Watch Now

Aga Muhlach, bakit napapayag gawin ang movie-seryeng Suntok Sa Buwan?

by PEP Troika
Jul 11, 2022
aga & elijah suntok sa buwan
Aga Muhlach on movie-serye Suntok Sa Buwan with Elijah Canlas: "Hindi ito ang typical drama ng tatay at anak. May action, may drama, may sindikato, may takbuhan. Tapos, may conflict kayo ng anak mo bilang ex-boxer ako. Tapos, ito ang anak ko, trying to follow my footsteps. Alam mo, mahirap."
PHOTO/S: Elijah Canlas Facebook

NOEL FERRER

Ibang klaseng Aga Muhlach ang nagpaunlak ng rare at eksklusibong panayam na parang MasterClass sa atin sa Level Up ng Radyo Katipunan.

Kasama niya ang producers sa kanyang movie-serye na Suntok Sa Buwan ng TV5 at Cignal.

Read: Aga Muhlach urges respect for right of individuals to their political choices

Nakakatuwa lang that Aga has remained, not only the icon that he is, but he is really involved and committed sa art niya at still very much relevant.

Bungad ni Aga sa pagkukuwento, “May offer, teleserye. Why not, I’ll listen. Zoom naman na ngayon.

“So, nakinig lang naman ako. Nag-present sila. Nakahanda na akong magsabi ng ‘Salamat, I’ll call you.’

“Long story short, nag-present sila, pero dahan-dahan ang puso ko, nahuhulog. May problema na ako, kasi nagugustuhan ko na siya.

"Sabi ko, ‘Patay ako!’

“Hindi ko makakalimutan ito, kasi nasa boat kami. Right after the Zoom meeting, bumaba ako sa asawa ko, sabi ko, ‘I think I have to do this series, seriously!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos in a week’s time, natapos namin yung deal and all. Ganun kabilis!”

Ano ang “tama” ng project kay Aga?

“To be honest, una, yung setting nila sa Baguio. Sabi ko, malamig, it has been a lifelong dream. Sabi ko, kung mag-shoot man ako ng series, it has got to be in Baguio."

Matatandaang sa Baguio ikinasal si Aga sa asawang si Charlene Gonzalez noong May 28, 2001.

“Tapos, sabi ko, ayoko ng mayaman na character para hindi ako kailangang magbihis katulad ng mga movies na nagawa ko na kuntodo-porma.

“Dito, halos wala akong makeup, hindi ko na kailangang mag-ayos ng buhok, mahirap ka lang, simpleng tao.

"So I can focus on my lines, the character, my acting, and even the work that it entails, the hard work… At nagsama-sama lahat yun!

“Tapos, since sina Tonet Jadaone, Dan Villegas — ang bibigat ng mga pangalan nito — and not just the body of work at kilala ko sila, what they presented was really nice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Itong Suntok Sa Buwan, maganda talaga. As a matter of fact, siguro nga baka nai-stress na sa akin sina Tonet at Dan, kasi ang dami ko nang binabago at parang ginagawa na naming pelikula ito.”

Nakakamangha talaga ang pagka-passionate ni Aga sa project na ito, na mapapanood umpisa Hulyo 18, Lunes ng 7:15 p.m., sa TV5.

GORGY RULA

Doon pa lang sa pelikulang Seven Sundays, natutuwa na ako roon kay Aga.

Hindi siya nagpaka-glamour dun. Wala siyang keber kung mukhang mataba siya roon at kuyang-kuya na nina Dingdong Dantes, Enrique Gil, at Cristine Reyes.

Committed na talaga siya sa pagiging actor at sa lahat na ginagawa niya. Kaya naman ang laki ng pasasalamat ni Direk Antonette Jadaone na sobrang dedicated si Aga sa ginawa niya rito sa Suntok sa Buwan.

“Si Sir Aga talaga ang nagsabi sa amin na dapat movie-serye, pelikula-serye ang itawag namin sa Suntok Sa Buwan, kasi yung pagkakagawa nito, refreshing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi, buong team, mga bagets, at ang orientation ng lahat ay parang pelikula ang ginagawa namin. It is really collaborative at dapat excellent talaga at hindi PNY, Puwede Na Yan, ang attitude namin dito sa Suntok Sa Buwan,” sabi ni Direk Tonet.

Siyanga pala! Sinuportahan kaya ni Aga ‘ung isang project ng ABS-CBN na Cattleya Killer?

