Watch Now

Vic Sotto at Pauleen Luna, para kay Tali ang talent fee sa Net 25 show

by PEP Troika
Jul 11, 2022
Vic Sotto, Pauleen Luna, and Tali to headline new Net 25 show
Pauleen Luna, kinumpirma na sumabak na sila nina Vic Sotto at Tali sa taping ng pilot episode ng upcoming show nila sa Net 25.
PHOTO/S: @pauleenlunasotto Instagram

GORGY RULA

Nakapag-tape pala ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna ng pilot episode ng bagong comedy show nila sa Net 25 na Love, Bosleng & Tali.

READ: Net 25 sitcom nina Vic Sotto, Pauleen Luna at Tali, kasado na

Hindi pa raw puwedeng magbigay ng detalye kung ano ang nangyari sa taping, pero nag-enjoy sina Bossing Vic at Pauleen para kay Tali.

"Parang feeling niya naglalaro lang," text ni Pauleen sa PEP Troika.

Nilinaw sa amin ng ilang taong involved sa project na ito na hindi ito sitcom, kundi kakaibang format na never pa nila nagawa. Kakaiba raw ito dahil may partisipasyon ni Tali na abangan daw kung ano ang mga ginawa niya rito.

Parang mala-Maalaala Mo Kaya o Magpakailanman pero comedy ang atake, pati ang partisipasyon nina Bossing Vic, Pauleen, at Tali.

Magpa-five years old pa lang si Tali sa November, pero ang dali na raw nitong matuto at mabilis mag-memorize ng linya niya at kaagad napi-pick up ang instructions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero parang laro pa rin ang dating ng show kaya tinanggap na nga siguro ng mag-asawa ang naturang project para sa kanilang anak.

Tinanong ko na rin si Pauleen kung magkano kaya ang talent fee dito ni Tali.

Natawa si Pauleen, dahil pati raw ang talent fee nila ni Bossing Vic ay parang mapupunta na rin kay Tali. Nakikita raw kasi nilang parang bagong laro lang ito sa bagets, kaya na-enjoy na rin nila.

Ito palang show nilang Love, Bosleng & Tali ay production ng Brightlight Productions, sa tulong ng MZet Productions ni Bossing Vic, na parang line producer na rin nito.

Abangan na lang daw ang announcement kung kailan na ito magsisimulang iere. Pero pina-plug na ito ng Net 25.

JERRY OLEA

So, comedy anthology ito? Parang iyong defunct TV show ni Eugene Domingo na Dear Uge?

At any rate, abang-abang tayo sa family dynamics nina Bossing Vic, Pauleen at Tali sa paandar na ito ng Net 25.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Nakaka-excite talaga ang comedy anthology nina Bossing, Poleng, at Tali. Ibang-iba naman siguro ang klase ng comedy nito sa Daddy’s Gurl.

Ito na talaga ang healthy competition. Aabangan natin iyan at umaasa tayong maganda ang kalalabasan ng proyektong ito.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pauleen Luna, kinumpirma na sumabak na sila nina Vic Sotto at Tali sa taping ng pilot episode ng upcoming show nila sa Net 25.
PHOTO/S: @pauleenlunasotto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results