Heaven Peralejo, nakasabay ba kina Ian Veneracion at Mon Confiado sa aktingan?

by PEP Troika
5 days ago
mon heaven ian nanahimik ang gabi
Nanahimik Ang Gabi stars Mon Confiado, Heaven Peralejo, and Ian Veneracion play challenging roles in this movie directed by Shugo Praico.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Na-immerse nang lubos si Ian Veneracion sa karakter niya sa pelikulang Nanahimik Ang Gabi.

Kahit hindi pa gumigiling ang kamera, lumukob na minsan sa kanya ang karakter niyang si Chief na isang abusadong pulis.

Read: Ian Veneracion plays sugar daddy to Heaven Peralejo in Nanahimik ang Gabi

Natatawang pagbabalik-tanaw ni Ian, “I was getting into character when playing the piano and recording something.

“Kasi, I was trying to describe the feelings of the character dun sa sound na ginagawa namin, the piano.

“And parang nakikita mo yung state of mind ng karakter dun sa mga notes niya, sa mga hindi nagdya-jive na mga tunog.

“And yun yung pinapalabas namin nun. Parang wala, ini-imbibe ko lang yung karakter na.”

Nasapian siya ng karakter niya?

“Hindi naman, kaya lang…” pagkunot-noo ni Ian, “yun nga, it’s an aspect of myself that I’ve never explored before.

“Kaya gustung-gusto ko, that’s why I think it’s the best job in the world because I feel I’ve lived more than a hundred lives.

Continue reading below ↓

“Because of all the roles I’ve played, it’s a rest from being myself when this is also a role that I play, the default role, di ba? Pero…

“At least yun, it’s hard work pero sulit, e. Lalo na when you have something to say, e. When you have a story that… I really love the story.

“Sabi ko nga kay Direk, ‘Bakit ganito ka-refined?!’ Even the dialogues, and the flow, and the rhythm and the ano, grabe!

“Sulit ang hirap talaga ng lahat dito.”

Ano kaya ang magiging reaksiyon ng moviegoers kapag napanood siya sa pelikula?

“Ahhm, depende kung gaano ka willing to face those layers of truth, e,” pagmamatuwid ni Ian.

“Kasi, kung hindi ka na-bother, kung hindi ka ma-bother sa movie… there’s something wrong. There’s something wrong with you.

“Na parang kailangan mong kuwestyunin ang sarili mo, ‘Do I need to recalibrate? Bakit OK lang?’

“You know, many things are happening sa society, sa atin na, ‘Oo nga, ‘no? Magbubulag-bulagan na lang ba ako?’

Continue reading below ↓

“I mean, it brings it to your attention. So yun, medyo nakaka-bother yung ibang bagay dun.

“Yun nga, yung ugali and nakikita natin na nasasanay tayo na ganyan, ‘Gusto ba nating magkaroon tayo ng mga anak na mga sugar babies na lang ng kung sinong mga corrupt?’

“Yung mga ganun. Those questions na… it’s right there in front of us always. Pero bulag-bulagan lang tayo, whatever, you know.

“Pero it confronts you with that, e. And then, you know, you question those truths na iba-ibang layers.

“And sulit, ang ganda ng script talaga! It’s something na kailangang mapanood.”

Ang psychological thriller na Nanahimik Ang Gabi ay isa sa official entries ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2022. Idinirek ito ni Shugo Praico.

Tampok din dito si Heaven Peralejo bilang sugar baby na si Me-ann, at si Mon Confiado bilang killer.

Read: Lino Cayetano, tiniyak na may "sex and violence" ang pelikula nina Ian Veneracion at Heaven Peralejo

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Bunsod ng pandemya ang ideya ng cautionary tale na Nanahimik Ang Gabi.

“Parang lahat nung mga sentiments, and yung prevailing emotions, fears, anxiety during that time, parang naibuhos dito sa pagsusulat ng script,” sabi ng writer-director na si Shugo Praico.

“To come up with a thrilling, exciting plot about this story. During that time, parang naaalala ko noon, tuwing gising ko, you don’t know what’s gonna happen.

“So, there’s that fear of the unknown. Parang hindi mo alam kung… ano ba? May trabaho ba bukas?

“Zombie na ba tayo sa susunod? Ha! Ha! Ha! Ha! Nung araw!”paghalakhak ni Direk Shugo.

“Papasukin ba tayo ng kung sino mamayang gabi? Yung virus ba, makakarating sa bahay mo, o maaapektuhan ka?

