Watch Now

Sanya Lopez, sasabak sa recording ngayong tapos na ang First Lady

by PEP Troika
Jul 1, 2022
sanya lopez recording
Sanya Lopez: "Actually, marami pang plans at shows na naka-lineup. Kaya yung pahinga, baka hindi ko pa siya mae-enjoy sa ngayon. Bukod sa acting, gusto ko rin ma-try ang recording."
PHOTO/S: @sanyalopez on Instagram

GORGY RULA

Final episode ng Kapuso primetime series na First Lady ngayong Biyernes ng gabi, Hulyo 1, 2022, pero tuluy-tuloy ang friendship ng cast members.

Iba raw talaga ang dating sa kanila nitong huling lock-in taping nila dahil mas lumalim ang friendship nilang lahat.

Read: Victory party ng First Lady, tatapatan ang inaugural dinner sa Malacañang

Ang tanong ng PEP Troika kay Sanya Lopez: may panahon na kaya siya ngayong magka-love life?

Tila hindi pa rin nagmamadali ang Kapuso actress, kahit may mga ipinapakilala na sa kanya. Mas nagpu-focus pa rin siya sa trabaho.

Sabi nga ni Sanya, kahit wala na silang taping, abala pa rin siya dahil may bago na namang aabangan sa kanya.

Papasukin na ni Sanya ang recording at malapit na raw i-launch ang single niya sa GMA Music.

Ani Sanya, “Actually, marami pang plans at shows na naka-lineup. Kaya yung pahinga, baka hindi ko pa siya mae-enjoy sa ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Bukod sa acting, gusto ko rin ma-try ang recording.

“At may nakahanda rin ako na bagong kanta para sa mga sumusubaybay sa akin. Magugustuhan nila yun dahil upbeat.

"Title is 'Hot Maria Clara.' Malapit na rin ang launching nito kaya abangan nila.”

NOEL FERRER

Sanya Lopez truly connects sa mga tao sa mainstream TV.

The next move is to find a breakthrough project that would define her in terms of her brand and pull sa audience.

She also has to prove that her audience will go out of their way to spend for her, sa movies man o sa concerts.

At sana, may mga brands na magtiwala sa kanya for endorsements.

I’ve met her na at personable siya. I wish for Sanya’s success.

JERRY OLEA

Isang basehan ng kasikatan ng artista kung may mga patalastas ba siya. Iilan lang ang mga artistang pinagkakatiwalaan upang mag-endorso ng iba’t ibang produkto.

Ang pelikula niya o pa-concert, tinatangkilik ng fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iyong TV ratings ng First Yaya ni Sanya Lopez ay madalas na nasa line of 2. Hindi iyon nagawa ng First Lady.

Teka! Sina Dennis Trillo at Sanya ba ang gaganap na Juan Crisostomo Ibarra at Maria Clara de los Santos, respectively, sa forthcoming historical series ng GMA na kukunan umano sa Ilocos region?

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sanya Lopez: "Actually, marami pang plans at shows na naka-lineup. Kaya yung pahinga, baka hindi ko pa siya mae-enjoy sa ngayon. Bukod sa acting, gusto ko rin ma-try ang recording."
PHOTO/S: @sanyalopez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results