Kelvin Miranda, kailangan munang ayusin ang sarili bago pumasok sa relasyon

by PEP Troika
Jul 22, 2022
kelvin miranda
Kelvin Miranda: “Ang hirap po kasing trabahuin yung relasyon kung hindi mo kayang trabahuin yung sarili mo muna. Marami pa akong kailangang asikasuhin at baguhin sa sarili ko para mag-entertain ako ng panibagong obligation at saka responsibilities.”
PHOTO/S: @iamkelvinmiranda on Instagram

GORGY RULA

Pumasok na si Kelvin Miranda sa lock-in taping ng bagong drama series niya sa GMA-7, ang Unica Hija, na pagbibidahan ni Kate Valdez.

Ilang araw lang sila magti-taping dahil bago mag-July 30, 2022 ay lalabas sila para makadalo sa Thanksgiving Gala Night ng GMA-7 na gaganapin sa Shangri-La The Fort.

Mabuti at hybrid na ang taping nila, at hindi yung pangmatagalang naka-lock in sa isang location.

Nanibago si Kelvin nung isinalang siya sa ganitong set-up nang ginawa niya ang The Lost Recipe kaya dumaan siya sa anxiety at depression noong nagsimula pa lang ang pandemic.

Read: Kelvin Miranda, dumaan sa maraming pagsubok noong unang mag-lock in taping

Pero ngayon ay adjusted na raw siya, at malaki ang nagawa ng mga trabaho niya at mga taong nakapaligid sa kanya kaya nalagpasan ng Kapuso actor ang mga pinagdaanan niya noon.

“Hindi ko po masabing okay na okay, e, pero nakakatulong po talaga yung mga ginagawa ko ngayon,” bulalas ni Kelvin nang nakatsikahan namin sa press launch ng bagong ini-endorse niyang Kaizen C ng Aqua Skin Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaking bagay rin daw ang suporta ng kanyang pamilya.

Lahad ni Kelvin, “Pinag-isipan kong mabuti kung io-open up ko ba sa kanila yun. Pero nagulat na lang ako one day umuwi ako sa bahay, nag-breakdown na lang ako galing sa trabaho, parang sinabi ko na yung reason na parang hindi ako okay.

“Dun na nag-start na parang, ‘Bakit ngayon mo lang sinabi?’ Parang nagtanong lang sila ng maraming bakit.

"So, sinagot ko lahat yun, and tinanggap naman nila, at sinusuportahan nila ako at mas ginagabayan nila ako ngayon sa mga ginagawa ko.”

Bukod sa Unica Hija, sunud-sunod na ang mga ginagawa ng Kapuso actor.

Ang isa sa ikinatuwa niya ay marami pa ring nagri-request na magsama sila uli ni Beauty Gonzalez sa isang project.

Yun pala, meron na silang nagawang pelikula sa ALV at GMA Films na may tentative title na After All na idinirek ni Adolf Alix Jr.

May natapos na rin daw siyang isa pang pelikula under Unitel kung saan kasama niya si Miles Ocampo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tuluy-tuloy pa rin ang sitcom nilang Tols sa GTV. Special guest nila bukas, July 23, ang matagal nang crush ni Shaun Salvador na si Faith da Silva.

NOEL FERRER

Walang ka-date at solo flight daw si Kelvin sa Gala Night ng GMA-7. Ayaw raw muna niyang pumasok sa isang relasyon dahil kailangan muna niyang ayusin ang sarili.

“Priority ko po muna yung sarili ko. Kasi, kailangan ko po munang ayusin yung sarili ko bago sa ibang tao.

“Ang hirap po kasing trabahuin yung relasyon kung hindi mo kayang trabahuin yung sarili mo muna.

“Marami pa akong kailangang asikasuhin at baguhin sa sarili ko para mag-entertain ako ng panibagong obligation at saka responsibilities.”

Properly guided si Kelvin ng mentor niyang si Direk Adolf!!!

JERRY OLEA

May sarili nang tatak si Kelvin.

Hindi na siya ka-lookalike lang ni Alden Richards, James Reid, Daniel Padilla o Enrique Gil.

Last year pa natin naibalita rito sa PEP yung movie nila ni Beauty Gonzalez na After All, na kinunan sa Bolinao, Pangasinan. Ilalahok kaya iyon sa forthcoming MMFF?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Meron pa rin bang fans ang MiKel tandem na nabuo sa The Lost Recipe?

Patapos na ang Apoy Sa Langit kung saan kasama sa cast si Mikee Quintos. Sana, pagtambalin din muli sina Mikee at Kelvin, ‘no?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kelvin Miranda: “Ang hirap po kasing trabahuin yung relasyon kung hindi mo kayang trabahuin yung sarili mo muna. Marami pa akong kailangang asikasuhin at baguhin sa sarili ko para mag-entertain ako ng panibagong obligation at saka responsibilities.”
PHOTO/S: @iamkelvinmiranda on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results