Watch Now

Lunch Out Loud at It's Showtime: dating magkatapat, magkasangga na ngayon

by PEP Troika
Jul 11, 2022
lunch out loud it's showtime
Simula sa Juy 16 ay back-to-back nang mapapanood ang dating magkatapat na noontime shows na Lunch out loud at It's Showtime sa A2Z, Kapamilya Channel, at TV5.

JERRY OLEA

Mapapanood na muli sa Kapamilya Channel sina Alex Gonzaga, Billy Crawford, at Bayani Agbayani umpisa Hulyo 16, Sabado ng tanghali!

Pangmalakasang back-to-back na kasi ang Lunch Out Loud (LOL) at It’s Showtime simula sa Sabado sa TV5, A2Z, at Kapamilya Channel.

Read: Pagsasanib-puwersa ng It's Showtime at Lunch Out Loud, magsisimula na sa July 16?

11:00 am-12:45 p.m. na ang timeslot ng LOL (kung saan hosts ang mga dating Kapamilya na sina Alex, Billy, at Bayani) starting this Saturday, samantalang 12:45-3:00 p.m. magpapasaya sa madlang pipol ang It’s Showtime.

“Kita-kits!” hiyaw ni Vice Ganda sa teaser na ipinost sa Facebook page ng TV5 ngayong Hulyo 11, Lunes.

Ayon pa sa TV5, iba ang saya sa pagsasanib-pwersa ng dalawang programang siguradong hit na hit sa tropa at sa madla.

Bahagi ng official statement na ini-release today: “Mae-enjoy ng tropang LOL sa ‘Lunch Out Loud’ ang iba’t ibang mga laro tulad ng kakaibang dating game para sa mga dating magkasintahan na ‘H.O.P.E,’ ang showbiz quiz na ‘Maritest,’ ang pagalingan ng hosts sa pagsagot sa ‘Beat The 2,’ limpak-limpak na papremyo sa ‘Pera Usog,’ at pagtupad ng mga hiling sa ‘Sagot Mo, Sagot Ko.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Patuloy namang maghahatid ng saya at magiging tulay ng pag-asa sa Madlang Pipol ang It’s Showtime. “

Sa loob ng 13 taon, sinubaybayan at ipinagmalaki ng mga manonood ang husay at talento ng mga Pilipino sa ‘Tawag ng Tanghalan.’ Nagbibigay din ito ng inspirasyon at kasiyahan sa pamamagitan ng mga kwento ng contestants sa iba’t ibang segments tulad ng ‘Sexy Babe,’ ‘ReINA ng Tahanan,’ ‘Miss Q and A,’ ‘MiniMe,’ atbp.

“Ang masayang samahan at kulitan ng It’s Showtime hosts ay patuloy ding mararamdaman sa kanilang tuloy-tuloy na paglilingkod sa lahat ng ating Kapamilya, Ka-A2Z, at Kapatid.

“Dahil sa kolaborasyon ng ABS-CBN Entertainment, Brightlight Productions, Zoe Broadcasting Network, at TV5, mas maraming Pilipino pa sa bansa ang maaabot ng mga dekalidad na programa na magpapangiti sa mga manonood tuwing tanghali.”

lol showtime press release

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tiyak na matutuwa ang madlang pipol na na-miss ang It’s Showtime sa free TV dahil hindi naaabot ng A2Z ang kanilang lugar, lalo na ang mga taga-Visayas at Mindanao.

Marahil ang ibang It’s Showtime viewers noon ay nanonood ng LOL dahil karamihan naman ay mga Kapamilya rin na napapanood nila noon sa ABS-CBN.

Ngayon, mas mahabang noontime entertainment na dahil apat na oras na iba’t ibang segments ang paghahandaan ng dalawang shows.

Magandang hudyat ito sa TV industry at sana, makatulong ito na lumakas muli ang noontime viewing na tumamlay mula noong pandemya at pag-shutdown ng ABS-CBN.

