Anthony Taberna, bayad ng DZRH pumasok man o hindi habang nasa Singapore

5 days ago
taberna family
Rossel Taberna on their life in Singapore: “Kami ang nagluluto, naglalaba. Tapos, apat lang po kami, lockdown. Pag ako po, nasa ospital with Zoey, siya [Anthony] naman na kay Helga. Bawal pong lumabas ng ospital, even the room, you can’t go out of the room. So, palitan po kami and sobrang naging close po talaga kami. Mas naging bonded kami."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Hindi nagkaproblema si Anthony Taberna aka Ka Tunying sa DZRH kahit anim na buwan siyang nanatili sa Singapore para sa pagpapagamot ng panganay niyang si Zoey na nagka-leukemia.

Read: Anthony Taberna swears never receiving financial help from First Family for daughter's medical bills

“Ang bait po ng DZRH!” bulalas ni Ka Tunying sa Press Play event nitong Hulyo 31, Linggo ng gabi sa Elements Centris, Quezon City.

“Sobrang bait po ng DZRH. Nun pong nagpaalam po ako sa kanila nung January, na titingin kami ng ibang options sa abroad, ang sabi po kaagad sa akin ng management ng DZRH, ‘Huwag mong intindihin yung programa mo.

“‘Pumasok ka man o hindi, babayaran namin yung talent fee mo.’”

Sobrang supportive sa kanilang pamilya!

Pag-ayon ni Ka Tunying, “Sobra! Eto, kinikilabutan nga ako, e. Kasi, ahhh… ngayon lang ako nakarinig ng ganun, ‘no?

“Napakatagal ko na po sa media… ahh well, no offense sa mga dati kong management.

Continue reading below ↓

“Pero para magbigay sa akin ng ganung klase ng assurance yung management ng DZRH, sabi ko, ‘Paano ko naman iiwanan itong DZRH?!’”

Sambot ng misis ni Ka Tunying na si Rossel Taberna na katabi niya nang mga sandaling iyon, “Pero sa kabila nun ay nagtuluy-tuloy pa rin po siya.

“Pinag-usapan namin na hindi po magiging healthy kung talagang nakatutok lang kami talaga. So, nag-work from home po kami.

“Siya, nagzu-Zoom siya sa DZRH, nagpoprograma pa rin po siya.”

Pagpapatuloy ni Ka Tunying, “Pumayag po ang DZRH noon na maging virtual po and I’m very thankful din po kay Gerry Baja, iyong aking ka-partner.

“Dahil tiniyaga na lagi siyang nasa studio, ako po ay remote. Ganun po ang aming tandem po.”

Nag-last episode sa hapon ang Dos Por Dos radio program nila ni Gerry Baja noong Hulyo 29, Biyernes.

Inilipat ang timeslot nila sa 6:00-8:00 am araw-araw, katapat si Mike Enriquez ng DZBB.

Continue reading below ↓

“Iyon po ang natural result po ng desisyon ng management na ilipat kami sa umaga,” lahad ni Ka Tunying.

“Iyon pong bigating mga nagpoprograma sa ibang network ay makakasabay po natin.

“Sana naman ay makakurot kami ng konting listenership o viewership sa kanila.

“Kahit konti lang, pagbigyan nyo naman kami, andami-dami nyo nang listeners!”

GORGY RULA

Nagsimula na nga ang Dos Por Dos nitong Agosto 1, Lunes ng umaga, at malakas sila sa Facebook live. Solid na rin kasi talaga ang supporters ng tandem na ito.

Samantala, naka-text ko si Rossel Taberna at nagpapasalamat siya sa lahat ng dumalo at sumuporta sa relaunch ng kanilang Taberna Group of Companies (TGC).

Nakapaloob dito ang kanilang Ka Tunying chain of restaurants, ang multimedia company ni Rossel na Outbox Media Corp., at ang Tune In kay Tunying na YouTube channel.

