Return To Paradise, mas pinalakas ang afternoon block ng GMA-7

by PEP Troika
5 days ago
Derrick Monasterio, Elle Villanueva, Return To Paradise
Derrick Monasterio on Return To Paradise leading lady Elle Villanueva: “Kaya kong sabihin ang lahat na gusto kong sabihin sa kanya. Kaya kong ipakita yung lahat na gusto kong ipakita sa kanya. My true self kung ano talaga… bihira rin kasi ako talaga mag-open sa mga tao."
PHOTO/S: Return To Paradise

GORGY RULA

Okay naman ang rating ng pilot episode ng Return to Paradise na nagsimula nitong Agosto 1, 2022, Lunes, bilang kapalit ng Raising Mamay.

Naka-7% ang teledrama nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva kaya lalo nitong pinalakas ang afternoon block ng GMA-7.

Consistent din kasing mataas ang Apoy sa Langit na nakapagtala ng 8.2% nung araw na yun, at ang The Fake Life ay naka-6.7%. Sumunod dito ang Thai drama na Forever Sunshine na naka-4.7%.

Pero ang bongga sa lahat ay ang Family Feud ni Dingdong Dantes na super-taas nung Lunes. Naka-11.2% ito.

Naglaro rito ang The Naughty Divas na sina Mae Rivera, Selina Sevilla, Alynna, at Gabriela. Kalaban nila ang OPM Hitmen na sina Renz Verano, Richard Reynoso, Rannie Raymundo, at Chad Borja.

Type talaga ng mga manonood ang pangmasa at nagtu-throwback.

Happy na rin ang buong team ng Return to Paradise dahil maganda ang feedback sa pilot episode nito at sana nga, ituluy-tuloy nilang mataas ang rating.

Continue reading below ↓

Hindi nila ginagamit sa promo ang closeness nina Derrick at Elle dahil mas gusto nilang yung totoo lang.

Naging close daw ang dalawa sa set dahil nag-workshop muna sila. Habang nagti-taping ay naging kumportable na sila sa isa’t isa, at nakikita naman ito sa mga intimate scenes nila sa serye.

Sabi ni Derrick noong mediacon, “Actually, maganda na yung relationship namin ngayon, e. Maganda yung kung asan kami ngayon, I like it.

“Nakakatulong siya. Nakaka-benefit siya sa aming dalawa as actors kasi kaya namin ma-channel yung mga nararamdaman namin towards each other sa scene.

“And yung mga sinasabi namin na kami lang nakakaalam, na pag may sinabi siya sa aking line, 'Ah, humuhugot siya sa personal niyang experience,' and ganun din ako sa kanya.

“Sobrang comfortable kami.”

READ: GMA Thanksgiving Gala 2022: The most glamorous red carpet arrivals (Part 1)

NOEL FERRER

Sambit pa ni Derrick, “Kaya kong sabihin ang lahat na gusto kong sabihin sa kanya. Kaya kong ipakita yung lahat na gusto kong ipakita sa kanya.

Continue reading below ↓

“My true self kung ano talaga… bihira rin kasi ako talaga mag-open sa mga tao. Kasi siyempre, may hinahanap tayong gusto nating vibe. O may gusto tayong tao.

"So, suwerte ko, nahanap ko yung vibe na gusto ko with Elle.”

JERRY OLEA

Nakakakilig ang mga pa-abs at pa-Felix Bacat ni Derrick bilang Bench Body model. At least, OK ang rating ng teledrama na siya ang leading man, at baguhan ang katambal niya.

Disappointing kasi ang resulta sa takilya ng mga pelikulang siya ang leading man, gaya ng Wild and Free (2018) with Sanya Lopez, Almost A Love Story (2018) with Barbie Forteza, at Kiko en Lala (2019) with Super Tekla.

E, ang prime-time programs na bida sina Sanya at Barbie, wagi sa game of ratings. Kaya nakakatuwa na nakabangon na rin si Derrick.

Di ba, nakalulumbay rin ang sinapit sa takilya ng pelikula ni Ruru Madrid na Cara x Jagger (2019) with Jasmine Curtis-Smith?

Continue reading below ↓

Pero ngayon, waging-wagi sa Kapuso prime ang Lolong ni Ruru! Ang Lolong ang magpapatumba finally sa FPJ’s Ang Probinsyano, na dalawang linggo na lang sa ere.

But then again, kapana-panabik ang mga huling pasabog ni Cardo Dalisay, huh?! Kaabang-abang ang sasapitin ni First Lady Lily Ann Cortez-Hidalgo!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derrick Monasterio on Return To Paradise leading lady Elle Villanueva: “Kaya kong sabihin ang lahat na gusto kong sabihin sa kanya. Kaya kong ipakita yung lahat na gusto kong ipakita sa kanya. My true self kung ano talaga… bihira rin kasi ako talaga mag-open sa mga tao."
PHOTO/S: Return To Paradise
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results