Watch Now

Balitang buntis si AJ Raval, confirmed nga ba? Shooting ng Us X Her, na-pack up dahil kay AJ?

by PEP Troika
Jul 20, 2022
AJ Raval
Ayon sa sources ng PEP Troika, si AJ Raval ang dahilan kung bakit biglaang na-pack up ang shooting ng pinagbibidahan nitong pelikula. May "medical emergency" ba si AJ? May kaugnayan ba ito sa ulat na buntis si AJ?
PHOTO/S: @ajravsss Instagram

GORGY RULA

Sa di malamang dahilan, ipina-pack up ang shooting ng pelikulang Us X Her ng Viva Films na pinagbibidahan nina AJ Raval, Angeli Khang, at Kiko Estrada.

Nangyari ito noong Martes, Hulyo 19, 2022.

Ayon sa ilang napagtanungan namin, si AJ daw ang nagpa-pack up.

Ayaw kaming sagutin ng ilang taga-produksiyon kung bakit pinauwi sila at hindi na itinuloy ang shooting.

Dapat ay may schedule sila uli ng shooting ngayong Miyerkules, Hulyo 20, pero pina-pack up din daw ito.

Sabi naman ng ilang napagtanungan ng PEP Troika, tatapusin ni AJ ang pelikula.

Naayos na raw ang schedule, at ire-resume nila ang shooting bago matapos ang buwang ito.

Dalawang araw na lang daw ay tapos na si AJ kaya meron na silang ibinigay na schedule.

May ilang sources na kinulit ang PEP Troika kung buntis nga ba si AJ, wala silang sagot sa amin. Hindi raw nila alam kung ano talaga ang tunay na kalagayan ng sexy star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nakapagtataka lang bakit ipina-pack up bigla ang dalawang araw na shooting, na hindi naman daw sinabi ang dahilan.

Lalo tuloy lumalakas ang ugong kung buntis nga ba si AJ. Kahit nga si Tita Cristy Fermin ay kinumpirma niyang nagdadalantao ang sexy star.

NOEL FERRER

Meron naman tayong kilala na nagdalantao pero itinutuloy ang shooting at nag-aabiso ahead of time.

Ano ang nangyari rito? Emergency? Hindi talaga kinaya?

Applicable kaya rito ang rule na kung sinuman ang may kinalaman sa pagkaka-pack up ng shooting or taping ng isang production ay iaaawas ang cost incurred dito sa naging dahilan ng pagkaka-pack up? Or force majeure na ito?

Kaya ang unang magsasalita rito, sasabihin, guilty?! Kaya, let’s just wait and see!

JERRY OLEA

May “medical emergency” ba si AJ Raval?

Natigil ang lock-in taping ng Kapuso series na Love. Die. Repeat noong Setyembre 2021 dahil may medical emergency ang bidang si Jennylyn Mercado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Love. Die. Repeat. taping na-pack up dahil sa medical emergency ni Jennylyn Mercado

Later on ay inamin ni Jennylyn na nagdadalantao siya. Kaya ang press release ay “next year” na lang ire-resume ang taping ng series kung saan leading man si Xian Lim.

Ginawa na lang ni Xian ang mini-series na False Positive with Glaiza de Castro, kung saan gumanap siya bilang lalaking buntis.

Maglilihi na’t lahat si Xian ng bagong project, at malapit na ang “ber” month pero wala pang linaw kung kailan magre-resume at iluluwal ang Love. Die. Repeat.

Naalala ko tuloy ang seryeng The Seed of Love ni Glaiza, na natigil ang taping dahil sa pandemya.

Ginagawa ngayon ni Glaiza ang Running Man Philippines sa South Korea. Kaya hindi pa masabi kung kailan ba niya babalikan if ever ang The Seed of Love, kung saan nagsilakihan na ang child stars na kasama sa cast.

Tungkol sa kalagayan ni AJ, tinanong ko kagabi ang isang taong malapit sa kanya tungkol sa isyu. Dati-rati ay agad itong nagre-reply sa pang-uurirat ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero this time, ang kanyang tugon ay pregnant silence. Hindi ako taga-Assumption kaya hindi ko basta-basta pinanghahawakan na, “Silence means yes.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa sources ng PEP Troika, si AJ Raval ang dahilan kung bakit biglaang na-pack up ang shooting ng pinagbibidahan nitong pelikula. May "medical emergency" ba si AJ? May kaugnayan ba ito sa ulat na buntis si AJ?
PHOTO/S: @ajravsss Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results