Watch Now

First Lady finale, nanguna sa ratings; Lolong, mapatumba kaya ang Ang Probinsyano?

by PEP Troika
Jul 4, 2022
first lady lolong ratings
Nagwakas na noong Biyernes, July 1, ang First Lady nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez (kaliwa). Ngayong Lunes, July 4, naman ang simula ng papalit ditong Lolong tampok si Ruru Madrid (kanan).
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Nagpapasalamat ang buong team ng First Lady, lalo na si Sanya Lopez, dahil sa mataas na rating ng finale episode nito nung nakaraang Biyernes, Hulyo 1, 2022.

Naka-17.1%, kumpara sa 11.6% ng katapat nitong FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Nung araw na iyon ay mataas din ang ratings ng karamihang programa ng GMA-7.

Ang Family Feud, kung saan naglaro ang family ni Matet de Leon kalaban ng grupo ng Lolong, ay naka-11.3%.

Okay rin ang Bolera ni Kylie Padilla na marami na ang nagkakagusto sa kuwento nito. Naka-13.5% ito, at 4.2% naman ang katapat na A Family Affair ni Ivana Alawi.

Ang bongga rin ng Bubble Gang na naka-7.6%. Ang JulieVer tandem nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang special guests sa naturang gag show noong Friday night.

Samantala, nung Sabado, Hulyo 2, halos ganun pa rin ang rating ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento na naka-9.3%, at 4.5% naman ang Idol Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Jose and Maria’s Bonggang Villa ay naka-11.5%.

Nung Linggo ay steady lang ang ratings ng ibang programa, pero consistent pa ring mataas ang Happy ToGetHer ni John Lloyd Cruz. Naka-13.9% ito kung saan si Julie Anne uli ang guest.

Heto naman ang rating ng iba pang programa nung Linggo:

Naka-3.8% ang All-Out Sundays, at 2.8% ang ASAP Natin ‘To.

Sumunod ang GMA Blockbusters na 3.7%, at 4.3% ang FPJ Da King.

Naka-4.3% ang Regal Studio Presents, at sumunod ang Amazing Earth na naka-6.3%.

Ang 24 Oras Weekend ay naka-11.9%, at 1.7% naman ang TV Patrol.

Naka-11.2% ang Daig Kayo ng Lola Ko, at 3.1% ang Idol Philippines.

Ang Kapuso Mo Jessica Soho ay 16.7%, at 4.8% ang The Boobay and Tekla Show.

JERRY OLEA

Kagaya ng First Yaya, nanatili ang First Lady bilang highest-rated primetime series sa weekdays. Mabibilang sa daliri na kinabog ito ng mga payanig ni Cardo Dalisay sa FPJ’s Ang Probinsyano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mukhang ang dambuhalang action-adventure series na Lolong ang tuluyang magpapatumba sa teleserye ni Coco Martin kung saan marami-rami ang naghahanap sa karakter ni Julia Montes.

Ang finale ng First Yaya noong Hulyo 2, 2021 ay nagtala ng 19.2%. Maraming episodes na nasa line of 2 ang ratings nito.

Nabigo ang First Lady na pumantay man lang sa ratings ng First Yaya. Kaya huwag na tayong hopia o asado na may kasunod pa ang istorya nina Melody (Sanya Lopez) at Glenn Acosta (Gabby Concepcion). Pigang-piga na, 'ika nga.

Lalo pa’t sa ending ng First Lady ay naging presidente rin ng Pilipinas si Melody. How fantastic!

“Mas maganda yung ending ng First Yaya kesa sa ending ng First Lady,” sabi ng kasambahay naming si Manang Auring, Aurora Agustin sa totoong buhay.

Walang pinalampas na episode ng First Yaya at First Lady si Manang Auring, na isang senior citizen. Lahat, pinanood niya.

Samantala, naka-9.1% noong Hunyo 30, Huwebes, ang Kapuso special coverage na Ang Inagurasyon President-Elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa live presentation ng ASAP Natin ‘To noong Linggo, nagdiwang si Martin Nievera ng 40th anniversary sa showbiz.

Wagi pa rin ang All-Out Sundays kung saan inawit nina Ruru Madrid at Jeremiah Tiangco ang theme song ng Lolong. Kabilang din ang JulieVer sa nagpakilig sa dance floor ng AOS!

NOEL FERRER

Dahil sa mataas na ratings ng hahalinhang programa, malaki ang challenge na mag-rate ang Lolong ni Ruru Madrid na ang daming pinagdaanan bago tuluyang maipalabas. Nataon din ito sa kanyang 10th anniversary celebration sa showbiz.

Sana nga, like Ruru and Sanya, mas marami pang endorsements na magtiwala sa kanila para ma-establish ang pagka-star at brand nila. Harinawa.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagwakas na noong Biyernes, July 1, ang First Lady nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez (kaliwa). Ngayong Lunes, July 4, naman ang simula ng papalit ditong Lolong tampok si Ruru Madrid (kanan).
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results