Tahan, No. 1 na sa Vivamax; daring movies at series, patuloy ang pamamayagpag

by PEP Troika
Jul 25, 2022
tahan scorpio nights 3
Jaclyn Jose and Cloe Barreto (left) star in Tahan, currently the No. 1 movie on Vivamax; Christine Bermas (right) stars in the upcoming movie Scorpio Nights 3.
PHOTO/S: Vivamax

JERRY OLEA

As expected, tuloy ang pamamayagpag ng mga mapangahas na palabas sa Vivamax.

Sa Top 10 Series of the Week, nasa Top 4 ang High (School) On Sex, Pantaxa, Iskandalo, at L.

Nagpasiklab ang pangwalo at huling episode ng High (School) On Sex nitong Hulyo 24, Linggo.

Sa sa susunod na Sunday, July 31, ay aariba na ang seryeng Wag Mong Agawin Ang Akin nina Angeli Khang, Felix Roco at Jamilla Obispo, sa direksiyon ni Mac Alejandre.

Sa Top 10 Movies of the Week, nanguna syempre ang splatter film na Tahan na nag-umpisang mag-streaming noong Hulyo 22, Biyernes.

Sa poster pa lang ay wala nang saplot ang bidang si Cloe Barreto. Hindi siya nag-plaster sa pictorial.

Panay-panay ang pa-boobey rito ni Cloe, pero wala silang love scene ni JC Santos.

Kabilang sa kaharutan ni Cloe sa Tahan sina Mercedes Cabral, Jet Delgado (apo ni Marissa Delgado), Karl Medina, Francis Mata, at ang nag-frontal na si AJ Oteyza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Idinirek ito ni Bobby Bonifacio, mula sa panulat ni Quinn Carillo na kasama rin sa cast ng Tahan bilang best friend ni Cloe.

Read: Cloe Barreto "laban kung laban" sa mapupusok na eksena sa Tahan

Ang iba pang nasa Top 10 Movies of the Week ng Vivamax ay Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili, Kitty K7, Virgin Forest, Biyak, Kinsenas Katapusan, Kaliwaan, Phone Sex, Eva, at Secrets.

Sa Hulyo 26, Martes, ay matutunghayan sa Vivamax Plus ang Scorpio Nights 3 sa halagang P499.

Idinirek ni Lawrence Fajardo ang “modern retelling of Peque Gallaga’s iconic erotica franchise starring Christine Bermas.”

Leading men dito sina Mark Anthony Fernandez at Gold Aceron.

Nasa cast din sina Sheree Bautista, Alisson Smith, Julio Diaz, Lou Veloso, Aica Veloso, Amanda Avecilla, Gabe Pineda, Lander Vera-Perez, Conan King, Kent Pontivedra, at Yumi Garcia.

Trailer pa lang ng Scorpio Nights 3 ay pasabog na. Andiyan ang eksenang tinawagan ni Christine sa cell phone si Gold at mapanuksong sinabihan, “Bumaba ka nga dito kahit saglit lang… gusto lang kitang i-blowjob.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Hulyo 29, Biyernes, ay matutunghayan na ng Vivamax subscribers ang Scorpio Nights 3 na walang dagdag na bayad.

Read: Christine Bermas, hinigitan ang daring scenes ni Anna Marie Gutierrez sa orig Scorpio Nights

Kasado na ang August offerings ng Vivamax, at meron na ring mga naka-line up para sa Setyembre.

Ipagkakapuri sina Cara Gonzales at Josef Elizalde sa Purificacion (Agosto 5), sa direksiyon ni GB Sampedro.

Ang deskripsyon sa pelikula ay isang sexy thriller “that would make you question your faith. A policewoman investigates the series of killings that happened to women of Santa Monica and her main suspect is the new priest, Father Purificacion.”

Co-stars dito sina Fabio Ide, Katrina Dovey, Ava Mendez, Rob Guinto, Quinn Carillo, Kier Legaspi, Lander Vera-Perez, Johnny Revilla, Raquel Monteza, Aurora Sevilla, Isadora, Shirley Fuentes, Andrew Muhlach, Jao Mapa, Angie Castrence, Jiad Arroyo, at iba pa.

Read: Josef Elizalde, gumanap bilang pari sa Purificacion; may mensahe sa mga moralista

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aariba ang maaksyong Influencer (Agosto 12) nina Sean de Guzman at Cloe Barreto, sa direksiyon ni Louie Ignacio.

Kasabay nitong mag-i-streaming ang documentary na Patayan Files (Agosto 12), kung saan tinalakay ang Vizconde Massacre at pagbitay kay Flor Contemplacion.

