Allen Dizon, iniluklok na sa Hall of Fame ng FAMAS Awards

by PEP Troika
Jul 31, 2022
allen dizon famas hall of fame
Allen Dizon on being elevated to Hall of Fame in FAMAS: “Para akong nasa alapaap, sobrang saya. Nakakaiyak po. Pero hindi ibig sabihin nito ay makakampante ako, kundi lalo ko po pagbubutihin ang pag-arte at ipagpatuloy ang paggawa ng makabuluhang pelikula.”
PHOTO/S: FAMAS Facebook

GORGY RULA

Hanggang ngayon ay parang nasa cloud nine pa rin ang magaling na aktor na si Allen Dizon, pagkatapos niyang tanggapin ang kanyang Hall of Fame award sa kategoryang Best Actor sa 70th FAMAS Awards 2022.

Read: FAMAS 2022: Martial law film Katips bags seven awards; Charo Santos-Concio wins Best Actress

Kung hindi ako nagkamali, si Allen ang pinakabatang Hall of Fame awardee ng FAMAS na ihahanay kina Fernando Poe Jr., Joseph Estrada, Eddie Garcia, Charito Solis, Christopher de Leon, Vilma Santos, at Nora Aunor.

Ang limang Best Actor Award na nakuha ni Allen sa FAMAS ay mula sa pelikulang Paupahan (2009), Dukot (2010), Magkakabaung (2015), Bomba (2018), at Latay (2021).

Itong Hall of Fame ni Allen sa FAMAS ang isa raw sa hindi akalaing makakamit ng aktor.

Bahagi ng kanyang acceptance speech sa awards night nitong Sabado, July 30, 2022, “Simple lang po ang pangarap ko nung nagsisimula pa lang ako sa showbiz, ang maging artista para makatulong sa pamilya ko.

“Eleven years old po kasi ako nung namatay ang father ko at nakita ko ang hirap ng mother ko being a single mother of four.

“Ngayon, nailagay ako sa Hall of Fame for Best Actor kahilera ang mga bigating artista na tinitingala sa industriya kagaya nila FPJ, Eddie Garcia, Christopher de Leon, President Erap, pati na rin si Ms. Charito Solis, Vilma Santos, at National Artist Nora Aunor.

“Para akong nasa alapaap, sobrang saya. Nakakaiyak po.

“Pero hindi ibig sabihin nito ay makakampante ako, kundi lalo ko po pagbubutihin ang pag-arte at ipagpatuloy ang paggawa ng makabuluhang pelikula.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Is Allen Dizon disappointed at lack of showbiz opportunities despite international acclaim?

Karamihan ay indie films ang nagagawa ni Allen, at dito siya mas kumportable. Pero gusto rin daw niyang makagawa sa mainstream at pati sa drama series.

Sa totoo lang, gusto ring kunin si Allen ng ilang TV networks para sa drama series, pero mas na-prioritize niya ang mga pelikulang ginagawa niya.

Sa GMA-7 ay nagawa na niya ang Agimat ng Agila, at ngayon ay kasama rin siya sa bagong afternoon drama na Return to Paradise.

Nilinaw ng award-winning actor na gusto rin niyang gumawa ng drama series. Napa-prioritize lang minsan ang mga pelikulang ginagawa niya dahil natsa-challenge talaga siya sa roles na ipinagkakatiwala sa kanya.

Pahayag niya, “Enjoy po ako sa paggawa ng pelikula talaga kasi puro challenging roles ang nabibigay sa akin.

“Open naman ako sa paggawa sa soap, basta maganda ang role.

“Sa Return to Paradise, very challenging yung role ko bilang si Lucho. Siya yung head ng sindikato ng sabong. May shades yung character, pero siya ang magliligtas dito sa love of his life na pinu-portray naman po ni Ms. Eula Valdes.

“Siyempre po, ang advantage ng nakikita ka sa television at familiarity po yun. Naalala ka ng mga tao kahit paano.

“Kaya, okay lang naman po ang mag-soap basta maganda lang po ang role,” pahayag ni Allen sa nakaraang mediacon ng Return to Paradise.

Read: Derrick Monasterio at Elle Villanueva, may tsika tungkol sa love scenes nila sa isla

NOEL FERRER

Oo nga, ‘no, napakasuwerte talaga ni Allen na mapasama sa listahang ito ng Hall of Famers at mga mahuhusay at iginagalang na mga artista.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Maliban sa kanyang pamilya, malaki dapat ang ipagpasalamat ni Allen sa kanyang manager at masugid na tagasuporta na nandiyan para sa kanya lagi — si Dennis Evangelista — na multi-tasking manager talaga kay Allen at ngayo’y bumabalik sa pagsusulat ng screenplay.

Sana, maisulat din ni Dennis ang maganda at inspiring na journey nila ni Allen sa pagtatagumpay sa industriya natin.

Anong genre kaya yun lalabas, if ever?

JERRY OLEA

Hall of Famer na rin si Allen sa Gawad Pasado kaya hindi na siya pwedeng manalo.

Nakatapos si Allen ng tatlo pang pelikula, kung saan kaabang-abang din ang pagganap niya at nakipagtagisan siya muli ng akting sa mga mahuhusay na artista.

Una, ang Abe Nida nila nina Katrina Halili at Gina Pareño, sa direksiyon ni Louie Ignacio. Isang manlililok ang papel niya, at kinunan ito sa Paete, Laguna.

Ikalawa, ang Walker with Rita Avila, Elora Españo, and Sunshine Dizon, sa direksyon ni Joel Lamangan. Ang papel niya ay abusadong pulis na personification of evil. Syinuting ito sa Cavite City.

At ikatlo, katatapos lang niyang i-shoot ang Pamilya Sa Dilim with Laurice Guillen, Sunshine Cruz, and Therese Malvar, sa direksyon ni Joselito Altarejos. Pulis din ang papel dito ni Allen, pero ibang conflicts ang tinalakay rito. Syinuting ito sa Minalin, Pampanga.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Allen Dizon on being elevated to Hall of Fame in FAMAS: “Para akong nasa alapaap, sobrang saya. Nakakaiyak po. Pero hindi ibig sabihin nito ay makakampante ako, kundi lalo ko po pagbubutihin ang pag-arte at ipagpatuloy ang paggawa ng makabuluhang pelikula.”
PHOTO/S: FAMAS Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results