AJ Oteyza, puwedeng bansagang "Frontal Nudity Prince"?

by PEP Troika
Jul 21, 2022
AJ Oteyza, Tahan, Ang Babaeng Nawawala Sa Sarali, Ayanna Misola, Cloe Barreto
AJ Oteyza (left) game sa frontal nudity scenes sa pelikulang Tahan, Lockdown, at Moonlight Butterfly. Sina Ayanna Misola (center) at Cloe Barretto (right) ang ilan sa leading ladies na nakapareha niya para sa matitinding love scenes sa pelikula.
PHOTO/S: Jerry Olea (AJ Oteyza and Cloe Barreto) / Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili poster

JERRY OLEA

Sex sells!

Wagi sa takilya ang pelikulang Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili ni Dina Bonnevie, na nakipagsalpukan sa Abandonada ni Alma Moreno noong Oktubre 4, 1989.

Ang madramang Abandonada ay idinirek nina Peque Gallaga at Lore Reyes. If I remember it right, naghimutok noon si Dina na parang soft porn na ang pelikulang idinirek ni Eddie Rodriguez sa dami ng naka-sex scene niya roon.

Ang remake ng Ang Babaeng Nawawala sa Sarili ay idinirek ni Roman Perez Jr., at nag-streaming umpisa Hulyo 15, 2022, Biyernes, sa Vivamax.

As expected, nanguna ito sa Top 10 Movies of the Week ng streaming platform.

Mapupusok din at nakadadarang ang siyam pang nasa talaan—Kitty K7, Virgin Forest, Biyak, Phone Sex, Kinsenas Katapusan, Eva, Secrets, Kaliwaan, at Pusoy.

Panay-panay ang pa-boobey at pakikipagharutan sa Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili ng bidang si Ayanna Misola, pati na rin ang sumasanib sa kanyang si Ava Mendez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas mapangahas din ang ilan sa mga aktor ng bagong bersiyon. Pwetmalu si Adrian Alandy, at kunwari’y pinutulan si Mon Confiado, pero pa-tweetums pa rin si Diego Loyzaga na naka-boxer brief sa pakikipagharutan.

Diego Loyzaga, Ayanna Misola

Nakadamit si AJ Oteyza habang kalandian si Ayanna/Ava sa rooftop. Wala ring ipinasilip si Sahil Khan maging iyong gumanap na DOM at iyong street dweller na pawang kinubabawan ni Ayanna/Ava.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ronald Montero ba ang pangalan ng barako sa elevator na walang saplot sa lampungan?

BEACH BROS

Noong Hulyo 16, Sabado ng gabi, nabulabog ang mga sirena at diwata sa Episode 1 ng Beach Bros sa iWant TFC kung saan may eksena na naghuhumindig sa umaga ang private part ni Kyle Echarri.

"Mukhang daya! Parang kahoy na nakatungkod!" bulalas ng isang masipag na vlogger.

Kyle Echarri, Beach Bros

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HIGH (SCHOOL ON SEX)

Hulyo 17, Linggo, nag-streaming sa Vivamax ang Episode 7 ng seryeng High (School) on Sex, sa direksiyon ni GB Sampedro.

Wasak na wasak ang mga paandar ng episode, lalo na yung threesome scene kung saan naka-sandwich si Marco Gomez, at nilapastangan ni Migs Almendras ang kanyang wetpaks.

Migs Almendras, Marco Gomez, “High (School) On Sex”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TAHAN

Sa Hulyo 22, Biyernes, streaming naman sa Vivamax ang splatter film na Tahan sa direksiyon ni Bobby Bonifacio Jr.

Bigay na bigay sa pa-boobey at mga eksena ng pakikipagtalik ang bidang si Cloe Barreto, habang sakdal husay sa aktingan ang co-stars niyang sina Jaclyn Jose at JC Santos.

Sa mga nakasiping ni Cloe sa Tahan… nakipagsabayan ng pa-boobey si Mercedes Cabral, pwetmalu si Jet Delgado, intense sina Karl Medina at Francis Mata, at nag-frontal si AJ Oteyza.

Tahan, Cloe Barreto

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-special screening ang Tahan noong Hulyo 15, Biyernes, sa isang mall sa Quezon City, at kabilang sa nanood din ang multi-awarded director na si Joel Lamangan.

Pagkatapos ng screening ay nakasalubong ni Direk Joel si AJ. Sinabihan ng veteran director ang hunk aktor na nakita na naman niya ang private part nito.

Ngumiti at yumakap si AJ kay Direk Joel, na idinirek siya sa mga pelikulang Lockdown, Anak ng Macho Dancer, Island of Desire, at Moonlight Butterfly, among others.

Nag-frontal si AJ sa Lockdown at Moonlight Butterfly. Pero mas nauna siyang nag-frontal sa short film na Delusion.

Paano nahikayat si AJ na mag-frontal muli sa Tahan?

"Binasa ko po yung script, maganda po siya kaya nag-match po sa akin na ituloy ko yung paghuhubad ko rito," tugon ni AJ, na puwedeng taguriang "Frontal Nudity Prince."