Bibiyahe ang sexy thriller na Lampas Langit (Agosto 19) nina Christine Bermas at Baron Geisler, sa direksiyon ni Jeffrey Hidalgo.

Ang papel dito ni Christine ay isang author whose marriage is on the rocks, at nakipag-affair sa daughter ng neighbor niyang literary idol.

Nasa cast din nito sina Ricky Davao, Chloe Jenna, Milana Ikemoto, Ivan Padilla, at Quinn Carillo.

Astig ang payanig ng Sitio Diablo (Agosto 26) nina AJ Raval, Kiko Estrada, Benz Sangalang, at Azi Acosta, sa direksyon ni Roman Perez Jr.

Extra-service ang hatid ng Bula (Setyembre 2) nina Ayanna Misola, Gab Lagman, Mon Confiado, Rob Guinto, Francis Magundayao, at Massimo Scofield, sa direksiyon ni Bobby Bonifacio Jr.

Maghahasik ng hiwaga ang Babaylan (Setyembre 16) nina Jennifer Lee at Marco Gallo, sa direksiyon ni Bona Fajardo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilunsad ang entertainment and emergency app na Juanetworx noong Hulyo 21, Huwebes, sa Club Filipino, Greenhills, San Juan City.

Hindi ito kakumpitensiya ng Vivamax, lalo pa’t na-envision ito ng namayapang Healing Priest na si Fr. Fernando Suarez.

Read: Juanetworx streaming app, ginabayan ng namayapang Healing Priest na si Fr. Suarez

Ang puwedeng maging karibal ng Vivamax ay ang AQ Prime Stream at Director’s Cut by AQ, na hopefully ay available na by August 8.

Sandamukal ang mga hubadera at hubadero ng Director’s Cut by AQ, as in frontal kung frontal.

Labimpitong (17) pelikula na ang natapos nila, at pito pang pelikula ang nakatakda nang simulan.

Kabilang sa AQ Studs na nagbuyangyang ng private part sina Drei Arias, Juan Calma, Conan King, Kurt Kendrick, Lloyd Aaron Agustin, at Seon Quintos.

Read: Tatlong mapangahas na pelikula, mapapanood sa bagong streaming platform na AQ Prime

GORGY RULA

Sila-sila pa rin ang napapanood sa Vivamax. Halos ganun pa rin ang ginagawa nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano pa kaya ang bago na mapapanood sa Vivamax? Hindi ko na kailangang alamin pa.

Ang inaasahan ko ay kung anong pelikulang gagawin ng Viva na mapapanood na sa sinehan.

May isusunod na ba sila sa Maid in Malacañang na magsu-showing na sa Agosto 3?

Kahit si Direk Joel Lamangan ay hinahanap na rin ang paggawa ng pelikulang pang-sinehan. Wala nang excitement kay Direk Joel kung pang-streaming pa rin ang susunod na pelikulang gagawin niya.

“Hindi ako masaya na puro streaming. Hindi ako masaya lang na manood sa isang maliit na TV. Hindi ako masaya.

“Nalulungkot ako. Nasanay kasi ako na pumupunta sa sinehan at pinapanood ang pelikula.

“Ang aking kinamulatan ay ang manood, magbihis at pumunta sa sinehan, manood. E, wala nang ganun, e. Streaming na lang.

“Nami-miss ko ang dilim ng isang sinehan. Yung ganun ba?” pahayag ni Direk Joel sa aming pakikipagtsikahan sa kanya sa DZRH nung nakaraang Biyernes, July 22.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Martial law detainee Joel Lamangan says he will watch Darryl Yap's movie about the Marcoses

NOEL FERRER

Ngayong Hulyo 25, Lunes, ang opening ng kongreso at kauna-unahang SONA ni President Ferdinand Marcos Jr., sa direksiyon ni Paul Soriano.

Saan kaya magiging mas interesado ang mga tao — sa mga palabas na nakakaaliw sa masa na kasama sa 31M diumano na nagluklok sa kanya sa puwesto na kasamang naghihintay sa sasabihin niyang agenda para maihaon tayo sa hirap at krisis na hinaharap natin ngayon?

Tama ba na kung nagigipit ang bansa, pang-aliw ang kailangan para hindi masyadong maramdaman ang hirap?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jaclyn Jose and Cloe Barreto (left) star in Tahan, currently the No. 1 movie on Vivamax; Christine Bermas (right) stars in the upcoming movie Scorpio Nights 3.
PHOTO/S: Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results