JERRY OLEA
Pinarangalan ang ilang politicians sa 70th Filipino Academy of Motion Arts and Sciences (FAMAS) Awards nitong Hulyo 30, 2022, Sabado, sa makasaysayang Metropolitan Theater ng Manila.
Read: FAMAS 2022: Martial law film Katips bags seven awards; Charo Santos-Concio wins Best Actress
Special awardees sina Senator Imee Marcos (Exemplary Awardee for Public Service), Senator Jinggoy Estrada (FPJ Memorial Award), Pangasinan Representative Christopher de Venecia (Outstanding Public Service Award), at Congressman PM Vargas (FAMAS Presidential Award).
Ipinost ni Senator Imee sa Instagram ang picture nilang tatlo nina Charo Santos-Concio (best actress sa FAMAS para sa pelikulang Kun Maupay Man It Panahon) at Nora Aunor (unang recipient ng Susan Roces Celebrity Award).
Caption ni Senator Imee: “3 Dekada ‘70 FAMAS Babies na sina Sen. Imee Marcos, Superstar National Artist Nora Aunor, Charo Santos -Reunited; Ubra pa daw kaya mag-comeback movie together? Anong say nyo?”
Trivia sa Movie History: Ang pelikulang Himala (1982) na pinagbidahan ni Nora ay iprinodyus ng Experimental Cinema of the Philippines, kung saan director general si Senator Imee at producer si Charo.
Nang Sabado ng gabi ring iyon, panauhin ang ilang politician sa star-studded GMA Thanksgiving Gala sa Shangri-La The Fort.
Present sa Kapuso event ang presidential son na si Congressman Sandro Marcos. Hindi kasama ni Sandro ang matalik niyang kaibigan na si Alexa Miro.
Nakasabay rin pala ni Rhian Ramos si Congressman Sam Verzosa na president at CEO ng Frontrow Philippines. Si Sam ba ang pumili kay Rhian para sa Frontrow Female Icon award?
Siyempre, present ang Kapuso couple na sina Senator Bong Revilla at Congresswoman Lani Mercado.
Escort ni Heart Evangelista ang mister na si Senator Chiz Escudero.
Magkasama sa event ang magkasintahang Senator Win Gatchalian at Bianca Manalo.
Post ni Bianca sa Instagram, “In my entire career, first time I brought a date with me to a ball. I’m so kilig! Thank you babe for coming with me!”
Dumating din si Senator Alan Peter Cayetano at ang misis niyang si Taguig Mayor Lani Cayetano.
Sa mga nagtatanong kung bakit wala si Konsehal Aiko Melendez sa GMA Thanksgiving Gala, puno kasi ang schedule niya sa barangay activities sa Quezon City.
“Natapos ako, mga 7:00 pm na, e, so hindi kakayanin. I said ‘no’ to FAMAS hosting too,” sabi ni Aiko nitong Sunday afternoon via Messenger.
GORGY RULA
Two weeks ago lang nag-decide ang mag-asawang Senator Bong Revilla at Representative Lani Mercado na dadalo sa Thanksgiving Gala Night ng GMA-7, dahil may out-of-town commitment si Senator Bong.
Pero sabi ni Senator Bong, hindi niya puwedeng hindi daluhan itong malaking event ng Kapuso network, bilang pasasalamat na rin sa walang-sawang suporta sa kanya ng GMA-7, lalo na si Atty. Felipe Gozon.
“Twenty-two years na ako sa GMA-7. Ang dami kong dapat ipagpasalamat sa kanila. Basta abangan niyo na lang ang susunod na gagawin ko sa GMA,” sabi niya sa interview sa kanya ni Tim Yap.
Mabuti na lang daw at ginawan siya ng suit ni Francis Libiran, at gown kay Cong. Lani.
Nagulat ang ilang staff ng GMA-7 nang dumating si Batangas Vice Governor Mark Leviste kasama ang anak niyang si Vice Mayor Ronin Leviste.
Naalala pa ng ilang staff na itong si Ronin ay isa sa mga batang sumali noon sa Amazing Cooking Kids. Ngayon ay vice mayor na pala ito ng Lian, Batangas.
Ilan sa mga nakatsikahan ng PEP Troika ay sobrang nag-enjoy sa katatapos lang na GMA Gala Night. Ngayon lang kasi uli nagkaroon ng malaking showbiz party na talagang star-studded mula noong nagkapandemya.
Sobrang saya nila na nagkikita-kita sila at nagkaroon ng pagkakataong nagkumustahan.
Nagkaroon kaya ng pagkakataong nagkasalubong doon sina Marian Rivera at Heart Evangelista? Ang laki raw ng ballroom, kaya mukhang hindi nagkaroon ng chance dahil magkakalayo sila ng table.
Pero ang saya lang ng lahat na natuloy rin ang ganung pagtitipon ng Kapuso stars.
Samantala, medyo nagkalituhan lang daw sa pagrampa sa red carpet ang pamilya Legaspi nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.
Sabi ni Carmina, gusto sana talaga niyang buong family silang rarampa sa red carpet. Pero naka-commit na si Mavy na siya ang escort ni Kyline Alcantara.
Wala sanang problema kung buo pa rin ang love team nina Cassy at Joaquin Domagoso, dahil silang dalawa sana ang rarampa, at okay na ang mag-asawang Zoren at Carmina.
Kaya nangako raw si Mavy na pagkatapos nilang rumampa ni Kyline, babalik na lang siya para kumpleto na silang mag-anak na rarampa. Pero hindi naman nangyari.
Kaya si Cassy na lang mag-isa ang rumampa at sumusunod ang mag-asawa.
Sabi naman ni Popoy Caritativo nang nakausap ko siya sa telepono, nung ipinadala sa mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang imbitasyon ng GMA 7, kaagad na nag-decline na sila dahil sanggol pa lang ang anak nilang si Baby Dylan. Sobrang nag-iingat silang dalawa, kaya umiiwas muna silang ma-expose sa maraming tao, at baka may maiuuwi pa silang virus sa kanilang anak. Text naman ni Tita Becky Aguila, ang manager ni Jennylyn, “Nagbi-brestfeed pa si Jen, e. Three months old pa lang ang baby.”
NOEL FERRER
One honest question: ano kaya ang kinalaman ng mga politiko na hindi artista sa mga event na ito? Magandang ma-clarify ito, if ever.
READ MORE:
- GMA Thanksgiving Gala 2022: The most glamorous red carpet arrivals (Part 1)
- GMA Thanksgiving Gala 2022 arrivals: Ladies in white (Part 2)
- GMA Thanksgiving Gala 2022 arrivals: Ladies in black (Part 3)
- Sinu-sino ang agaw-eksena sa GMA Thanksgiving Gala 2022?
- DongYan, Heart Evangelista, Bianca Umali win special awards at the GMA Thanksgiving Gala Night