Mga direktor ng Cinemalaya 2022 entries, tinapos ang mga pelikula sa gitna ng pandemya

by PEP Troika
Jul 12, 2022
cinemalaya 2022 directors
Direk Jose Javier Reyes (fifth from left) with the finalists in the full-length film category of Cinemalaya 2022: (from left) Carlo Obispo, Milo and Cynthia Paz, TM Malones, Ramon Perez Jr., Christian Paolo Lat, Ma-an L. Asuncion-Dagñalan, Sheenly Gener, Anna Isabelle Matutina, Real Florido, and Ronald Batallones.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Kumulog at kumidlat sa takilya ang bagong bukas na Thor: Love and Thunder.

As expected, nanguna sa North America last weekend (Hulyo 8-10) ang pwetmalung pelikula ni Chris Hemsworth, kung saan namukadkad ang marvelous and thunderous love story nina Thor at Mighty Thor.

$144.2M ang opening weekend gross ng Thor: Love and Thunder sa U.S. at Canada. Umabot agad sa $303M ang worldwide gross nito, at pumuwesto na ito bilang pansampu sa pinakasakalam na movie this year.

Ang Top 5 sa worldwide gross this 2022, so far, ay Top Gun: Maverick ($1.2B), Doctor Strange in the Multiverse of Madness ($953M), Jurassic World Dominion ($876M), The Batman ($771M) at Water Gate Bridge ($627M).

Ang pang-anim hanggang pansiyam ay Minions: The Rise of Gru ($405.8M), Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore ($405.2M), Sonic the Hedgehog 2 ($401.9M), at Uncharted ($401.7M).

Siyempre, mababago pa ang ranking na iyan next week. Inaasahan nating papasok eventually sa Top 5 ang Thor: Love and Thunder.

Coming soon sa local cinemas ang horror thriller na The Black Phone (Hulyo 20), Superpets (Hulyo 27), Bullet Train (Agosto 3), at Beast (Agosto 10). Wala na yatang Pinoy film na mag-o-open this month.

Sa Agosto 5-14 ang Cinemalaya 18: Breaking Through The Noise, kung saan tampok ang labing-isang feature-length films.

Tampok sa prestihiyosong indie filmfest na ito ang:

Blue Room — directed by Ma-an L. Asuncion-Dagñalan; starring JK Labajo, Elijah Canlas, Harvey Bautista, Nourijune, Keoni Jin, Ricardo Cepeda, Soliman Cruz

blue room poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakit Di Mo Sabihin — directed by Real S. Florido; starring Janine Gutierrez, JC de Vera, Divine Aucina, Shing Gener, RJ Agustin

bakit di mo sabihin poster

Angkas — directed by Rainerio Yamson II; starring Joem Bascon, Benjamin Alves, Meryll Soriano, Jolo Estrada

angkas poster

12 Weeks — directed by Anna Isabelle Matutina; starring Max Eigenmann, Bing Pimentel, Vance Larena, Claudia Enriquez

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

12 weeks poster

Kargo — directed by TM Malones; starring Max Eigenmann, Jess Mendoza, Myles Robles, Ronnie Lazaro

kargo poster

Retirada — directed by Milo Alto Paz and Cynthia Cruz Paz; starring Peewee O’Hara, Jerry O’Hara, Donna Cariaga, Dexter Doria, Nanding Josef

retirada poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The Baseball Player — directed by Carlo Obispo; starring Tommy Alejandrino, JM San Jose, Sue Prado, Tess Antonio, Joel Saracho

the baseball player poster

Kaluskos — directed by Roman Perez Jr.; starring Coleen Garcia, Cara Gonzales, Elora Españo, Karl Medina, Queenzy Calma

kaluskos poster

Ginhawa — directed by Christian Paolo Lat; starring Andrew Ramsay, Ruby Ruiz, Dido de la Paz, Rolando Inocencio, Kiko Matos, Chanel Latorre

ginhawa poster

Bula sa Langit — directed by Sheenly Gener; starring Gio Gahol, Kate Alejandrino, AIR

bula sa langit poster

Batsoy — directed by Ronald Espinosa Batallones; starring Ethan Sean Sotto, Markko Cambas, Karen Laurrie Mendoza, Nathan J. Sotto, Jonalie Asdolo

batsoy poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa Facebook page ng Cinemalaya ang teasers at synopses ng indie films na ito.

In-introduce ng multi-awarded writer-director na si Jose Javier Reyes ang mga direktor ng mga pelikulang ito sa Cinemalaya 2022 presscon noong Hulyo 6, Miyerkules, sa CCP Main Lobby.

Dapat sana’y dalawampu (20) ang mga ito, hanggang sa naging labintatlo (13), pero nalagasan pa ng dalawa.

Ani Direk Joey, “Ang mga pinagdaanan ng mga filmmakers na ito ay hindi katawa-tawa at talagang kataka-taka. They made their films during the height of the pandemic.

“They are survivors because… oh, no, no, no no! That’s not correct. They’re more than survivors.

“These are the passionate filmmakers who had to work so hard to get their voices and their visions brought right back to the main theater of the CCP.

“And regardless of who among them should win, they should be honored for being the true passionate Filipino filmmakers.”

GORGY RULA

Kung hindi ako nagkamali, Agosto 3 na ang playdate ng Maid In Malacañang. Tingnan natin kung makakatulong ang ingay ng ilan sa main cast ng pelikulang ito.

Hanggang ngayon ay mainit pa rin ang karamihang netizens kay Ella Cruz.

Read: Ella Cruz, nakiusap sa bashers na huwag idamay ang kanyang pamilya sa isyung kinasasangkutan

Swak na swak naman ang isyu ni Ruffa Gutierrez sa dalawa niyang kasambahay.

Read: Ruffa Gutierrez denies accusation she fired two househelps without paying their salaries

Si Tita Annabelle Rama na ang humaharap ngayon at nakipagbardagulan kay Representative Rowena Guanzon. Tingnan natin kung gaano kainit itong patutsadahan nila sa social media.

Read: Annabelle Rama sinagot si Rowena Guanzon? "Huwag ka maging chismosang marites!"

Huwag na tayong magulat kung biglang dumating si Cong. Guanzon sa premiere night ng Maid in Malacañang.

NOEL FERRER

Even if Thor: Love and Thunder makes it big sa box office, hindi pa rin nito mao-offset ang ilang buwan o taon ng pagkakatigil ng palabas sa pelikula.

Sayang nga lang na yung Ngayon Kaya ay nasa micro cinema na lang. Hindi rin nito na-sustain ang movie audience para mapanatili sa mga mainstream na sinehan.

About Maid In Malacañang, it’ll be a stroke of luck kung susuportahan ito ng 31M strong BBM Supporters. Oh welll, who knows?

But I’m sure, the C-D-E BBM Supporters will focus on having food to eat and transpo subsidy than watch this movie.

Ano na ang halaga nito sa ordinaryong tao ngayon? Sana, meron pang mas mabigat na rason laban sa survival ng ating mga naghihikahos na mga kababayan.

Oh well…

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Jose Javier Reyes (fifth from left) with the finalists in the full-length film category of Cinemalaya 2022: (from left) Carlo Obispo, Milo and Cynthia Paz, TM Malones, Ramon Perez Jr., Christian Paolo Lat, Ma-an L. Asuncion-Dagñalan, Sheenly Gener, Anna Isabelle Matutina, Real Florido, and Ronald Batallones.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results