Watch Now

Benz Sangalang at Azi Acosta, "kaabang-abang" ang mapangahas na love scene sa bubong

by PEP Troika
Jul 1, 2022
Benz Sangalang, Azi Acosta
Benz Sangalang on wild love scene with Sitio Diablo co-star Azi Acosta: "Medyo nakakatakot ho. Nakaganun ho talaga kami. Tapos, ang posisyon namin, parang pusa kami dun, e. Talagang kinubabawan niya ako, ganun!"
PHOTO/S: Jerry Olea / Azi Acosta Facebook

JERRY OLEA

Na-enjoy ni Benz Sangalang ang pakikipagtrabaho kay AJ Raval sa pelikulang Sitio Diablo, na idinirek ni Roman Perez Jr.

"Okay po siya. Kasi, same management din naman kami kaya magkakilala na kami," lahad ng hunk actor nang makatsikahan namin sa Wing Zone restaurant, Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.

"Magaan siyang katrabaho. Hindi mo mararamdaman na sikat na siya, ganyan."

Nagbawas na ba ng pagpapa-sexy si AJ?

"Parang dito po, parang hindi nga siya masyadong sobrang pa-sexy. More on action po kasi," sabi ni Benz.

Read: AJ Raval, titigil na sa pagpapaseksi kaya umatras sa Scorpio Nights 3?

"Pero ako po, kung ikukumpara ninyo sa Secrets at dito sa Sitio Diablo, mas bigay-todo po ako dito.

"Bigay-todo rin po dito ang partner ko na si Azi Acosta. Kaabang-abang po yung love scene namin dito sa bubong."

Nakakatakot ba iyon? Any moment, baka mahulog sila ni Azi habang naglalampungan.

Pag-ayon ni Benz, "Medyo nakakatakot ho. Nakaganun ho talaga kami. Tapos, ang posisyon namin, parang pusa kami dun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Talagang kinubabawan niya ako, ganun!"

Bakit nasabi niyang bigay-todo si Azi?

"Kasi, first time niya po, e. Noong una, nailang siya. Siyempre, yung mga limitations niya," tugon ni Benz.

"Parang after nung unang take namin, sa second take, parang ano na siya, e. Lumaban na talaga siya. Iba na ang atake niya sa pangalawa."

Nag-plaster noon si Benz sa maseselang eksena ng Secrets. Dito sa Sitio Diablo, nagplaster ba siyang muli?

"Opo! Kasi, lalaki naman po yung direktor. Ayaw niyang makita ang mga ganun," mabilis na tugon ni Benz.

"Sinabi nga po niya, 'Ayokong makita iyan!' Mag-plaster ka. Ayokong makita iyan!' Yun ang sinabi niya sa akin."

Nasa cast din ng Sitio Diablo si Kiko Estrada. Lumaban ba ito sa hubaran?

"Ang alam ko ho, topless lang siya. Kasi, sinabi niya sa akin, nakausap ko siya,” sambit ni Benz.

"Para sa kanya, gusto niyang mapansin, yung akting niya. Ayaw niya raw magganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Nasugatan si Benz Sangalang sa bakbakan nila ni Kiko Estrada sa Sitio Dablo.

"Matulis po talaga yung prop na balisong. Nasaksak po ako ni Kiko," kuwento ni Benz.

"Umaatras yung balisong pero matulis pa rin po talaga, e.

“Kaya sabi ko nga sa kanya, ‘Brod, yung sa second take, huwag mo nang anuhin! Dayain na lang natin!’

"Kasi, talagang nagsugat po siya, e. Nagsugat talaga siya."

Nasa cast din ng Sitio Diablo si Joko Diaz.

JERRY OLEA

Panay-panay ang kain ni Benz ng kamote during shooting ng pelikulang Secrets sa Aurora para bongga ang pa-abs niya.

Sa shooting ng Sitio Diablo sa Pampanga, hindi na raw siya masyadong concerned sa kanyang abs dahil nawalan siya ng time na mag-gym.

"Parang ang focus ko na lang po ngayon, sa acting. Yung boses ko, binabago ko kapag sa scene na," lahad ni Benz.

"Nilalakihan ko po ang boses ko, mino-modulate. Kasi, isa po ito sa problema ko, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Maganda naman po ang kinalabasan ng katawan ko dahil sa pagkain ko ng kamote sa Secrets.

"Dito sa Sitio Diablo, ang problema ko po, wala pong maglalaga ng kamote ko. Pero may dala ako.

"Seven or eight days yata ako sa Pampanga dahil sa shooting ng Sitio Diablo. Siguro, nakakain ako ng kamote, e, apat na beses lang."

Naghasik ba siya ng “careless whisper” dahil sa kamote diet niya?

Natatawang tugon ni Benz, "Kapag ganun po ang mangyayari, siyempre, lumalayo na lang po ako."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Benz Sangalang on wild love scene with Sitio Diablo co-star Azi Acosta: "Medyo nakakatakot ho. Nakaganun ho talaga kami. Tapos, ang posisyon namin, parang pusa kami dun, e. Talagang kinubabawan niya ako, ganun!"
PHOTO/S: Jerry Olea / Azi Acosta Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results