NOEL FERRER
Ngayong July 5, 2022 ang talagang 40th anniversary sa music/entertainment industry ng tinatawag kong "Tatang Martin Nievera."
1982 nang sumasama si Martin sa mga show ng tatay niyang si Bert Nievera dito sa Pilipinas at nag-guest sa Pilita & Jackie Show (with Pilita Corrales and daughter Jackie Lou Blanco), which introduced him to Vic del Rosario and got him into Vicor Records.
He was a monthly guest and shortly after the second month, the show was cancelled.
Si Tita Pilita, na kaibigan ng tatay niyang si Bert, ang sinasabi ni Martin na naka-discover sa kanya.
Pagkatapos noon ay nagtuluy-tuloy na ang pamamayagpag ni Martin hindi lang sa concert at music scene kundi pati na sa telebisyon.
Nanalo siya ng top prize sa Metropop, amateur division, dahil sa kanta niyang "Pain" composed by Alvina Sy. Naging Most Promising Artist of the Year din siya sa Aliw Awards agad-agad.
Six months later, naging Entertainer of the Year na rin siya, also from Aliw.
Wanted: Martin Live ang naging unang concert ni Martin sa Folk Arts Theater, which is to be repeated only after two weeks, the first time it has ever happened at the Folk Arts Theaters. Both concerts, majorly sold out!!!
Nasundan na iyan ng marami pang ibang successful concerts here and abroad kaya siya ang tinaguriang undisputed CONCERT KING natin.
At nitong panahon ng pandemya, talaga namang masuwerte tayo at nakakauwi pa siya rito para makapag-perform tulad ng ginawa niya sa Solaire two weeks ago.
Hindi lang sa concerts nakilala ang tatang ko. He is also a successful and an award-winning TV host sa kanyang Martin After Dark hanggang sa kanyang Martin Late @ Nite na labis kong nami-miss sa kanya.
Ang huli niyang talk show ay ang LSS: The Martin Nievera Show sa ANC hanggang sa abutan ito ng pandemya.
What do I wish for Martin? ONLY THE BEST.
I know he’ll never get tired of singing for people and for us, his audience. Kasi, he is happiest when he performs.
THANK YOU, Tatang Martin, for not just being an exemplary artist, but for being a great, genuine, selfless and loving person… and a really good friend that has become family FOREVER!!!
Enjoy your life, Tatang! Continue loving, at katulad nga ng unreleased song pa natin, LIVE LOVE always!!!
Love you, Mart!!!
JERRY OLEA
May 40th anniversary concert si Martin na M4D, Martin 4 Decades sa Walt Disney Concert Hall sa U.S., at sa Solaire na naman sa Nobyembre 19 para sa mga kababayan natin.
Habang si Gary V. ay active sa TV na may "Tawag Ng Tanghalan" at ngayo’y nasa Idol Philippines, gugustuhin kaya ni Martin na mapako sa Pilipinas at magka-talk show ulit o mag-concert na lang nang mag-concert abroad na talagang hit naman siya?
OK rin ang idea na magtayo ng burger chain si Martin dahil patok at kilala siya sa pagluluto ng Martin’s burger para sa mga kaibigan niya, at maganda kung sasamahan niya iyun ng pagkanta.
GORGY RULA
Wala nang kailangang patunayan pa si Martin Nievera. Pero gusto pa rin natin siyang mapanood na mag-perform.
Siya ang isa sa napaka-visible nitong pandemic dahil patuloy lang siya sa pagkanta sa Facebook live kahit iilan lang ang nanonood minsan.
Ngayong bumabalik na sa normal ang live performances, sana’y magkaroon siya ng isa pang malaking show kasama ang mga paborito niyang artists na makakasama.
Pero naalala ko rin, Sir Noel, na bahagi ka pa noon ng kanyang Martin After Dark na show. Sana, magkaroon siya ng isa pang talk show.
Wala na rin kaming balita sa musical talk show nila ni Pops Fernandez na “Exes and Whys with Pops and Martin.”
Maganda ang konsepto, pero hindi lang na-push nang husto. Sana, mapanood ito sa isang malaking TV network, di ba?