“Ang dami, e! So, you try to grasp sa kung anong meron ka, kung anong research, basa, ano sa paligid.

“And eventually yung mga sentiments. Being a writer, dun naibubuhos lahat ng nararamdaman, anxieties and fears. Dun sa pagsulat ng script.”

Continue reading below ↓

Challenging at mahirap ang materyal ng Nanahimik Ang Gabi. Nabigyan ba nina Ian Veneracion, Heaven Peralejo, at Mon Confiado ng justice ang kani-kanyang karakter?

nanahimik ang gabi cast and director

Shugo Praico (extreme right) with Nanahimik Ang Gabi stars Mon Confiado, Heaven Peralejo, and Ian Veneracion

“Every day we try our best to hit that vision, to be able to give justice to the script, the material that everyone aligned and decided to work together to come up with the movie,” tugon ni Direk Shugo.

Continue reading below ↓

“Challenging talaga yung roles, e. There’s a lot of work to be done, tulungan.

“Pero sa simula pa lang kasi, nung nag-present kami sa kanila, ikinuwento namin yung roles — everyone aligned dun sa vision ng script, e.

“I’d like to humbly say na parang nakagawa kami ng isang materyal na feeling namin, a story that needs to be told.

“So lahat, dun kumapit despite the challenges, despite the hard work na kailangan.

“So, aware naman lahat. Every day is a work towards that goal.”

Tricky ang casting ng pelikula. First and only choice sina Ian at Heaven, pero maraming pinagpilian para sa role na napunta kay Mon.

Lahad ni Direk Shugo, “You’ll see, pag napanood nyo na ang movie. Yun ang wish natin na ma-realize ng audience na casting is very tricky.

“So, nung pumayag sila… si Mon, si Heaven, si Ian… medyo nakahinga nang konti na parang YES!

Continue reading below ↓

“But again, may trabahong kailangang gawin, challenge na kailangang ma-overcome para nga makuha yung vision ng pelikula.”

Parehong beterano sa showbiz isa Ian at Mon. Nakasabay ba sa kanila si Heaven na baguhan pa lamang?

“Gaya ng nasabi ko kanina, it’s a work na lahat, laging papunta dun sa goal na yun,” sambit ni Direk Shugo.

“And also din po, yung roles nila are calibrated. Na walang angat dito, at balik din po dun sa objective, dun sa gustong ibahagi.

“Ang wish namin, na part kasi nga, may lihim dito. So, parang isa sa mga ano namin is, walang lihim na hindi nabubunyag.

“Sa relasyon, sa kung ano mang aspeto ng buhay, laging lumilitaw yung katotohanan.”

Alin ang mas mahirap, demanding, challenging, o draining sa pagbuo ng movie — physically or emotionally?

“I guess it’s a mixture of the two. Kasi, yung physical na habulan and all these stuff, may kaakibat na emosyon po yun,” saad ni Direk Shugo.

Continue reading below ↓

“So, bitbit din nila yun habang nangyayari.”

NOEL FERRER

Kakaiba nga itong Nanahimik Ang Gabi ni Direk Shugo Praico ng Rein Entertainment.

It’s a breath of fresh air sa naunang four choices sa MMFF with the other three coming from the usual big movie productions na Star Cinema, Viva, at Ten17.

Read: Coco-Jodi, Vice-Ivana, Ian-Heaven, Joey-Toni movies pasok sa MMFF 2022

Muli, maipapakita ang bagong atake sa isang genre movie with the fresh eyes of a relatively new and very able director. May the film appeal to a broad cross section of our viewers.

Ngayong pasok na sila sa Magic 4 entries ng MMFF 2022, puwede nilang pagandahin ito nang todo.

Ang sabi ko pa kay Direk Lino Cayetano, isa sa mga producers ng Nanahimik Ang Gabi, baka puwedeng maglagay ng interesting cameos pandagdag hatak din sa audience na kailangang-kailangan natin lalo na sa MMFF.

At hindi lang sa MMFF, ha, gusto rin nating bumalik na ulit sa panonood sa mga sinehan ang mga kababayan natin.

Continue reading below ↓

Sana rin, matigil na ang surge ng COVID cases na alam nating maraming kaindustriya natin ang nagte-test positive.

Sana talaga, makabawi na ang pelikulang Pilipino.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nanahimik Ang Gabi stars Mon Confiado, Heaven Peralejo, and Ian Veneracion play challenging roles in this movie directed by Shugo Praico.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results