Adapted ito sa pelikula niyang Sa Aking Mga Kamay (1996) kaya hinihingan daw siya ng endorsement para sa seryeng ito na pinagbibidahan ni Arjo Atayde.

Ang latest na nabalitaan ko, hindi pa nag-commit si Aga na magbibigay siya ng endorsement sa Cattleya Killer. Ewan ko lang ngayon.

JERRY OLEA

Trailer pa lang ng movie-serye nina Aga Muhlach at Elijah Canlas, sumusuntok na sa puso.

Kuwento ni Aga, “Pagkabasa ko talaga ng Suntok Sa Buwan, wala nang salitang NO. Ang problema ko, kailangan kong gawin nang maayos.

“Kasi kapag di mo gawin ang ganito kagandang project, parang tanga ka na talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ito, hindi lang tatay ako. Pumasok ang sports and boxing, iba na. Marami sigurong hindi nakakaalam na I got into that sport years ago.

"Sabi ko, hindi ito ang typical drama ng tatay at anak. May action, may drama, may sindikato, may takbuhan.

“Tapos, may conflict kayo ng anak mo bilang ex-boxer ako. Tapos, ito ang anak ko, trying to follow my footsteps. Alam mo, mahirap.

“Kaya nga itong second cycle namin, may mga gagawin at aayusin tayo.”

Ayon kay Direk Antoinette Jadaone, super ang commitment at passion ni Aga sa Suntok Sa Buwan.

“Si Sir Aga, magte-text 'yan, sinasabi talaga niya ang comment niya sa script na nabasa niya,” lahad ni Direk Antoinette.

“At si Sir Aga, hindi siya palapunta sa tent, nandun siya kasama ng mga tao, nanood lang siya, at kung may naisip siyang idea na ikagaganda ng eksena, sasabihin lang niya.

“It’s so refreshing yun for us. Kasi, ang tingin namin sa kanya — idol, icon, Aga Muhlach 'yan, ‘no? Pero sobrang humble niya at hindi dahil nape-pressure kami sa produksiyon, iba ang tingin niya sa proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Walang puwedeng maging mediocre dito. Dapat lahat tayo, le-level kay Sir Aga. Kasi, hindi puwedeng siya nandun, tayo nandito. Dapat nagtatagpu-tagpo tayo.

“At si Sir Aga is one of those actors you wish na sana maka-work ng ibang directors para ma-experience nila kung gaano siya kabait at ka-generous.

“Si Sir Aga, kapag nasa set siya, para siyang hindi si Aga Muhlach, parang ordinaryong taong nakakausap mo talaga.

"Of course, siya yung napapanood mo sa pelikula at TV noon, pero iba pa rin ang presence ng isang Aga Muhlach.

“Sa eksenang kahit wala siyang sasabihin, iba talaga ang presence niya.”

Pahayag naman ni Direk Dan Villegas, “If there’s one word to describe his character in Suntok Sa Buwan, his character is so human, very man-on-the-street. Makaka-relate ang mga tao sa character niya kasi ito ang pinagdadaanan ng lahat ng tao.”

Nag-talent coordinator pa si Aga sa Suntok Sa Buwan. At siya rin ang namili ng theme song nila sung by December Avenue, "Sa Dulo Ng Walang Hanggan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Aga, “Thank you, December Avenue sa kanta, ha, sana ipagamit niyo na yung ibang tugtog niyo sa amin.

“Minsan lang ako humiling, kayo naman. Meron kaming gustong fast version ng ‘Sa Dulo Ng Walang Hanggan,’ sana ipagamit niyo na sa amin.

"Hindi kayo mapapahiya, maganda talaga itong ginagawa namin.”

Lubos ang pasasalamat ni Aga kina Direk Dan at Direk Antoinette.

Lahad ni Aga, “Minsan makulit ako, pero I am really grateful that you’ve entrusted me this project at pinapakinggan niyo ako. I thank you for your patience also.

“Basta Actors In, halika na! Thank you talaga sa offer na ito, pati na sa lahat ng involved dito. I’m glad, thankful and blessed that I’ve got this.

"Now that it’s here, non-stop na ito, this goes all the way to Cignal, TV5, please we need your support!!!”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aga Muhlach on movie-serye Suntok Sa Buwan with Elijah Canlas: "Hindi ito ang typical drama ng tatay at anak. May action, may drama, may sindikato, may takbuhan. Tapos, may conflict kayo ng anak mo bilang ex-boxer ako. Tapos, ito ang anak ko, trying to follow my footsteps. Alam mo, mahirap."
PHOTO/S: Elijah Canlas Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results