Ilan sa mga taga-showbiz na dumalo sa kanilang relaunch nung Linggo, July 31, ay sina Councilor Alfred Vargas, Bayani Agbayani, Jon Lucas, Senator Sherwin Gatchalian, at Senator Mark Villar.

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Rossel, napaka-blessed nila ni Ka Tunying sa mga anak nilang sina Zoey at Helga. Lalong naging close silang pamilya dahil sa pananatili nila sa Singapore habang nagpapagamot si Zoey.

taberna family

Kuwento ni Rossel, “Talagang yun pong nangyari sa amin na wala po kaming kasamang any household help sa Singapore, kami lang.

Continue reading below ↓

“Kami ang nagluluto, naglalaba. Tapos, apat lang po kami, lockdown. Pag ako po, nasa ospital with Zoey, siya naman na kay Helga.

“Bawal pong lumabas ng ospital, even the room, you can’t go out of the room. So, palitan po kami and sobrang naging close po talaga kami.

“Mas naging bonded kami. And talaga pong sa Panginoon lang po kami kumapit. And yun din po yung pinakamagandang bagay sa nangyaring ito.

“Lalo pong naging stronger yung faith namin, lalo na po yung mga anak namin.”

Ano ang maipapayo nila sa mga taong dumaranas ng matinding unos sa buhay, kagaya ng pinagdaanan nila?

Tugon ni Ka Tunying, “Ang unang-una po ay manalangin po tayo sa Panginoong Diyos.

“Kasi, katulad po ng sakit, maaaring may magaling na doktor, maaaring may magaling na technology, magaling na gamot.

“Pero lahat po ng iyan, e, ang Diyos naman ang gumagamit niyan. Ang totoong nagpapagaling sa sakit natin, ang Panginoong Diyos. Yun po ang number one.

Continue reading below ↓

“Kapag tayo’y nanghingi ng kagalingan sa Panginoong Diyos, dapat walang kahit na katiting na reservation.

“Kapag sinabi mong, ‘Pagalingin Mo po yung anak ko,’ tapos, ‘Pagagalingin kaya Niya?’ E, baka hindi nga Niya pagalingin.

“E kami, nung sinabi naming, ‘Panginoon, pagalingin Mo po ang anak namin at kami po, gagawin namin kung ano ang gusto Mong ipagawa sa amin, gagawin po namin. Pagalingin Mo lang po ang anak namin.’

“Pero dumating po yung point na akala ko, mawawala na po yung anak ko. May mga ganun pong stages nung gamutan.

“Pero ang Diyos pa rin po ang tumulong.”

NOEL FERRER

Ayan na nga ang primetime listeners.

Sa radyo kasi iyan, yung umaga na kinaugalian na ng mga tao, tulad ng nanay ko, na radyo ang gawing alarm clock. At habang nag-aayos sa umaga, sa radyo talaga nakatutok.

Isang challenge kay Sir Mike Enrquez ang makatapat ang Dos Por Dos dahil may medical challenge din si Sir Mike kaya madalas reliever ang napapakinggang natin tulad nung isang Zobel de Ayala ang pangalan o yung iba pang babaeng humahalili.

Continue reading below ↓

Kailangang tapatan ang mga aktibong nagkokomentaryo rin lalo pa’t si Kabayang Noli de Castro ang nasa ABS-CBN, at nasa later time naman sina Ted Failon at DJ Chacha sa Radyo Singko!

Buhay na buhay ang radyo, paano naman kaya ang TV?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rossel Taberna on their life in Singapore: “Kami ang nagluluto, naglalaba. Tapos, apat lang po kami, lockdown. Pag ako po, nasa ospital with Zoey, siya [Anthony] naman na kay Helga. Bawal pong lumabas ng ospital, even the room, you can’t go out of the room. So, palitan po kami and sobrang naging close po talaga kami. Mas naging bonded kami."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results