Watch Now

Ruby Ruiz, 18-anyos nang unang makatrabaho si National Artist Nora Aunor

by PEP Troika
Jul 11, 2022
Ruby Ruiz
"Naalala ko, kasama siya sa pinag-aaralan namin because Nora Aunor is one of those who really affected our culture. Noong time na yun, kailangan, matangos ang ilong, tisay, ganun-ganun. You know, the Western culture that was concept of beauty. Pero si Ate Guy, binasag niya yung ganung concept," pagmamalaki ni Ruby Ruiz sa National Artist na si Nora Aunor.
PHOTO/S: Jerry Olea / Bona poster

JERRY OLEA

Si Ruby Ruiz ay 18-anyos sa unang pelikula niyang Bona (1980), na idinirek ng National Artist na si Lino Brocka.

Gumanap siya rito bilang kapatid ng bidang si Nora Aunor.

Read: Ruby Ruiz awestruck with Nicole Kidman's acting prowess: "It's just like breathing."

Masaya ba siyang hinirang si Nora noong Hunyo 10, 2022 bilang National Artist for Film and Broadcast Arts?

"Ay! Proud na proud ako! Kasi, she deserves it!" bulalas ni Ruby sa mediacon ng Cinemalaya 18: Breaking Through The Noise noong Hulyo 6, 2022, Miyerkules, sa Cultural Center of the Philippines.

"Nakatrabaho ko rin naman siya sa Thy Womb (MMFF 2012). At ang inaral ko sa kolehiyo ay Philippine Studies.

"Naalala ko, kasama siya sa pinag-aaralan namin because Nora Aunor is one of those who really affected our culture.

"Kasi, first time siya… yung hindi mestisa, isang ordinaryo. Noong time na yun, kailangan matangos ang ilong, tisay, ganun-ganun. You know, the Western culture that was concept of beauty.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero si Ate Guy, binasag niya yung ganung concept. She’s really phenomenal! I think I strongly believe that she deserves it, yun."

Nakatrabaho rin ni Ruby si Vilma Santos sa Cinemalaya 2013 film na Ekstra, kung saan itinanghal siyang best supporting actress. Nag-best actress si Ruby sa Cinemalaya 2019 film na Iska.

Sa Cinemalaya 2022 ay kalahok siya sa Ginhawa at Angkas.

"Cameo lang ako sa Angkas. Sa Ginhawa, I’m the mother of a boxer, si Andrew Ramsay," saad ni Ruby.

"Ang galing-galing niya! Medyo napipilipit lang ang dila dahil hindi sanay sa Tagalog."

ginhawa poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naka-work ni Ruby sa TV5 ang kuya ni Andrew na si Derek Ramsay.

Walang kagatul-gatol na sinabi ni Ruby na mas magaling si Andrew.

"You can quote me! Ha! Ha! Ha! Ha! Oo, magaling ito," sambit ni Ruby habang katabi si Andrew.

Anong expectation niya sa kanyang pagbabalik-Cinemalaya matapos siyang mag-best actress para sa Iska?

"I hope I gave my all-out support to this film, especially to him [Andrew], a new actor.

"I don’t call him new because he has done a lot of other films. Kaya lang, hindi dito napapalabas sa atin. So, he’s not really new, OK.

"So, sana nakatulong ako dun sa pagpapaganda ng pelikula, yung ganun. Tapos, sobrang excited ako na bumalik sa Cinemalaya, like all of us."

Gaganapin ang Cinemalaya 2022 filmfest sa Agosto 5-14, 2022. May 11 full-length films na kalahok dito.

NOEL FERRER

Nakaka-proud talaga si Ruby Ruiz at hindi siya tumitigil sa pagpapahusay ng sarili niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos makatrabaho si Nicole Kidman sa Amazon Prime series na Expats, inaasam ni Ruby na maka-work naman si Tom Cruise (malay niyo ba?).

Ang mahalaga, hindi matatawaran ang kanyang husay sa pag-arte.

At naka-focus siya sa dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito—para sa kanyang anak na si Luis, na ang sabi niya’y saksi at kasama niya sa lahat ng pinagdaanan niya sa kanyang buhay.

With that, how can you go wrong? Ruby Ruiz will always have our support and love!!! We are truly proud of her!!!

GORGY RULA

Gumawa rin ng ingay si Dolly de Leon na tampok sa satirical dark comedy film na Triangle of Sadness.

Wagi ang nasabing pelikula ng Palme d’Or sa Cannes filmfest noong Mayo, at pinagkalooban iyon ng walong minutong standing ovation.

READ: Triangle of Sadness, starring Filipino actress Dolly de Leon, wins Palme d'Or at Cannes 2022

Magkakilala ba sina Ruby at Dolly?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi pa kami nagkatrabaho. I’ve heard of her before pero never pa kaming nagkasama sa project," pahayag ng 61-anyos na si Ruby.

"Sobrang proud ako sa kanya dahil hindi biru-biro yung [na-achieve] niya, Cannes and Palme d’Or, yung ganun.

"I mean, nanggaling… nakianu-ano na rin naman ako noon kay Jaclyn [Jose]. It was really a big honor to our country."

Magsasama kaya sila ni Dolly sa isang pelikula?

"Yun, dream ko yun, honest. Yeah. Gusto ko nga, pag Jaclyn Jose at siya [Dolly], tapos ako yung katulong ulit."

Nanny ni Nicole Kidman ang papel ni Ruby sa six-episode Amazon Prime series na Expats.

Katulong din ang papel ni Dolly sa pelikulang Triangle of Sadness. Nata-typecast ang Filipino actresses sa ganoong papel sa international productions.

Dream ba niya, ibang role naman sa susunod ang itoka sa kanya at iba pang aktres na Pinay?

"In fact, meron akong isang interbyu dun, hindi daw ba ako naiinsulto?" lahad ni Ruby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ko, ‘Why should I be insulted? Kasi, yun ang reality. I just have to accept it that the majority of the Filipinos abroad are in this field of profession,’ yung ganun.

"I find dignity in that kind of work, ganun. Malaki ang kontribusyon namin sa ekonomiya ng Pilipinas.

"Nothing to be ashamed of, yung ganun. Kasi, nag-immerse ako sa Hong Kong, nakisalamuha ako sa mga OFW sa Central District.

"I thought I already know my role in Expats very well. Nung makita ko yung mga totoong domestic helper noong unang Sunday ko doon na lumabas ako, naiyak ako.

"Kasi, nakasalampak sila… Grabe ang mga istorya nila. Andaming puwedeng gawing pelikula dun.

"There are so many stories tungkol sa mga [karanasan] ng mga domestic helper. So, para sa akin, para silang mga bayani, na hindi lang maliit ang tingin sa kanila.

"After the series Expats, mae-elevate yung tingin sa kanila. Kasi, maganda rin yung istorya nito dahil naipakita rin kung papaano…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Merong isang episode na talagang inano sa amin. There’s another Filipina who also plays nanny in Expats. She’s a singer in Hong Kong."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Naalala ko, kasama siya sa pinag-aaralan namin because Nora Aunor is one of those who really affected our culture. Noong time na yun, kailangan, matangos ang ilong, tisay, ganun-ganun. You know, the Western culture that was concept of beauty. Pero si Ate Guy, binasag niya yung ganung concept," pagmamalaki ni Ruby Ruiz sa National Artist na si Nora Aunor.
PHOTO/S: Jerry Olea / Bona poster
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results