Watch Now

Cloe Barreto, ikinumpara ang sarili kay Chucky sa isang eksena sa splatter film na Tahan

by PEP Troika
Jul 21, 2022
cloe barreto
Cloe Barreto on her reaction after watching her movie Tahan: “Sobrang saya ko po, kasi ahhhm, hindi ko po ine-expect. Pero ang ganda po kasi talaga nung story. Naiiyak ako, kasi ang ganda! Kasi, parang… kasama pala ako sa movie na yun?! Sabi ko, ‘Parang hindi ako yun, ah?!’"
PHOTO/S: Cloe Barreto Facebook

JERRY OLEA

First time na mapanood ni Cloe Barreto ang sarili sa big screen sa preview ng pelikula niyang Tahan noong Hulyo 15, 2022, Biyernes, sa isang mall sa Quezon City.

Read: Cloe Barreto "laban kung laban" sa mapupusok na eksena sa Tahan

“Sobrang saya ko po, kasi ahhhm, hindi ko po ine-expect. Pero ang ganda po kasi talaga nung story. Naiiyak ako, kasi ang ganda!” bulalas ni Cloe.

“Kasi, parang… kasama pala ako sa movie na yun?! Sabi ko, ‘Parang hindi ako yun, ah?!’

“Pero ang ganda nung movie, sobra po. Kaya sobrang thankful ako, thank you po at nakasama ako sa movie.”

Natakot ba siya habang pinapanood ang psychological thriller na Tahan?

“Nagugulat lang po, na ang ganda kasi! Sabi ko nga po kay Direk [Bobby Bonifacio Jr.], gustung-gusto ko dun yung eksena na para akong si Chucky!

“Sabi ko, ‘Direk, ang ganda nun, para akong si Chucky!’ Idol ko po kasi si Chucky.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang manikang si Chucky ay unang napanood sa pelikulang Child’s Play (1988). Isa na si Chucky sa mga horror icon.

Kabilang pa sa Chucky movies ang Child’s Play 2 (1990), Child’s Play 3 (1991), Bride of Chucky (1998), Seed of Chucky (2004), Curse of Chucky (2013), Cult of Chucky (2017), at sa reboot na Child’s Play (2019).

Maliban sa Tahan, dalawa pang pelikula ang natapos ni Cloe kung saan co-star niya si Sean de Guzman, ang Fall Guy at The Influencer.

Nasa cast din ng Tahan sina Jaclyn Jose, JC Santos, Jet Delgado, AJ Oteyza, Mercedes Cabral, Karl Medina, Mac Cardona, at Quinn Carillo na scriptwriter ng pelikula.

Nag-enjoy si JC Santos na panoorin ang Tahan sa big screen.

“Sinisiku-siko ko po si Direk Bobby. At nag-enjoy ako sa cinematography, nag-enjoy ako sa acting,” salaysay ni JC, na endorser ng Beautehaus clinic.

“Sulit sa akin yung pelikula! I’m proud that I’m part of this. Ang tapang ng pelikula namin! Ahhh, sobrang tapang!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I’m grateful na kasama ako sa ganitong pelikula. At ngayong mapanood ko ang kabuuan ng ginawa ni Cloe sa pelikula, natakot na ako sa kanya!

“Ayaw ko nang makasama mamaya pero OK naman… puwede pa. I love it!”

cloe barreto jc santos

Streaming ang splatter film na Tahan umpisa Hulyo 22, Biyernes, sa Vivamax.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Napaarte nga ni Direk Bobby si Cloe sa splatter film na Tahan. Dahil na rin siguro sa suporta ni Jaclyn Jose na magaling talaga rito bilang nanay niya.

jaclyn jose cloe barreto

Jaclyn Jose and Cloe Barreto

Pero ang isa pa sa impressive dito ay ang pagkakasulat ng script ni Quinn Carillo. Nilinaw ni Quinn na hindi iyon base sa sarili niyang karanasan sa kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Quinn, ibinase niya ito sa tunay na pangyayari na meron siyang nakausap na 11 years old pa lang ay ipinasok na ng nanay nito sa pagbebenta ng katawan.

“Ibinenta siya ng mom niya for a very low price because her mom is an addict. Kilalang-kilala ko siya personally,” pagsisiwalat ni Quinn.

“Even the lines ni Miss Jaclyn, yung mga eksenang nanghihingi siya ng pera, it’s another person. Pero I knew people like this.

“Na yung parents nila, ganun kung makapag-demand sa mga anak nila.

“So, just because you don’t know someone who’s like this doesn’t mean na they don’t exist.

“So, gusto kong ipakita sa mga tao na there are people like these. Kaya inilagay ko sila sa story na ito.”

Ano ang pakiramdam niya matapos mapanood ang Tahan sa big screen?

Mabilis na sagot ni Quinn, “Ang ganda! Talagang paulit-ulit ako kay Direk… ‘Direk, totoo po ba?! Ito na yung isinulat ko?!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Iba yung vision ko, tapos nung in-interpret ni Direk like this… ang ganda, Direk! Sobrang thank you!

“Sobrang nakaka-flatter talaga and I’m very, very grateful and happy na ito yung nagawa naming pelikula.”

Naikuwento rin sa amin ni Direk Joel Lamangan na napabilib din siya ni Quinn.

Meron daw siyang kuwentong naisip na gusto niyang isapelikula ng 3:16 Media Network at Mentorque Productions. Ikinuwento raw niya kay Quinn para isulat ito. Natuwa raw siya sa pagkasulat ni Quinn nang ipinabasa na sa kanya.

“Magaling ang batang yun, ha? Magaling siya magsulat,” bulalas ni Direk Joel.

NOEL FERRER

Sa dinami-dami ng mga Vivamax features na ipinalalabas linggu-linggo, sana’y magtatak si Cloe Barretto sa industriya natin.

Ano ang ipinagkaiba ni Cloe sa matunog na si AJ Raval? Or siya na ba ang hahalili kay AJ sa pagiging Vivamax sexy queen?

Ano ang pagkakapareho at pagkakaiba nila? Sino ang mas magaling umarte? Honestly, gusto kong malaman!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cloe Barreto on her reaction after watching her movie Tahan: “Sobrang saya ko po, kasi ahhhm, hindi ko po ine-expect. Pero ang ganda po kasi talaga nung story. Naiiyak ako, kasi ang ganda! Kasi, parang… kasama pala ako sa movie na yun?! Sabi ko, ‘Parang hindi ako yun, ah?!’"
PHOTO/S: Cloe Barreto Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results