Herlene Budol, ipinagtanggol laban sa bashers na bumatikos sa kanyang Afro look sa photo shoot

by PEP Troika
Jul 8, 2022
herlene budol afro hair
Wilbert Tolentino (not in photo) on Herlene Budol's afro hair in a photo shoot: "I don’t see anything wrong with her hair. Was she even mocking dark skin? Was the picture even discriminating certain race? Saan ang paglabag sa cultural appropriation doon?"
PHOTO/S: @herlene_budol on Instagram

JERRY OLEA

Payanig, paandar, at pasiklab pa more si Binibini #6 Nicole Budol sa kanyang Binibining Pilipinas 2022 journey.

Ipinagbubunyi ng Hiponatics ang signature walk niyang Squammy Walk sa press presentation ng timpalak.

Sa verified Facebook at Instagram pages niyang Herlene Hipon Budol, nag-uumapaw ang kanyang alindog sa swimsuit photoshoot.

Takaw-pansin ang post ni Herlene Hipon na naka-Afro hair with matching hanash na, “I love my Fro' - it's not just a hairstyle ; it's a statement.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natuwa ang mga ka-Budol at ka-Squammy, pero may mga hitad at higad na nag-alboroto, at binato ng parunggit at patutsada ang pinakasikat na Hipon Girl mula sa Angono, Rizal.

Siyempre, agad-agad na ipinagtanggol si Herlene ng manager niyang si Wilbert Tolentino, “I don’t see anything wrong with her hair. Was she even mocking dark skin? Was the picture even discriminating certain race? Saan ang paglabag sa cultural appropriation doon?

"Pinasuot lang ang Afro sa kanya. Afro has been around and artists use it for many photoshoots.

“Drag queens are even wearing afro for their shows, ganun din ba tingin nyo sa kanila. Besides, prehistorically we Filipinos are naturally curly.

“That’s the statement we want to convey. Embrace our all types of hairstyles. Straight, wavy, short, curly, long, afro or not.

“We apologize for those who got offended. But rest assured, we don’t violate any laws, discriminate any race or any minorities. That’s not the intention.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa kay Wilbert, three months ago pa ang photo shoot na iyon. Nakipag-alam ang PEP Troika na sa hairstylist na si Keigh Dones at hiningi ang insights nito sa iniintrigang Afro hair ni Hipon Girl.

Ano ba ang fashion statement niyon?

“As for me po, zwla naman pong special meaning or so using the Afro hair. We just feel it’s something that could fit the personality of Herlene (not the Afros themselves but the hair itself),” pahayag ni Keigh nitong Hulyo 8, Biyernes ng umaga, via Messenger.

“Herlene is so bubbly and the way she moves, the hair just go with it. This is something that’s beyond everyone’s imagination because we never thought that Afro hair could fit on Herlene on the said shoot.

“Masaya kami na nag-fit yung hair sa overall look ng photo shoot.”

Read: Herlene "Hipon Girl" Budol maagang namulat sa mapait na katotohanang di panghabampanahon ang showbiz

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Maging ang Kapuso soap opera writer na si Suzette Doctolero ay naglabas ng saloobin kaugnay sa Afro hair ni Hipon Girl.

Post ni Suzette sa Facebook, “Lahat na lang bawal?? Masyado nang marsmallow oy! Yung iba nga, ang hilig magpa blond, mag glutha at nagco contact lens pa ng colored, pwede? Ang afro, bawal??

“Ganda kaya o! Bagay. (Afro hair ako, natural. At hindi ako offended. Huwag nga kayo! May lahi kaming Ita at Espanyol, di ba auntie Nelly Fernandez?)

“Umaray kayo kung ginamit ang afro para laitin at hamakin ang isang lahi o kulay! HIndi naman ganun ang ginawa. Cenecelebrate nga ang hairstyle para ipakita na maganda ito!

“O ano problema ninyong mga hunghang kayo? Char! Lols. Ang mahal na ng gasolina, pati ito ay issue?”

At any rate, mapapanood ang ikalimang episode ng digital series na Ang Babae Sa Likod ng Face Mask bukas, Hulyo 9, Sabado ng 7:00 p.m., sa Puregold Channel sa YouTube.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bida sa online series na ito si Herlene Budol aka Hipon Girl, katambal si Joseph Marco.

More and more ang pakilig nila rito, umaani ito ng magagandang komento mula sa masusugid na tagasubaybay.

“Ang hirap! It’s difficult to be like me!” lumuluhang hinaing ni Herlene sa teaser ng episode 5 ng series.

NOEL FERRER

Owww kontrobersyal na nga yata talaga si Hipon Girl, pero sana she lives up to the hype, ha?!

Habang maingay na maingay ang pangalan niya, sana sinasabayan niya ito ng husay sa ginagawa niya.

Iba ang mga paingay at pasabog, nakakaaliw iyan. But as you draw people to your attention, mas malaki ang expectation nila sa iyo!

I guess yung gusto ng mga tao na may impluwensiya kay Herlene ay may mga big moves, ok iyan… basta ba ma-sustain ang interest at ma-meet o kung hindi man, malagpasan pa ang mga expectations, pagkatapos ang initial na pagpansin sa kanya!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wilbert Tolentino (not in photo) on Herlene Budol's afro hair in a photo shoot: "I don’t see anything wrong with her hair. Was she even mocking dark skin? Was the picture even discriminating certain race? Saan ang paglabag sa cultural appropriation doon?"
PHOTO/S: @herlene_budol on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results