Watch Now

Balitang pagre-resign ni Alex Gonzaga sa Tropang LOL, kiyeme lang?

by PEP Troika
Jul 22, 2022
alex gonzaga tropang lol
"Next question na tayo!" iwas ni Alex Gonzaga nang tanungin ng kanyang co-hosts kung totoo ba ang balitang magre-resign na siya sa Tropang LOL.
PHOTO/S: Tropang LOL Facebook

GORGY RULA

Live ang Tropang LOL ngayong Biyernes, July 22, 2022, pero wala si Billy Crawford dahil umalis ito patungong France.

Sandali lang daw roon si Daddy Bills dahil next week ay mapapanood siya uli sa noontime show ng TV5, na napapanood na rin sa A2Z at Kapamilya Channel.

Ang pansamantalang nag-host ng sinusubaybayan naming segment na "Maritest" ay si Alex Gonzaga.

Ang kilalang social media influencer na si Toni Fowler ang naglaro ngayong araw.

toni fowler

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa sa itinanong sa kanya ay kung sino sa mga host ng Tropang LOL ang napababalitang nag-resign na raw sa show.

Bukod kay Alex, nasa choices sina Billy Crawford, Bayani Agbayani, at Jeff Tam.

Nag-isip sandali si Toni, pero sure siyang si Alex Gonzaga ang sagot niya.

Read: Alex Gonzaga, hindi totoong nag-resign na sa Tropang LOL

Pagkatapos na-confirm ni Alex na tama ang sagot ni Toni, umakting si Alex na aalis.

“Bye! Alis na ako,” sabay talikod ni Alex kay Toni.

Pinilit tanungin ng mga co-host niya si Alex kung ano ba talaga ang totoo. Magre-resign daw ba talaga ito?

Hindi sila sinagot ni Alex.

“Next question na tayo!” tili niya.

May pahabol pang intriga si Bayani Agbayani kung totoo raw bang pinipirata si Alex. Walang sinagot si Alex sa mga pambubuyo nila.

Nakakaintriga ang ganung drama ng actress-TV host, pero nung pumutok ang tsikang ito ay kaagad kaming sinagot ng ilang production staff na walang katotohanan ang kuwentong magre-resign.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naka-text ko rin si Bayani nung nakaraang Martes at pinasinungalingan niya ang intrigang ito.

“Hahaha! Hindi. Dito pa din siya sa TROPANG LOL,” text sa akin ni Bayani.

Nakakasama raw nila si Alex sa taping at pati sa live na napanood naman natin ngayong tanghali.

Pansamantalang kasama nila ngayon sina Sue Ramirez at Matteo Guidicelli bilang guest co-hosts.

Kiyeme lang kaya itong isyung resignation ni Alex para merong mapag-usapan sa pagpapalit nila ng timeslot at back-to-back sa It’s Showtime?

NOEL FERRER

Kiyeme lang pala? Kanino galing ang kiyeme? Sa kanila rin? Para pag-usapan?

Owwww, sana pag usapan na lang kung paano pa mas pagagandahin ang show.

Ayan tuloy, umaariba pa rin ang katapat na Eat Bulaga! na walang pagkaabala at pagkakiyeme.

JERRY OLEA

Marites na Marites ang suot ni Alex Gonzaga sa segment, with matching pamaypay.

Hindi pa niya gamay ang pagho-host ng nasabing segment pero may sarili siyang istilo at dynamics sa pang-uurot ng Marites of the day.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bongga kung maggi-guest sa segment with Alex as host ang ate niyang si Toni Gonzaga, maging ang kaibigang si Luis Manzano.

Hopefully, maglaro rin diyan ang leading man ni Alex sa pelikulang The Entitled na si JC de Vera.

Streaming na sa Netflix sa Hulyo 29 ang The Entitled, at magandang pagkakataon na rin iyon para ma-promote ang pelikula ni JC with Janine Gutierrez na Bakit Di Mo Sabihin? na isa sa 11 full-length films ng Cinemalaya 18 filmfest (Agosto 5-14).

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Next question na tayo!" iwas ni Alex Gonzaga nang tanungin ng kanyang co-hosts kung totoo ba ang balitang magre-resign na siya sa Tropang LOL.
PHOTO/S: Tropang LOL Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results