Tali Sotto, magiging regular na ba sa Eat Bulaga?

by PEP Troika
Jul 30, 2022
tali sotto pauleen luna
Tali Sotto, anak nina Pauleen Luna at Vic Sotto, kasamang nagdiwang ng 43rd anniversary ng Eat Bulaga ngayong Sabado, July 30.
PHOTO/S: YouTube

GORGY RULA

“Saling ketket lang,” ang sagot sa akin ni Pauleen Luna nang tinanong ko kung regular Dabarkad na ba ang anak nila ni Vic Sotto na si Talitha sa Eat Bulaga.

Kay Tali ang atensiyon ng Dabarkads kapag sumasali siya sa mga segment nito, lalo na kapag nagti-TikTok dance kasama si Ryza Mae Dizon.

Kitang-kita naman kasing enjoy na enjoy si Tali na sumasali sa kanila at nakakasabay siya at parang kabisadung-kabisado niya ang mga ginagawa ng Dabarkads.

Nasa studio lahat ng hosts ngayong Hulyo 30, 2022, Sabado, dahil sa selebrasyon ng 43rd anniversary ng Eat Bulaga. Pero hindi pa raw nila masabi kung tuluy-tuloy na ito o sa weekend lang.

Sinubukan din nilang magpapasok ng audience kahit limitado pa ito. Tinitingnan pa raw kung itutuloy na nila ang audience participation.

Read: Coney Reyes, special guest sa 43rd anniversary ng Eat Bulaga!

Ang sure lang natin ay kapag nasa studio sina Bossing Vic at Poleng, tiyak ka-join si Tali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Super enjoy siya, Kuya,” text ni Pauleen nang kinumusta ko si Tali.

Definitely, ka-join daw talaga si Tali tuwing nasa studio sila dahil hindi kaya ni Bossing Vic na iwan sa bahay ang kanilang anak.

Minsan ay hindi naman humahabol si Tali pag umaalis sila, pero mas gusto raw talaga ni Bossing Vic na lagi niyang karay-karay ang bunso niya.

Parang playground na tuloy ni Tali ang Eat Bulaga!, pati ang taping ng bago nilang programa sa Net 25. Parang naglalaro lang daw kasi si Tali kapag kasali ang bagets sa taping.

Hindi pa raw alam ang eksaktong date, pero bandang September na raw magsisimula ang Love, Bosleng with Tali na show nila sa Net 25.

JERRY OLEA

Ang saya-saya ng 43rd birthday ng Eat Bulaga, kung saan nagsama-sama sina Tito, Vic & Joey, plus Coney!

Present din sa pagdiriwang at Thanksgiving Mass ang mag-inang Pauleen Mendoza at Tali, at ang legit Dabarkads na sina Maine Mendoza, Maja Salvador, Ryan Agoncillo, Allan K, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ryza Mae Dizon, at Miles Ocampo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

eat bulaga 43rd anniversary

Siyempre pa, kapansin-pansin ang absence ng Asia’s Multimedia Star, ang super-busy na si Alden Richards.

Aba! Mahigit 108K views na sa YouTube channel ng Eat Bulaga! iyong look-alike nina Pia Wurtzbach at Alden Richards na bumida sa “Bida Next” segment noong Hulyo 22, 2022.

“Medyo tumaba na Alden” ang dating ni JR Estudillo, na Kumu content creator mula Digos City, Davao del Sur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Maine, “Si JR, unang pagpasok pa lang, Ma Allan, Kuya Jose, may kamukha na, e! Meron, tingnan niyo, may kamukha! O… Go Young, di ba?”

“Ay, oo nga!” bulalas ni Jose.

Pagpapatuloy ni Maine, “Di ba? Ha! Ha! Ha! Medyo. Hindi, may kamukha pang isa, na Dabarkads din, legit Dabarkads, si Alden.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sundot ni Jose, “Di mo mabanggit…”

Susog ni Allan K, “Oo, di mo mabanggit, Maine. Yun naman ang glaring na kamukha. Bakit ba hindi mo mabanggit?”

Tugon ni Maine, “E, kasi, hindi na siya nagpupunta dito, e!”

Hirit ni Jose, “Hindi! Busy lang, busy. Busy lang! Busy! Busy lang!”

NOEL FERRER

Nang makausap ng PEP Troika, nilinaw ng mga taga-Eat Bulaga! na kasali pa rin si Alden Richards sa programa.

Abala lang daw ito sa ibang commitments niya, lalo na ang regular taping niya sa Start-Up PH. Pero sayang naman, espesyal naman na kahit anibersaryo lang sana ay mapaunlakan.

Ngunit ang sabi nga, magaganap ang lahat sa takdang panahon. Ie-expect natin ang pagbabalik-Bulaga ni Alden Richards.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tali Sotto, anak nina Pauleen Luna at Vic Sotto, kasamang nagdiwang ng 43rd anniversary ng Eat Bulaga ngayong Sabado, July 30.
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results