Watch Now

JC de Vera, sumakit ang ulo dahil sa deaf role sa Bakit Di Mo Sabihin?

by PEP Troika
Jul 8, 2022
jc de vera cinemalaya
JC de Vera on his deaf character in Bakit Di Mo Sabihin?: sa sobrang komportable ko, sometimes during the shoot, feeling ko, deaf din ako talaga. Like, people are talking to me pero feeling ko, hindi ko sila naririnig. Nakatingin lang ako sa kanila, alam mo yun? Parang… wala na, pumasok na sa akin yung karakter. And yun yung objective ko talaga. Na maging comfortable ako sa pagiging deaf.”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Malaking hamon kina JC de Vera at Janine Gutierrez ang pagganap na deaf couple sa Cinemalaya 2022 film na Bakit Di Mo Sabihin?.

“We went through a series of workshops,” sambit ni JC sa mediacon ng Cinemalaya 18: Breaking Through The Noise nitong Hulyo 6, Miyerkules, sa Cultural Center of the Philippines.

“Pero ang pinakanag-work sa amin na process is that we have to be totally immersed sa pagiging deaf.

“And that means, kailangan talaga naming ma-feel and maging comfortable sa pagiging deaf.

“Pinaghandaan talaga namin ‘to. We have teachers beside us during the shoot. Tapos, alam mo yun, talagang total immersion lang talaga.

“Naging matured kami ni Janine pagdating dito sa film na ‘to. Talagang binuhos namin lahat ng skill na meron kami sa katawan namin.”

Magaling na siyang mag-sign language?

“Hindi ko masabing magaling ako. Ahhm, gusto kong mapanood ninyo and gusto kong kayo ang magsabi kung ano ba talaga yung naramdaman niyo sa ginawa namin,” pagngiti ni JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But after the shoot, na-feel talaga namin that we are really satisfied with what we did.

“Alam namin na binuhos talaga namin yung buong puso namin dito. And most of all, we really enjoyed portraying a deaf couple.

“As in hands down kay Janine, nakita ko dito that she really performed well. Nilabas niya talaga yung acting skills niya.

“Marami siyang skills na itinatago sa likod niya at dito natin nakita yun.

“Alam niyo, itong film na ito, it’s like dancing, alam mo yun? It’s like performing.

“From scene 1 hanggang matapos yung movie, we were like performing a dance number, alam mo yun?

“Nag-rehearse kami, prinaktis talaga namin. Tapos, pagdating ng shoot, it’s like, alam mo yun, game time! Kailangan na naming i-perform.”

Parehong award-winning sina JC at Janine. Meron ba silang expectation for Bakit Di Mo Sabihin?

“E, siyempre yung expectations namin, sa sarili na lang namin. Parang ine-expect talaga namin na we have to really you know portray these characters so well,” tugon ni JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi, alam mo, really excited dito yung deaf community. Kasi, it’s been a long time na, alam mo yun, merong ganitong klaseng film for them.

“At itong istorya na ginawa talaga namin is, you know, somehow unique. First time ‘to sa ating industry na makapagpalabas tayo ng full length na deaf movie.

“So, we have cast na deaf also. Tapos, ahhm, yung writer namin, si Flo Reyes, true story ito. Ito yung story ng parents niya na both deaf.

“So, alam mo yun, talagang really excited kami. Kasi nga, alam mo yun, it’s hard pero at the end of this shoot, we are all fulfilled.

“As in sobrang-sobrang happy kami.”

bakit di mo sabihin poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Madali ba para sa kanya ang pakikipagtrabaho sa deaf co-actors? Agad niyang nasakyan? Mabilis silang nagkaintindihan?

“Well, I must say, it was really hard. It was really difficult at first,” pag-amin ni JC.

“Pero since we were truly immersed nga sa characters namin, ahhm, I must admit, during the shoot, nagkakaroon ako ng headaches.

“Kasi nga, I’m trying to understand each and every sign na dapat ipakita. Talagang, alam mo yun, iniintindi ko yung bawat word.

“So, it was really difficult. Pero since we were totally immersed nga, alam mo yun, naging comfortable kami.

“And yun nga, maikuwento ko lang, sa sobrang komportable ko, sometimes during the shoot, feeling ko, deaf din ako talaga.

“Like, people are talking to me pero feeling ko, hindi ko sila naririnig. Nakatingin lang ako sa kanila, alam mo yun?

“Parang… wala na, pumasok na sa akin yung karakter. And yun yung objective ko talaga. Na maging comfortable ako sa pagiging deaf.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Magaling naman sina Janine at JC.

Challenge kay JC itong first Conemalaya project niya dahil magaling talaga si Janine. Dapat makasabay siya.

Sabi ni JC, itong Bakit Di Mo Sabihin? ay hindi typical na love story. Kakaiba ang concept na talagang isasapuso mo. Kaya pinaghandaan niya ito nang husto.

Napapanood ko ang teleseryeng Flower of Evil, at nagawa naman ni JC ang role na ibinigay sa kanya. Hindi mo iisiping si Kit Thompson ang unang pinili na gumanap nitong role bilang isang imbestigador kasama si Lovi Poe.

Read: Kit Thompson, kumpirmadong pinalitan sa dalawang proyekto matapos masangkot sa isyu

Pahayag ni JC, “Again, huge respect for Kit. Kahit sino puwedeng gumanap ng character ko.

“Lahat kami, may capability na umarte. I just feel honored and proud na mapabilang sa isang stellar cast.

“Nabigyan ako ng magandang opportunity to be part of Flower of Evil kaya ibinigay ko kung ano ang kailangan nila from me.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpapasalamat ang Kapamilya actor na nandiyan ang co-stars niya na sumuporta sa kanya.

“Kinabahan ako at first dahil buo ang kanilang chemistry, pero supportive silang lahat sa akin.

“They made sure na welcome ako at walang naging kahit anong problema sa pag-reshoot ng scenes.

“Same pa rin ang energy at excitement ng lahat sa pag-continue,” saad ni JC.

Bago mag-Cinemalaya ay mapapanood si JC de Vera sa Netflix sa isang romcom na pinamagatang The Entitled.

Si Alex Gonzaga ang ka-partner niya rito, sa ilalim ng direksiyon ni Theodore Boborol.

NOEL FERRER

The good thing about JC de Vera is that he works hard and he always delivers. Bilang artista, he is always open to push his limits at madalas naman, it pays off.

Good for JC to have a Cinemalaya entry. Malayo pa ang mararating nito sa pagiging aktor niya, promise!!!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JC de Vera on his deaf character in Bakit Di Mo Sabihin?: sa sobrang komportable ko, sometimes during the shoot, feeling ko, deaf din ako talaga. Like, people are talking to me pero feeling ko, hindi ko sila naririnig. Nakatingin lang ako sa kanila, alam mo yun? Parang… wala na, pumasok na sa akin yung karakter. And yun yung objective ko talaga. Na maging comfortable ako sa pagiging deaf.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results