Maraming viewers ang naghanap ng ibang entertainment sa digital dahil bukod sa maraming replays noong kasagsagan ng pandemya, nawala rin ang kanilang nakasanayang noontime show mula noong hindi ni-renew ng gobyerno ang prangkisa ng ABS-CBN.

Makikita sa TV ratings na bumaba na ang TV viewership tuwing tanghali. Hindi na rin tulad noon ang taas ng TV ratings ng mga pinapalabas na shows ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya bongga ang naisip na bayanihan ng ABS-CBN, Brightlight, Zoe, at TV5 na pahabain ang noontime viewing ng audience.

Good news din ito sa advertising industry dahil kapag tumaas muli ang TV ratings, mas maraming Pinoy ang maaabot ng kanilang mga pino-promote na produkto at serbisyo.

Siyanga pala, more and more ang mga bagong palabas at paandar ng Kapatid Network.

Sa Sabado ng 6:00 p.m. ay mag-uumpisa na sa TV5 ang Sing Galing Kids.

Sa Hulyo 18, Lunes, ay mag-uumpisa naman sa TV5 ang movie-serye na Suntok Sa Buwan kung saan tampok sina Aga Muhlach at Elijah Canlas bilang mag-amang boksingero.

Read: Aga Muhlach, bakit napapayag gawin ang movie-seryeng Suntok Sa Buwan?

Ikinakasa na rin ng TV5 ang sitcom ni Maja Salvador na OMK (Oh, My Korona).

GORGY RULA

Tuwing Sabado ay espesyal ang pinaghahandaan ng mga daily noontime shows.

Tinitiyak ng Eat Bulaga! na maganda ang line-up ng guests sa "Bawal Judgmental" segment sa July 16.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May ideya na kami kung sinu-sino ang mga artistang iniimbita nila, pero hindi pa rin sure diyan. Basta, maganda ang topic kung matutuloy ito.

Ang Lunch Out Loud naman, may ilang kilalang celebrities ang iniimbita nilang maglaro sa "Maritest."

Isa ito sa kinaaliwan naming segment ng LOL kaya dapat maingay na marites ang imbitahin nila para maglaro sa naturang segment.

Abangan natin ang pasabog nila sa back-to-back pasiklab na ito.

Pero may ilang marites na nagtatanong kung seamless ba ang pagpasok ng It’s Showtime pagkatapos ng LOL. Naka-tape ang LOL, kaya ewan ko kung magkakatsikahan sila.

Babatiin kaya ng mga taga-Showtime si Direk Bobet Vidanes sa LOL?

Read: Bobet Vidanes, ano ang reaksyon sa "pagsasanib-puwersa" ng It's Showtime at Tropang LOL?

Itong back-to-back ng dalawang noontime shows ang isa sa senyales ng pagsisimula ng merger ng TV 5 at Kapamilya Channel. Abangan natin kung kaya nitong mayanig ang mga regular shows ng GMA 7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Tapos, papasok sa GMA-7 ang TiktoClock with our talent Kuya Kim Atienza (na dating taga-Showtime), Pokwang, and Rabiya Mateo.

Balitang mapapanood ito Lunes hanggang Biyernes ng 11:15 a.m. sa GMA-7, kaya kasabayan ng LOL. Magkakatapatan ang magkakaibigan at dating magkakasama sa trabaho.

Ganyan lang naman sa ating mundo — magkaibigang magkakatapat pero trabaho lang, walang personalan. Maliit lang ang ating industriya, kaya there should be room for everybody.

Di ba, dati nga, may lunchtime show pa sina Anjo Yllana sa Net25 at meron pang plano ang Peoples TV Channel 4 na gumawa rin ng noontime show?

Still and all, lagi-lagi, ang audience, tayong lahat ay panalo!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Simula sa Juy 16 ay back-to-back nang mapapanood ang dating magkatapat na noontime shows na Lunch out loud at It's Showtime sa A2Z, Kapamilya Channel, at TV5.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results