Watch Now

Rayver Cruz, Barbie Forteza joint birthday celebration sa All-Out Sundays, sobrang saya

by PEP Troika
Jul 17, 2022
Rayver Cruz birthday celebration in All-Out Sundays
Masayang ipinagdiwang nina Rayver Cruz (in red jacket) at Barbie Forteza (seated, extreme right, in red dress) ang kanilang double birthday celebration sa All-Out Sundays ngayong Linggo, July 17, 2022. Bukod sa kanyang rumored girlfriend na si Julie Anne San Jose (behind Rayver), bumati kay Rayver ang mga kamag-anak niyang sina (L-R) Sunshine Cruz, Dianne Medina, Rodjun Cruz at Geneva Cruz. (Screen grab from All-Out Sundays, GMA-7)

GORGY RULA

Magkasabay na ipinagdiwang nina Rayver Cruz at Barbie Forteza ang kanilang kaarawan sa All-Out Sundays ngayong Linggo ng tanghali, Hulyo 17.

May production number si Rayver kasama ang mga pinsan niyang sina Sunshine Cruz at Geneva Cruz, at ang kapatid niyang si Rodjun kasama ang asawa nitong si Dianne Medina.

Si Barbie naman ay may dance number din kasama ang mga naka-partner niya sa ilang drama series na nagawa niya sa GMA-7 na sina Ken Chan, Kristoffer Martin, Nikki Co at Rob Gomez.

Wala ang boyfriend ni Barbie na si Jak Roberto.

Maaring nasa Bolera lock in taping si Jak nung araw ng taping, kaya may VTR message lang ito para sa nobya.

Ibinuking ni Jak na umiinit ang ulo ni Barbie kapag nadi-delay ang delivery ng in-order nitong pagkain.

Pagdating naman kay Rayver, sinorpresa ito ng VTR message ng kapatid niyang si Omar Cruz na naka-base sa Cebu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa sa birthday wish niya para sa kapatid ay kasama si Julie Anne, na mukhang tanggap na tanggap ng pamilya.

“Sana maging kayo na ni Julie, dahil alam kong napakasaya mo sa piling niya,” bahagi ng mensahe ni Omar.

“Sana magdilang-anghel ka,” sagot naman ni Rayver, habang tinatapik-tapik siya ni Julie Anne sa likod.

Bukod sa birthday message sa Kapuso dancer/actor, hiningan din ang mga special guests nito kung ano ang maibibigay nilang warning sa future lovelife ni Rayver.

Obvious namang si Julie Anne ang tinutukoy kaya deretsong ipinarating na ito sa kanya ni Geneva.

Aniya, “Dahil sa Cruz si Rayver, we cannot wait na… maghanda ka na na magkaroon kami ng pamangkin. Excited na talaga kami. Deretso na yun na sana maging kayo na.”

Sabi naman ni Rodjun para kay Julie Anne, sana bigyan daw niya ng time si Rayver sa gaming nito.

“Kasi pag nagku-computer yan, may sariling mundo iyan. Pag tumatawag ako, hindi ako pinapansin nyan, busy siya maglaro,” bulalas ni Rodjun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Itatapon ko na yun!” mabilis na sagot ni Rayver.

“Extra patience kay Ray. Bakit? Pag ka-text mo si Rayver, ang tagal mag-reply minsan.

“So, kailangan pasensya para mag-reply. May ganun kasi si Ray, kapag into games na siya, minsan matagal siya mag-reply,” dagdag na mensahe naman ni Dianne.

Kinuwento naman ni Sunshine na sa kanya raw ipinaglihi si Rayver kaya magkamukha raw sila.

Payo ni Shine kay Julie Anne, “Ang aking maa-advice sa magiging forever ni Rayver, kailangan marunong magsaing. Kasi si Rayver, kaya niya hanggang 7 cups of rice. So, dapat marunong magsaing ng masarap na kanin.”

JERRY OLEA

Habang nagtatagal ay lalong tumitibay ang pagmamahalan nina Jak at Barbie.

Swak sila sa isa’t isa, at abang-abang tayo kung kailan ang next level (or label?) ng kanilang relasyon.

Si Janine Gutierrez ay mukhang lubos na ang kaligayahan sa piling ni Paulo Avelino. Nawa’y si Julie Anne na nga ang itinadhana para kay Rayver!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Nagpasalamat si Rayver sa taga-All Out Sundays na naghanda ng kanyang birthday celebration. Ito raw ang pinakamasaya niyang kaarawan.

“Juls, the best ka talaga,” simpleng mensahe niya kay Julie Anne.

Ayon sa source ng PEP Troika, hindi pa rin nila inaamin sa publiko pero mahigit isang buwan na raw ang kanilang relasyon!!!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Masayang ipinagdiwang nina Rayver Cruz (in red jacket) at Barbie Forteza (seated, extreme right, in red dress) ang kanilang double birthday celebration sa All-Out Sundays ngayong Linggo, July 17, 2022. Bukod sa kanyang rumored girlfriend na si Julie Anne San Jose (behind Rayver), bumati kay Rayver ang mga kamag-anak niyang sina (L-R) Sunshine Cruz, Dianne Medina, Rodjun Cruz at Geneva Cruz. (Screen grab from All-Out Sundays, GMA-7)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results