Watch Now

Eat Bulaga, hindi nasindak sa pagsasanib-puwersa ng Tropang LOL at It's Showtime

by PEP Troika
Jul 18, 2022
noontime shows
Eat Bulaga! (top) remains the No. 1 noontime show in the country, according to AGB Nielsen NUTAM ratings, despite the back-to-back airing of rival shows Tropang LOL (inset, right) and It's Showtime (inset, left).
PHOTO/S: YouTube / Facebook

GORGY RULA

Panalo pa rin ang Eat Bulaga! kumpara sa back-to-back payanig ng Tropang LOL (Lunch Out Loud) at It’s Showtime noong nakaraang Sabado, July 16, 2022.

Read: Pilot telecast ng It's Showtime sa TV5, nag-trending

Combined ratings ang sa Tropang LOL at It’s Showtime na napapanood ngayon sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, at Jeepney TV.

Samantala, ang sa Eat Bulaga! ay sa GMA-7 lamang ang airing.

Ayon sa AGB Nielsen NIUTAM, naka-5.3 percent ang Eat Bulaga!, 2.9% ang Tropang LOL, at 3.2% ang It’s Showtime.

Tuluy-tuloy nang mataas ang rating ng mga kasunod na Kapuso programs sa hapon.

Naka-6.2% ang Apoy sa Langit kahit meron pa ring It’s Showtime sa oras na yun.

Sumunod ang Tadhana na naka-5.7%, naka-6.3% ang Wish Ko Lang!, at naka-8.7% ang Imbestigador.

Pagdating sa primetime nung Sabado ay naka-11.5% ang 24 Oras, at 1.9% naman ang katapat nitong TV Patrol Weekend.

Bahagyang tumaas ang Pepito Manaloto na naka-10.7%, at 4.4% naman ang Idol Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Medyo bumaba ang Jose and Maria’s Bonggangvilla na naka-10.8%.

Nung nakaraang Linggo, July 17, ay okay pa rin ang All-Out Sundays na naka-4.2%, at 2.9% ang katapat nitong ASAP Natin ‘To.

Ang GMA Blockbusters ay 4%, at 4.2% ang FPJ Da King.

Mataas din ang Regal Studio Presents na naka-4.9%, at 7% naman ang Amazing Earth.

Pagdating sa primetime ay 12.6% ang 24 Oras, at 2.2% ang TV Patrol.

Medyo bumaba ang Daig Kayo ng Lola Ko na naka-10.5%, at 3.6% ang Idol Philippines.

Consistent pa ring mataas ang Happy ToGetHer na naka-13% versus He’s Into Her na 1%.

Ang Kapuso Mo Jessica Soho ay 16.4%, at replay ang episode ng The Boobay and Tekla Show na naka-4.4%.

JERRY OLEA

Tweet ni Vice Ganda nitong Hulyo 18, Lunes ng hapon, pagkatapos ng It’s Showtime, “I appreciate you and your love Madlang People!!! Maraming Salamat!!!”

What else is new? Patuloy ang pamamayagpag ng Kapuso programs, lalo na kung weekends, at sa afternoon offerings pag weekdays.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The status quo remains sa game of ratings, kaya hindi nasindak ang Eat Bulaga.

Hangga’t hindi pinapalakas ng TV5 at ibang TV stations ang kanilang signal, hindi matitinag sa puwesto ang Kapuso programs.

Kaya abang-abang tayo sa mga paandar ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) umpisa sa Setyembre. Game changer ba talaga ito?

Ghost Month na umpisa Hulyo 29 hanggang Agosto 26, at pamahiin na hindi kaaya-ayang mag-umpisa ng bagong venture within the time period.

Kaya hopia at asado tayong huwag sanang simulan ang Darna series ni Jane de Leon habang Ghost Month pa. Hindi ito kailangang madaliin.

Iyon ngang Voltes V: Legacy na akala natin ay makakasalpukan ng bagong Darna ay sa 2023 pa eere.

Inaasam din nating umabot ang FPJ’s Ang Probinsyano sa ikapitong anibersaryo nito sa Setyembre 28.

Kakayanin ba iyon ni Coco Martin considering na may MMFF 2022 entry siyang Labyu With An Accent katambal si Jodi Sta. Maria? Keri ba iyon ng amor powers ni Cardo Dalisay?!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sagot dito… Papunta pa lang tayo sa exciting part!!!

Read: Coco-Jodi, Vice-Ivana, Ian-Heaven, Joey-Toni movies pasok sa MMFF 2022

NOEL FERRER

As always, nagwawagi ang hindi natitinag at hindi natataranta. The original, as they say, is always the best!

Patuloy lang namang kalma ang Eat Bulaga!, na kung tutuusi’y marami pa ring itinatagong alas para sa kanilang programa.

I’m sure LOL and Showtime will try harder!

Good luck din sa papasok nang TiktoClock!!!

Pero kailangang ayusin hindi lang ang quality ng production kundi ang infrastructure… ang reach nito! Dahil sa reach ng GMA-7, anumang gawin ng katapat sa free TV, magiging no match ito.

Kaya naman online is the current frontier and arena of struggle!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eat Bulaga! (top) remains the No. 1 noontime show in the country, according to AGB Nielsen NUTAM ratings, despite the back-to-back airing of rival shows Tropang LOL (inset, right) and It's Showtime (inset, left).
PHOTO/S: YouTube / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results