud, at minsan ay halos triple pa!

NOEL FERRER

Habang dumarami ang maglilipatan sa mainstream platforms, meron ding mga magbubukas na apps at streaming sites.

Isa na rito yung kasama si Willie Revillame na Will TV. Sa July 15 na raw nila ito ilu-launch at doon mapapanood ang Wowowin at ibang pelikulang nabili nila.

Sa July 15 na rin nakatakdang mag-umpisa ang AQ Prime Stream at Director’s Cut By AQ.

Ang unang handog ng AQ Prime Stream ay ang MMFF 2021 entry ni Winwyn Marquez na Nelia.

Samantalang ang unang payanig ng Director’s Cut by AQ ay ang erotic BL movie na Bingwit starring Krista Miller, Drei Arias, and Conan King, sa direksiyon ni Neal “Buboy” Tan.

bingwit

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong buwan, limang erotic movies ang hatid ng Vivamax tuwing Biyernes.

Streaming na ngayong Hulyo 1 ang Biyak nina Angelica Cervantes, Quinn Carillo, Albie Casiño, at Vance Larena, sa direksiyon ni Joel Lamangan.

biyak poster

Kasado na sa Hulyo 8 ang Kitty K7 nina Rose Van Ginkel at Marco Gallo, sa direksiyon ni Joy Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

kitty k7

Magpapainit sa Hulyo 15 ang Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili nina Ayanna Misola at Diego Loyzaga, sa direksiyon ni Roman Perez Jr.

ang babaeng nawawala sa sarili

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magpapayanig sa Hulyo 22 ang Tahan nina Cloe Barreto, JC Santos, at Jaclyn Jose, sa direksiyon ni Bobby Bonifacio Jr.

Magpapasiklab sa Hulyo 29 ang Scorpio Nights 3 nina Christine Bermas, Mark Anthony Fernandez, at Gold Azeron, sa direksiyon ni Lawrence Fajardo.

Basta, pagandahan ng content ang labanan. Sana, inspirational at kapupulutan ng aral at pag-asa ang mga palabas na ito.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Billy Crawford at Matteo Guidicelli, may mga nakalinyang proyekto sa Kapuso Network?
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results