Watch Now

2 Top Class trainees, nagparunggitan; anim na trainees, tanggal na

by PEP Troika
Jul 31, 2022
top class trainees
Top Class trainees who were eliminated this week are: (top, L-R) Kim, Matt, and Ash; (bottom, L-R) E L, Chase, and Dave.
PHOTO/S: Cornerstone

GORGY RULA

Anim ang nalagas sa 22 trainees na naiwan sa talent-reality show na Top Class: Rise to P-Pop Stardom.

Read: StarStruck, Tawag ng Tanghalan finalists, BL actor among first batch of Top Class trainees

Read: The Voice Kids contestant, All-Out Sundays dancer join second batch of Top Class trainees

Read: YG aspirant, G-Force scholar, TikTok stars join new batch of Top Class trainees

Medyo matensiyon nitong nakaraang araw dahil sa pagtatalo ng dalawang Top Class trainees na sina Roj at Kim.

Diretsahang nagpahayag si Roj na masasaktan siya kung makakasama niya si Kim sa pinakamababang ranking. Kailangan pa raw husayan ni Kim, at hindi ito nagustuhan ng huli.

Nagbigay rin ng opinyon ang ibang Top Class trainees kaya nagkaroon ng tensiyon sa Top Class Campus.

Nitong Sabado, July 30, 2022, ay in-announce na ang pinakamababa sa ranking at kailangan nang magpaalam.

Ang anim na Top Class trainees na natanggal ay sina Matt, Ash, E L, Chase, Dave, at si Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Labing-anim na lang ang naiwan at dadaan sila sa mas matinding training sa mga mentors nilang sina KZ Tandingan, ang vocal coach ng BGYO na si Jerwin Nicomedez, ang alamat ng Rap Battle na si Loonie, at ang dance mentor nilang si Brian Puspos.

Lima ang pipiliin sa kanila para mabuo ang isang P-pop group under Cornerstone Entertainment.

Bentang-benta ngayon ang mga P-pop groups. Sa katunayan, napasikat na rin ng Cornerstone ang grupong VXON at all-girl group na G22.

Habang papakonti ang trainees, nakikita ng host ng Top Class na si Catriona Gray ang malaking pagbabago sa mga kabataan at lalo pa silang gumagaling.

Sabi nga ni Catriona, “I love that we’re putting a focus, not just on the existing talents or trainees, but rather on their improvement, their growth and development. Cause it sends a very empowering message—that greatness is not something your born with, it’s something you work for.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napapanood ang Top Class sa TV5 tuwing Sabado ng 5:00 p.m., at araw-araw ay mapapanood sa Kumu ang kanilang daily activities. Mapapanood din ito sa ibang bansa via iWant TFC at Myx Global.

JERRY OLEA

In all honesty, wala sa diwa ko ang reality show na iyan. Andami-dami ko pa kasing gustong panoorin sa Netflix at Vivamax.

Meron ding mga payanig ang GagaOOLala, HeyPogi, Upstream, Juanetworx, at iba pang streaming platforms.

Sa Agosto 8 ay nakatakda na raw magpasiklab ang AQ Prime at Director’s Cut by AQ.

Andaming ganap sa showbiz na tututukan natin, gaya na lamang ng Cinemalaya 2022 sa Agosto 5-14 sa CCP. Labing-isang feature films ang panonoorin ko rito.

Read: Mga direktor ng Cinemalaya 2022 entries, tinapos ang mga pelikula sa gitna ng pandemya

Nalalapit na ang pagwawakas ng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin, at siyempre pa ang pag-uumpisa ng fantaseryeng Darna ni Jane de Leon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Coco Martin announces last three weeks of FPJ's Ang Probinsyano

Mino-monitor din natin ang pamamayagpag ng Lolong sa primetime.

Andiyan pa ang mga blind item na inaabangan ng mga Marites.

Iyong isang female singer na may golden voice, meron na raw kasintahan sa abroad?

Iyong maalindog na aktres na magbibida sa isang pelikula, nanganganib na mabunyag ang love child courtesy ng isang dakilang politician.

Ang isang poging artista na produkto ng isang reality competition, tuluyan nang sumabak sa pagiging adult content creator.

Nag-aagam-agam tayo sa bagong variants ng COVID-19, hayan at nagbabanta na rin ang monkeypox.

Kaya walang puwang sa kamalayan ko ang parunggitan sa Top Class. Mas interesado akong abangan kung magpo-propose na nga ba si Sam Milby kay Catriona Gray.

NOEL FERRER

Same here, although nasagi iyan sa panonood ko ng TV kanina.

At nasa TV5 si KZ Tandingan, meaning, ok na talaga ang collab ng ABS-CBN talents sa TV5, ganoon ba yun? Or piling-piling talents lang ang pinapayagang mag-cross over?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Whatever it is, sana’y mapasikat pang talaga itong mga young talents na naghahanap ng mga bagong venue para makilala at tangkilikin.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Top Class trainees who were eliminated this week are: (top, L-R) Kim, Matt, and Ash; (bottom, L-R) E L, Chase, and Dave.
PHOTO/S: Cornerstone
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results