Takaw-pansin ang pagsubsob ni AJ sa kandungan ni Cloe. Inamin ni AJ na nakaplaster si Cloe sa eksenang iyon ng ngasaban.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napangiting lahad ni AJ, "Maayos naman po yung pakikipag-love scene ko sa kanya.

"Actually, nag-usap ho kaming dalawa kung paano po yung magiging flow ng eksena namin. Nagkasundo naman po kami sa isa’t isa."

SCORPIO NIGHTS REMAKE

Sa Hulyo 29, streaming sa Vivamax ang remake ng Scorpio Nights, sa direksiyon ni Lawrence Fajardo.

Iyong orig na Scorpio Nights (1985) ay idinirek ni Peque Gallaga, at nag-frontal ang mga bidang sina Orestes Ojeda, Anna Marie Gutierrez, at Daniel Fernando.

Memorable ang cameo roon ni Amanda Amores.

Sa bagong “pelikuLAW” ay bida sina Mark Anthony Fernandez, Christine Bermas, at Gold Aceron.

To see is to believe kung napantayan man lang ba nila ang kapangahasan ng mga bida sa orig na bersyon.

Ang orig na bida sa Peque Gallaga’s Scorpio Nights ay si AJ Raval. Nang mag-back out sa project si AJ, malugod iyong sinalo ni Christine Bermas.

GORGY RULA

Kahit sa TV ay ibinebenta na rin ang pa-sexy. Obvious na ang magandang katawan ang pang-come on ng A Family Affair ni Ivana Alawi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kailangan nasisilip ang malulusog na dibdib habang nagluluto, at nagtatrabaho sa mansion ng pamilya Estrella. Hanep din ang pa-abs nina Sam Milby at Gerald Anderson, at sa unang episode pa lang ay may pasilip din ng butt si Jake Ejercito.

Pero maayos naman ang teleseryeng ito at nakakaarte pala si Ivana. Magaling din si Sam. Kaya okay naman subaybayan.

Kahit mga bagets ngayon ng Kapamilya channel ay nagpapaborta na rin para bentang-benta rin ang kaseksihan.

Yun din ba ang mapapanood sa Beach Bros?

Well, mga cute din ang mga bagong tuklas na bagets ng Sparkle. Ilan sa promising na sexy at hunky ay sina Vince Maristela, Raheel Bhyria, Michael Sager, Sean Lucas, Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales, at Tanya Ramos na tampok sa Wattpad na Luv is: Caught in His Arms na magsisimula na sa October.

Of course, sa streaming app na Director’s Cut By AQ ay abang-abang tayo sa pagpo-frontal nina Drei Arias, Conan King, Kurt Kendrick, Juan Calma, Seon Quintos, Lloyd Aaron Agustin, among others.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At any rate, nailang pa ba si AJ Oteyza sa eksena nila ni Cloe Barreto sa pelikulang Tahan kung saan nag-hello ang kanyang private part?

"Actually, noong una po, naiilang. Siyempre, ngayon ko lang po kasi nakatrabaho si Cloe," pag-amin ni AJ.

"Pero mas nangibabaw pa rin po yung professionalism ko para po mas maitawid namin yung character na hinihingi sa amin. Ayun po."

Magpo-frontal pa rin ba siya sa forthcoming project niya?

"Iyan po ang hindi natin masasabi kung magpo-frontal pa po tayo. Baka po kasi magsawa agad yung mga ano, e," natatawang sambit ni AJ.

"As long as magiging maganda naman po yung pelikula at talagang kailangang-kailangan pong gawin, e, gagawin po natin."

Kasama rin si AJ Oteyza sa Vivamax movie na Sitio Diablo kung saan tampok sina AJ Raval, Kiko Estrada, Benz Sangalang, at Azi Acosta, sa direksiyon ni Roman Perez Jr.

NOEL FERRER

OK lang sa mga bagong titles pero kakaibang pressure ang nakaatang sa mga filmmaker ng remakes ng classics.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iba ang Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili, na commercial talaga yun nang naipalabas noong 1989.

Pero ang Scorpio Nights na iprinodyus originally ng Regal Films, may ibang expectation kay Direk Law Fajardo sa remake dahil:

1.) hindi mura ang rights nito;

2) it’s taking after the legacy of the great Peque Gallaga.

Kaya hindi lang ito talaga isang sex movie kundi salamin ng lipunan din.

May sequel pa ito na gawa rin ng Viva. Pero after Direk Peque passed on, sana ay ma-honor natin siya nang maayos with the remake or re-imagination ng Scorpio Nights, na may version din sa South Korea, iyong Summertime (2001).

Papanoorin ko ito for sure!!!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Oteyza (left) game sa frontal nudity scenes sa pelikulang Tahan, Lockdown, at Moonlight Butterfly. Sina Ayanna Misola (center) at Cloe Barretto (right) ang ilan sa leading ladies na nakapareha niya para sa matitinding love scenes sa pelikula.
PHOTO/S: Jerry Olea (AJ Oteyza and Cloe Barreto) / Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili poster
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results