AJ Raval, balik-shooting na; di totoong nagpositibo sa COVID

by PEP Troika
Jul 28, 2022
aj raval shooting
Balik-shooting ang sexy star na si AJ Raval ng pelikulang Us X Her, mula sa direksiyon ni Jules Katanyag (right photo) matapos mapabalitang nagpostibo siya sa COVID-19.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Ngayong araw, July 28, 2022, ang last shooting day ni AJ Raval sa pelikulang ginagawa niya sa Viva Films, ang Us X Her.

Kasama niya rito sina Angeli Khang at Kiko Estrada, mula sa direksiyon ni Jules Katanyag.

Ayon sa aming napagtanungan sa shooting, kahapon daw bumalik si AJ galing sa napabalitang pag-pack up ng shooting dalawang linggo na ang nakararaan.

Sabi ng kampo ng sexy actress, nag-positive siya sa COVID 19 kaya ipina-pack up nito.

Read: Balitang buntis si AJ Raval, confirmed nga ba? Shooting ng Us X Her, na-pack up dahil kay AJ?

Ang kasunod nating nakita kay AJ ay ang bikini photos niya sa beach para maipakita ang flat na tiyan at seksing katawan, at para pasinungalingan ang isyung buntis.

Read: AJ Raval posts bikini video amid persistent pregnancy rumors

Okay na okay na raw si AJ kahapon at siya ang pinakamaagang dumating sa set. Maayos daw ang shooting, hanggang ngayon na sa Pampanga naman kinunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ganun pa rin daw si AJ na walang kiyeme sa hubaran at hindi nagpahuli sa pagiging daring ni Angeli Khang.

Tinanong namin ang aming source kung sino sa dalawang sexy stars ang mas daring sa pelikulang ito.

“It’s a tie po!” mabilis na sagot ng source sa PEP Troika.

Kaya hindi raw nahirapan si Direk Jules sa mga artista niya, lalo na’t pati si Kiko ay napapasabay rin sa hubaran.

Ang ipinagtataka lang ng ilang taga-production, bakit sinabing nagka-COVID si AJ, gayung nag-negative daw ito sa huling antigen test.

Masama lang daw ang pakiramdam ni AJ nung na-pack up ang shooting, na ang akala raw niya ay may COVID siya. Pero negative naman daw pala ang resulta ng antigen test.

Nilinaw nilang walang nagka-COVID sa shooting, at hanggang sa last day shoot at okay na okay raw silang lahat, walang nagkasakit.

Thankful daw si Direk Jules Katanyag sa mga artista niya dahil walang kaarte-arte sa mga maseselang eksena. Proud daw siya sa pelikulang ito, lalo na kay AJ at mga co-stars na hindi nagbigay ng problema sa shoot.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Na-COVID man o hindi si AJ Raval, ang importante ay nagbalik siya sa shooting para tapusin iyong pelikula.

Kung totoong buntis si AJ, magpapahinga siya, at mapapansin ang paglaki ng tiyan.

E, di ba, may kilala tayong dalawang sexy actress na itinago ang pagdadalantao noong panahon ng pandemya? Noong buntis sila ay hindi muna sila nagtrabaho.

Iyong isa ay nanahimik talaga, samantalang iyong isa ay nanatiling nagpo-post sa socmed as if laging bago ang ipino-post.

Sisingaw at sisingaw ang totoo. Maghintay-hintay lang tayo.

NOEL FERRER

Speaking of COVID, ang dami pa rin nating kakilalang may COVID na artista. Apektado ang work at well-being nila, ganunpaman, kinakaya nila.

Pero ang katotohanan, mahirap banggain. Sabi nga, lalabas at lalabas ang katotohanan.

Sana, hindi alipin si AJ Raval ng kanyang sariling salita!!!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Balik-shooting ang sexy star na si AJ Raval ng pelikulang Us X Her, mula sa direksiyon ni Jules Katanyag (right photo) matapos mapabalitang nagpostibo siya sa COVID-19.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results