Ruru Madrid, nagpasalamat sa mga nanood ng pilot episode ng Lolong

by PEP Troika
Jul 5, 2022
ruru madrid lolong
Ruru Madrid: "Noon, iniisip ko na bakit ganun, parang laging na-delay po yung Lolong na parang nawawalan na po ako ng pag-asa, pero eto po pala ang dahilan nun."
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Nasa South Korea si Ruru Madrid para sa taping ng Running Man Philippines, kaya nagpadala ang PEP Troika ng mensahe through Viber kung ano ang masasabi niya sa mataas na rating ng pilot episode ng dambuhalang adventure-serye niyang Lolong.

lolong pilot rating

Maganda ang feedback sa pagsisimula ng Lolong, pero mas marami pa raw kaabang-abang sa seryeng ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ruru Madrid admits almost quitting showbiz because of Lolong

Video: Antonio Payomo III (video editor), Jimpy Anarcon (voice-over).

Sinabi rin sa amin ni Christopher de Leon na sobrang nagandahan siya sa script at lalo siyang na-impress pagkatapos ng taping dahil ang galing daw ng pagkadirek ng Lolong.

Kaya kahit ang daming delays nito, at dumaan sila sa mga pagsubok, walang bumitaw, naghintay nang matagal at tuloy pa rin ang taping. Kaya sobrang tuwa at pasasalamat ni Ruru na maganda ang kinalabasan at nag-rate ito nang mataas.

Gustong iparating ni Ruru sa lahat ng nanood nung Lunes, July 4, ang taus-pusong pasasalamat. Sana raw ay itutuluy-tuloy nila ito dahil mas marami pang pasabog na mapapanood sa adventure-serye na ito.

Ani Ruru, “First of all sobrang sarap po sa puso na finally lahat po ng pinaghirapan namin, nagbubunga na.

“Noon, iniisip ko na bakit ganun, parang laging na-delay po yung Lolong na parang nawawalan na po ako ng pag-asa, pero eto po pala ang dahilan nun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Na-realize ko na lahat po ng mga bagay, may perfect timing at may dahilan kung bakit nangyayari, at masasabi ko po na ito na po yun.

“I’m just very thankful sa lahat po ng bumubuo ng Lolong, from the bosses ng Public affairs sa director po namin, sa writers, post na gumagawa po ng CGI (Computer Generated Images), prod team, crew and cast, at sa lahat po ng nanood ng Lolong!

“Hopefully patuloy po nilang suportahan ang Lolong gabi-gabi.

“Papunta pa lang po tayo sa exciting part hehe.”

JERRY OLEA

Exciting indeed! Mukhang kakabugin ng Lolong ang ratings ng pinalitan nitong First Lady.

Aabangan natin kung papantayan ba ng Lolong ang phenomenal ratings ng First Yaya, at kung tuluyan nang itutumba ni Lolong si Cardo Dalisay ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Suportado si Ruru ng mga de kalidad na artista sa Lolong, gaya nina Christopher de Leon, Jean Garcia, at Bembol Roco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sabi pa ni Ruru, “Ito na po yun. After 10 years po, unti-unti na pong ibinibigay ng Panginoong Diyos ang mga pangarap ko!

“I promise na magiging humble po ako at patuloy kong ibibigay ang puso ko sa bawat ginagawa ko.”

Kauumpisa pa lang ng Lolong pero aabangan na rin natin si Ruru sa Running Man Philippines.

At sana, maipalabas na ang pelikulang G! LU (Go! La Union) kung saan isa siya sa mga bida, along with Kiko Estrada, David Licauco, Teejay Marquez, Derrick Monasterio, and Enzo Pineda.

NOEL FERRER

Nang mag-IG Live si Ruru Madrid from South Korea noong isang araw, emotional siya talaga at ang sabi’y ibinuhos niya ang lahat sa proyektong ito, na siyang nagsisilbing 10th anniversary project niya sa showbiz.

At naniniwala akong malayo pa talaga ang mararating ni Ruru bilang aktor, at alam niyang nandito lang akong nakasuporta rin sa kanya lagi.

Nakuhanan din ng Troika ng pahayag ang Head ng Public Affairs ng GMA na si Nessa Valdellon tungkol sa rating ng pilot episode ng Lolong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag niya, “We’ve been shouting with joy about Lolong’s pilot ratings and the tweets from viewers which hit over 35,000!

“It’s really a work of love by Public Affairs and our cast and crew led by Arlene Carnay and Neil Gumban, Nowell Cuanang and Japs Jaring and Direk Romel Penesa.

“We are so grateful to everyone who watched the launch and hope they stay for the big reveals. This soap gets better and better as it progresses.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruru Madrid: "Noon, iniisip ko na bakit ganun, parang laging na-delay po yung Lolong na parang nawawalan na po ako ng pag-asa, pero eto po pala ang dahilan nun."
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results